★Devin★
Those branches of trees were set ablaze. Ramdam ko ang init nito na bumabalot sa kaninang nanlalamig ko katawan. Noon, hindi ko kaylangan ng apoy para painitin ako incase na nilalamig ako, dahil presence pa lang niya, nag-iinit na ako.
"Since wala namam tayong magawa, why not, truth or dare na lang," sabi ni Anne. Kahit kailan talaga siya yung pinakamadaldal naming classmate. Truth or dare? Sounds good.
"How? Eh apoy yung nasa gitna natin? Hindi tayo makakapagspin ng bottle," sabi naman ni Mark. Oo nga , hindi naman kami makakapagspin ng bottle dahil na rin sa apoy na nasa gitna namin. And besides, hindi kami makakapagspin ng dahil na rin sa buhangin.
"Hindi naman problema yan eh, napagplanuhan na namin yan kanina kaya nag prepare kami ni Leiyan ng bunutan na nakasulat yung names niyo," banggit ulit ni Anne. Napagplanuhan pala, excited ako na kinakabahan. Excited dahil maraming marereveal na secrets. Pero kinakabahan dahil maaari akong masaktan sa kung ano man ang sasabihin nina Natel at Archie sa relationship nila.
"Syempre kasali din si Prof." sigaw ni Gino. Idinamay pa nila si Prof.
Tumango na lang si Prof. dahil wala naman siyang magagawa.
Unang bumunot si Sir at ang nabunot niya ay si Gino.
"Okay, Gino, Truth or Dare," tanong ni Prof.
"Truth," matapang na sagot niya. Aba, ang tapang naman niya.
"Palagi kitang nakikita sa klase ko na nakasulyap sa isang tao. Now aminin mo, may gusto ka ba sa taong ito and sino siya. Sabihin mo muna yung reasons mo bago sabihin ang name niya," yan ang tanong ni sir. Hahaha, hot seat, tignan natin kung papalag ang pagiging maangas ni Gino sa tanong ni sir. Tinititigan sa klase, sino kaya siya.
"Grabe ka naman Prof. Hot seat ah, pero no need to lie. Ah, first day of school pa lang, kakaiba na yung nararamdaman ko sa kanya, the way this person smile. Hahaha, hindi ko alam na magugustuhan ko ang katulad niya. I know, hindi niya ako nanonotice kase nga nakabaling yung atensyon niya sa iba. One time nakita ko nga siya sa mall mag-isa, gusto ko siyang lapitan pero, nakita kong may kasama pala siya and one day nalaman ko na lang na nahuhulog na ako sa kanya," banggit niya
"So who's this lucky girl?" tanong ni sir. Tiningnan namin siya at hinihintay ang sagot niya.
"Girl? No he's not," sabi niya. Nagulat kaming lahat dahil sa sinabi niya. So meaning, bakla si Gino?
"Wait, it's not what you think, Hindi ako bakla. I'm bisexual. Hindi ko inakala na mahuhulog ako sa taong ito.," sabi niya ulit.
"Sino kasi yan. Binibitin mo kami," naiinis ng sabi ni Anne.
"Louie," sigaw niya. Louie? You mean si Natel.
"Si Natel?" pasigaw na tanong ni Kean.
"Ako? Bakit ako?" nagtatakang tanong naman ni Natel. Seryoso ba si Gino? Bakit ang daming nagkakagusto sa pals ko, este ex ko na lang pala.
"Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam pero parang hindi nakukumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Tama yung sinasabi ki Prof. na palagi akong nakatingin sa iyo," pag-aamin ni Gino. Nakatingin pa rin siya kay Natel at ito namang si Natel parang nag-iisip. Ano kayang iniisip niya?
Sa totoo lang, naiinggit ako kay Gino, naiinggit ako dahil naamin na niya yung nararamdaman niya. Naiinggit ako dahil matapang siya. Ako, kaya ko kayang umamin sa kanya. Kung aamin ako, mamahalin pa rin ba niya ako.
"Ayiee, Gino, sa wakas nasabi mo na rin kay Natel," pang-aasar ni Mico
"Oh, siya, bumunot ka na," utos naman ni Prof. Sino kaya ang nabunot niya. Kung ako man yan, huwag naman sana. Ayoko pang mahotseat ng maaga.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Teen FictionMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...