★Aeron★
Masaya ako dahil unti-unti ko ng nai-aadjust ang sarili ko sa tunay kong pamilya. Hindi rin naman sila mahirap pakisamahan. Gaya rin naman sila ng kinagisnan kong pamilya. Marami akong nalaman tungkol sa aking tunay na pamilya. Ikwinento nila sa akin yung pinagdaanan nila ng mawala ako noong sanggol pa lang ako. Doon ko narealize kung gaano nila ako kamahal noon pa lang. Si Tito Denzel ay kanina pa walang kibo. Siguro pinakikiramdan niya pa lang ako. Siguro gaya ko ay hindi niya alam kung sino ang mauunang mag-approach sa aming dalawa. Ang laki ng naging kasalanan niya sa akin dahil muntik na niya akong pinatay. Lalo pang naging masakit noong nalaman ko na ama ko pala siya.
Kami na lang ni Tito Denzel ang natitira dito sa sala. Hindi naman ako pwedeng tumanggi sa alok niya na mag-uusap kami dahil nakakabastos rin naman iyon. At mabuti na rin at makakapag-usap kami.
"Alam mo ba na sa tuwing inaalala ko yung mga kasalanan ko sa iyo. Kahit gustong gusto kong magpakatatay sa iyo eh nahihiya ako dahil sa lahat ng mga nagawa ko?"
"Sobrang laki ng kasalanan ko sa iyo anak. Ang dami mong dinanas na paghihirap ng dahil sa akin. Anak, patawad." umiiyak na sabi ni Tito Denzel.
"Alam niyo po, tapos na po ang lahat. Hindi na po babalik ang nakaraan. May mga bagay talaga na nangyayari sa atin buhay para maging dahilan upang mapabuti natin ang ating sarili. Pagkakamali man o hindi, ang mahalaga ay may matututunan tayong aral," sabi ko sa kanya. Walang kwenta ang taong hindi marunong magpatawad. Kahit gaano kalaki o kaliit man ang kasalanan ng tao sa iyo, ang mahalaga ay alam mo kung paano sila patawarin.
Baliktarin mo man ang mundo, siya pa rin ang tatay ko. Dumadaloy ang dugo niya sa akin.
Napakasaya ko dahil natapos na ang bigat na dinadala naming lahat. It's nice to see genuine smiles coming from all of us.
"Aeron, umuwi na si Devin. May kailangan daw siyang asikasuhin sa bahay niya. Kami na lang daw ang maghahatid sa iyo sabi niya," sabi ni Kuya Dane. Di man lang nagpaalam sa akin. Kung sabagay nag-uusap kami ni Dad. Di man lang siya nagtext sa akin. Bahala siya, magtatampo ako sa kanya. Gusto ko pa namang matulog sa bahay niya.
"Sige po Kuya. Kailangan ko na rin pong umuwi," sabi ko sa kanila. Si Dad lang sana yung maghahatid sa akin kaso ayung sumama na silang lahat. Si Mom lang yung naiwan. Ang saya palang magkaroon ng dalawang pamilya no.
.
Nakarating na kami sa bahay. Pinagbuksan naman ako kaagad nung guard namin.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay wala akong nadatnan sa sala. Kung sabagay gabi na rin kasi. Paakyat na sana ako ng hagdan ng nakita kong nakabukas ang office ni Dad. Habang papalapit ako ay may naririnig akong bangayan.
"Hindi pwedeng maging ganito ang findings ni Dr. Salvador," rinig kong sabi ni Dad. Findings? Anong findings? Tsaka bakit kasama ang pangalan ni Tito? Tungkol ba ito sa nangyari sa akin? Tungkol ba ito sa naging trauma ko?
"Dad, this can't be true. Ok na si Aeron. How come na magkakaroon siya ng ganyan?" sigaw ni Kuya Jake. Naguguluhan na ako sa pinagsasabi nila.
"Should we tell him about his condition?" parang naiiyak na sabi ni Mom. Ano bang problema sa akin? May malubha ba akong sakit?
"Hindi niyo pwedeng sabihin sa kanya na may malubha siyang sakit. Hangga't maaari, let us give him a normal life," rinig kong sabi ni Dad. Dahil sa sinabi ni Dad ay bigla akong kinabahan. Bigla na lamang tumulo ang aking luha.
"But Dad, hindi niyo maitatago sa kanya yung katotohanan. Paano kung dumating na siya sa punto na malala na yung sakit niya. Paano niyo siya ipagagamot ng di niya namamalayan?" sabi naman ni Kuya.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Teen FictionMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...