★Devin★
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng totoo kong ama at kung sino ang gustong kumausap sa akin. Maraming bagay ang pumapasok sa aking isipan pero mas importante ang kaligayahan ng taong mahal ko kaysa sa sasabihin nila. Maghintay sila.
Nandito pa rin kami sa Mathews Academy. Patuloy naming binabalikan ang mga nagdaan. Kwento doon kwento dito. Well, marami namang nakakakilala sa amin since yung mga students noon eh nandito pa.
Namangha ang ilan dahil na rin sa tibay ng relasyon namin. Nilibot namin ang buong campus. Hanggang sa nakarating kami sa may Student Council Office.
"May natatandaan ka ba dito?" ang tanong ko kanya. Napaisip siya sa aking tinanong saka niya ako tinaasan ng kilay.
"Who could forget our bad memory here," inis na sabi niya.
"Wow, bad memory pala. Bakit ayaw mo ba yung nangyari sa atin dito? For all I know nag-enjoy ka pa" tanong ko ulit sa kanya. Bigla na lang siyang namula.
Sa mga nag-iisip ng kung ano-ano jan, mali po yang iniisip ninyo.
I think aside from the rooftop, ito yung isa sa pinakamemorable na place dito sa Mathews Academy.
Flashback
Makulimlim ang panahon ngayon dahil mayroon daw bagyo. Ewan ko kung bakit hindi nalang nila sinuspend ang klase. Nandito ako ngayon sa Student Council Office.
Dahil malapit na ang sports fest sobrang busy naming mga officers ng Student Council. At dahil sa ako yung President very hectic ng schedule ko. Ako pa yung inassign na mag-intermission number for the opening of sports fest.
Aalis na sana ako ng students council office upang magtungo ng music hall para magpractice ng bigla akong tinignan ng masama ni Aeron. Well, kami lang dito sa loob dahil siya ang secretary ko.
"Saan ka pupunta?" masungit na tanong niya. Ano pa bang inexpect mo sa kanya eh always namang ganyan yung approach niya sa akin eh. Kung hindi ko lang ito gusto baka binato ko na ito ng stapler.
"Sa cubicle. Bakit sasama ka?" pagtataray ko rin sa kanya. Syempre kunwari eh naiinis tayo para hindi tayo mahalatang gusto natin yung tao.
"Tanga, may CR naman dito sa loob ng SC office. At excuse me, kahit kailan wala akong balak na samahan ka kung saan ka pupunta," mataray na sagot niya sa akin.
"Eh yun naman pala eh. Bakit ka pa nagtanong?" kunwaring inis na tanong ko sa kanya.
"May gagawin ka pa at pipirmahan Mr. President," pagtataray niya sa akin.
"Just do it for me," sabi ko naman sa kanya.
"Ano? Bakit ako ang gagawa. You are the President," sabi niya sa akin. My gosh Aeron ang high blood mo naman sa akin. Kung wala lang akong pagtingin sa iyo malamang nasapak na kita.
"Alam mo ang daldal mo, tumahimik ka na nga lang," reklamo ko sa kanya.
"Bakit ako tatahimik. Tapusin mo muna yang ginagawa mo bago ka umalis dito," sabi na naman niya.
"Ako ang batas dito. I am the President and I am the child of the owner of this school," panghahamon ko sa kanya. Natahimik naman siya sa aking sinabi.
"So pakialam ko kung sa iyo ito? Bakit tinanong ko ba sa iyo?" pamimilosopo niya sa akin. Inuubos niya ba yung pasensya ko. Damn natatapakan yung pride ko ah. Nakakabawas pagkalalaki na to.
Lumapit ako sa kanya at napatayo naman siya sa table niya. Nanghahamon nga ito.
"May problema ba tayo Mr. President?" maangas na sabi niya. Hindi na ako nakapagtimpi at agad ko na siyang nakwelyuhan.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Teen FictionMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...