Chapter 50: When Pogi Meets PoGay

4K 130 71
                                    

★Aeron★

Totoo pala ang sinasabi nila. Walang forever. Kahit ano pang gawin mo, lahat magbabago. Lahat mapapagod. Lahat maghihiwalay. Walang permanente sa mundo dahil siguro kung meron lahat ng tao magiging masaya. Walang mamamaalam. Walang iiyak. Walang masasaktan.

Hindi ko inakalang tapos na ang relasyong akala ko ay panghabang-buhay na. Sa dinami-dami ng sakripisyo namin. Sa dinami-dami ng luhang pumatak, mga oras na pinagsaluhan, mga ngiti't pagsubok na pinagdaanan, dito pala hahantong ang lahat.

Oo, masakit. Sobrang sakit dahil alam kong kahit gustuhin ko mang balikan ang taong pinakamamahal ko hindi na pwede.

Kahit baliktarin ko pa ang mundo, kahit pagtagpuin pa kaming muli ni tadhana, hindi na pwede dahil sa sakit na dinadala ko.

Pagkatapos ng masakit na hiwalayan namin ni Devin ay pinili kong manatili na dito sa New York. Alam kong kapag nagstay pa ako ng Pilipinas, hindi ako tatantanan ni Devin hanggat hindi ko siya babalikan.

Naihatid pa ako nina Gino, Kean, Leiyan at Mico sa airport. Bago ako namaalam ay nag-iwan ako ng isang sulat kay Leiyan upang ibigay kay Devin. Nandoon sa sulat na iyon ang paghingi ko ng tawad dahil sa pag-iwan ko sa kanya. Nandoon rin ang rason kung bakit ko siya iniwan. Sinabi ko din sa sulat na iyon na hindi na pwedeng maibalik pa ang relasyon naming dalawa.

Hays. Ang aga-aga, nagdadrama na naman ako. Isang linggo ko na dito sa New York. Kasama ko dito si Daddy Nathan. Alam ng totoo kong pamilya ang karamdaman ko at nagdecide sila na dito muna ako para makapagpagamot at para na rin makaiwas sa maaaring manghusga sa akin.

Nasimulan na rin kahapon ang ilang mga tests para sa pagpapagamot ko at baka bukas o ngayon ko rin malalaman kung kailan nila sisimulan ang medications. Masaya ako na kahit papaano eh mapapahaba man lang ang pagstay ko pa dito sa mundo pero alam ko naman na bilang na lang ang araw ko.

Hindi pa ako nakakatanggap ng mensahe mula kay Kean simula noong dumating kami dito hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman kong parang may mali. Gabi-gabi, ss pagtulog ko ay palagi kong napapanaginipan di Devin na nagpapaalam sa akin. Alam kong dahil yon sa break-up namin pero parang may kutob akong mali.

Lumabas  na ako ng aking kwarto dahil sa 10:00 am na. Wala si Dad ngayon at di ko alam kung saan siya nagpunta kaya mag-isa lang ako dito sa bahay.

Hindi ko naman pwedeng tawagan yung mga kaibigan ko sa Pilipinas dahil madaling araw pa lang sa kanila.

Kamusta na kaya si Devin. Alam kong masakit pa rin para sa kanya yung nangyari sa amin. Nabasa na kaya niya yung sulat? Ano kaya yung naging reaksyon niya.

Miss ko na siya ng sobra. Miss ko na yung mga ngiti niya. Miss ko na yung kakulitan niya. Yun bang umagang-umaga pa lang eh inaasar ka na niya. Yun bang sa tanghali eh hindi ka niya pwedeng iwan kasi baka mapahamak ka. Yun bang sa gabi eh ang tagal niyong nag-uusap sa cellphone dahil gusto niya daw na hanggang sa pagtulog eh kasama niya ako. Yung bang sa bawat segundo eh alam mong ligtas na dahil palagi siyang nagdyan upang bantayan ka at upang ipadama sa iyo kung gaano ka kahalaga na kahit ano pang mangyari, kahit buhay niya pa ang kapalit eh isusugal niya para lang masiguro niya na ligtas ka.

Miss ko na yung taong palaging nandayan para pasayahin ako, patawanin at damayan ako kahit ano pang problema ang kinakaharap ko. Miss ko ka yung taong nagparamdam sa akin na sobrang espesyal ko.

Miss ko na si Devin, ang taong mahal na mahal ko. Ang mundo ko. Ang buhay ko.

Kahit wala na kami, mananatili pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. At habang buhay ko siyang mamahalin kahit hindi pwede at kahit wala ng pag-asa pa.

When Pogi Meets PoGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon