Chapter 40: You're My Brother

3.6K 92 15
                                    

★Aeron★

Bwisit. As in bwisit talaga. Kanina ko pa tinitignan ang sarili ko dito sa salamin. Sobrang pula na ng mukha ko. Nakakainis naman kasi eh ki-niss ko na siya sa pisngi eh, left and right pa tapos nagnakaw pa siya ng halik sa labi ko.

"Ehem," rinig kong boses ni kuya.

"Oh, anong drama mo jan sa salamin?" tanong ni kuya sa akin.

"Tinitignan ko lang tong sarili ko. Bakit may problema ka ba?" pagsusungit ko kay kuya.

"Badtrip mong kausap noh," reklamo niya.

"Ano ba kasing problema mo?" inis na tanong ko sa kanya. Kung mambwibwisit ka na naman wag ngayon please.

"Buti hindi natuloy," sabi ni kuya.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yung baby making," sagot niya. Baby making?

"Hoy kung ano man yang iniisip mo, walang ganyan," inis na sagot ko sa kanya.

"Sus, kunwari ka pa Aeron. Kung hindi lang sana ako pumasok eh baka ang gulo na ng kama mo. Aeron sinasabi ko sa iyo, masyado ka pang bata para gawin iyon," sabi ni kuya. Hala, walang ganyan na magaganap kanina. Jusko hahalik lang yung tao baby-making na kaagad. Ang rumi ng isip ng kuya ko.

"Anong akala mo sa akin. My goodness kuya. Hahalik lang yung tao kanina. Binitin mo nga eh! Tsaka nasa tamang edad na naman kami eh," biro ko sa kanya. Nanlaki naman ang kaniyang mata dahil sa aking sinabi.

"Hoy, Aeron subukan mo lang," sabi ni kuya sa akin.

"Eh bakit hindi niyo pa ba nasubukan ni Mico ang baby-making?" birong tanong ko kay kuya. Agad naman niya ako tinignan ng masama

"Whatever," sabi niya saka umalis sa aking kwarto. Inumpisahan niya tapos siya yung pikon. Ang galing!

Naisipan kong tawagan si Devin at tanungin kung nakauwi na ba siya. Bakit ba maya't-maya eh hinihanap ko ang boses niya. Ganon ko ba siya kasabik na makasamang muli. Siguro ganito talaga kapag mahal mo ang isang tao. Gusto mo siyang makasama bawat segundo, gusto mong nasa tabi mo lang siya palagi. Gusto mong bawat segundo ay ipinaparamdam niya ang pagmamahal niya sa iyo, yung bang palagi mong abot ang kamay niya. Ang sarap palang mainlove sa tamang tao noh! Sa dinami-dami ng pagsubok na aming nalagpasan, masasabi kong si Devin na ang aking makakasama upang harapin pa ang mga pag-subok na darating sa aming mga buhay. Alam ko at nararamdaman ko na si Devin na talaga ang nakalaan para sa akin.

Dear Tadhana. Salamat at ibinigay mo sa akin ang tamang tao na aalaga at iintindi sa akin ano man ang pagkakamali ko.

Kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya pero wala pa ring sumasagot. Siguro naliligo yun. Ang hilig hilig pa naman niyang magtampisaw sa tubig. Bigla kong naalala noong magkaroom kami sa Ilocos noong field trip namin noong pagpasok ko sa room eh wala siyang damit. Bwisit kinorner pa ako ng walang damit. Kaya ayun nasipa ko yung ano niya. Gaya pa rin naman siya ng dati eh, maganda pa rin naman yung katawan niya. Naiisip ko, ano kayang mangyayari kapag magbaby-making kami. Ay jusko po Aeron Luis Rodriguez bakit ganito ang isip mo. Nagiging marumi na ang utak mo ha.

Nagtungo ako sa aking balcony para magpahangin. Tanaw ko dito ang garden kung saan gaganapin ang party ni kuya mamaya.

Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko ng biglang lumakas ang simoy ng hangin. Para niya akong niyayakap. Sobrang lamig. Parang hinawakan niya ang aking buhok. Ang aking ilong, ang aking pisngi. Ang aking mga kamay.

Bigla na lang nanlamig ang aking mga tainga dahil sa hanging tila may ibinubulong sa akin. Bigla ko na lang naramdaman na dumampi ang isang malamig na hangin sa aking mga labi. Pagkatapos non ay uminit muli ang paligid. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding kaba. Bigla na lang pumatak ang luha ng hindi malaman ang dahilan. Nagtungo ako sa baba para uminom ng tubig. Pagkakuha ko ng baso ay nadulas ito sa aking kamay kaya ito nahulog at nabasag.

When Pogi Meets PoGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon