★Natel★
Nagising ako ng nagvibrate ang phone ko, nagulat ako nung nakaunan pala ako sa hita ni Devin. Bakit ako nakaunan hita niya? Baka pinahiga niya ako? Teka, huwag assuming baka natumba lang ako kanina. Agad akong umupo habang natutulog pa siya. Tinignan ko yung phone ko na kanina pa nag vi-vibrate
Ate Jen Calling.....
Hello ate!
[Ah sir, nakahanda na po lahat ng rooms and ihahanda na lang po yung dinner mamaya kapag naka-arrive na po kayo]
Ok ate. Si lolo nandyan ba sa resort?
[Nasa office po]
Sige, malapit na kami.
Ate Jen is my Lolo's secretary. Siya kasi yung inassign ni lolo na mag-assist sa amin. Patay na! Nasa office si lolo. Ayokong malaman nila na ako yung may-ari ng resort. Ako kasi yung tipo ng tao na gusto ng simple lang. Tahimik na buhay, pinupuri hindi dahil sa yaman at higit sa lahat minamahal hindi dahil sa pera. Hay nako ewan ko na lang kapag sabihin ni lolo na ako yung may-ari. Baka hilingin pa ng mga classmates ko na kada linggo kami tatambay dito sa Ilocos..
"Ah sir, nasa arc na po tayo," sabi ni manong driver.
"Ah kuya deretso lang," sagot ko sa kanya. Tinuro ko kay kuya yung daan kase medyo pasikot-sikot. Habang hinihintay na makarating kami, tinignan ko si Devin kung gising na siya. Huhuhu paano ako nakahiga kanina sa hita niya? Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha habang natutulog. Yung mahahaba niyang pilik mata. Yung pointed niyang ilong. And his pinkish lips that made him more attractive. Ang gwapo pala niya.
"Alam kong gwapo ako pero sana naman huwag mo akong tunawin sa pagtitig mo," nagulat ako nung nagsalita siya, akala ko ba tulog siya. Napansin niya na tinititigan ko siya?
"Hoy, Devil, este Devin. Hindi kita tinititigan at kahit kailan hinding-hindi kita tititigan. And correction sa sinabi mo, hindi ka gwapo," pagtataray na sabi ko.
"Sige i-deny mo pa. Alam ko namang nagugwapuhan ka sa akin eh." mayabang na sabi niya. Deny? Wala namang dapat i-deny dahil hindi naman siya gwapo. (A/n: Denial Queen, kasasabi mo lang kanina na gwapo siya)
"Tumingin ka nga sa salamin para matauhan ka at malaman mo na hindi ka gwapo," patataray na sagot ko sa kanya. Nginisian lang ako ng loko.
"Di naman kaylangan ng salamin eh. Aware naman ako sa kagwapuhan ko. Tsk, minahal nga ako ni Aeron eh," sabi niya. Ano na naman yung kinalaman ng bwisit na pangalan na yan sa pinag-uusapan namin?
"So, ano na naman yung connect nung namatay mong ex sa usapan natin aber? Baka naman kase bulag yung Aeron na yun kaya di niya nakikita yang kagwapuhan mo. Tsaka bakit ka pa nag-involve ng patay?" banggit ko sa kanya.
"Oo patay na si Aeron pero buhay pa rin siya dito sa puso ko. Oo, tama ka, bulag si Aeron, nabulag siya dahil sa pagmamahal ko sa kanya na tanging ako lang ang kayang nakikita at wala ng iba," malungkot na sabi niya. Alam ko na in any moment papatak na yung luha nito kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. At ibinaling ko ang tingin ko sa daan. Hindi ko namamalayan na nakahinto na pala ang sasakyan.
"Andito na tayo," sabi ng driver. Agad namang gumising ang mga kasamahan namin sa van at pagbukas ng pinto ng sasakyan, langhap na langkap ko ang sariwang hangin. Pagkalabas ko ng van. Shet ang lamig, nakalimutan kong ilabas yung jacket ko sa aking maleta.
Biglang may yumakap sa akin mula sa aking likuran. May ipinatong siya na jacket sa balikat ko. Pagkalingon ko, si Archie pala. Bakit palagi siyang nandyan kapag kailangan ko siya, maliit man o malaking bagay.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Teen FictionMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...