★Kean★
Alas otso na ng umaga pero kakagising ko pa rin. Hindi ko inaasahan atng mga nasaksihan ko kagabi. Sobrang hindi kapanipaniwala na isa palang Mathews si Aeron at isa pa lang Valdez si Devin.
Minsan naiisip ko, bakit sobrang gulo ng buhay ng dalawang yun? Bawat oras na lang may rebelasyon sa buhay niya. Balot na balot sila ng sikreto.
Pero sobrang bilib ako sa tatag ng dalawang yun. Kahit ano pa ang pagsubok na kanilang haharapin, kahit paglayuin sila ng tadhana, sa huli sila pa rin. Saksi ako sa pinagdaanan nilang dalawa kaya naman masasabi kong deserve nila ang isa't- isa. Sana lang hindi makaapekto ang nalaman nila kagabi sa relasyon nila.
Minsan naiisip ko, kailan kaya ako magkakaroon ng relasyon na gaya ng sa kanila? Nakakainggit na rin minsan eh. Marami namang nagkakagusto sa akin na babae. Tsk. Sobrang gwapo ko kaya.
Bigla na lang pumasok sa isipan ko si Gino. Bwisit, bakit siya yung nasa isip ko. Hindi ako bakla ha.
Agad akong nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako paramakapagbreakfast. Naabutan ko si kambal na pangiti-ngiting nagcecellphone.
"Hoi," sigaw ko sa kanya.
"Bwisit ka Kean nanggugulat ka pa. Hayop ka," naiinis na sigaw niya sa akin. Natawa ako sa reaksyon niya.
"Ang aga-aga pangiti-ngiti ka diyan," sabi ko sa kanya.
"Pwede ba, huwag kang manira ng umaga," sagot niya sa akin.
"Bakit sino ba yang katext mo?" tanong ko sa kanya.
"Mind your own business," sabi ni Leiyan.
"Nako Leiyan sinasabi ko sa iyo, dadaan muna sa akin yang mga manliligaw mo," paalala ko kay Leiyan.
"Sinong may manliligaw?" rinig kong sabi ni Dad.
"Si Leiyan Dad," sumbong ko.
"Inggit ka lang kasi wala ka pang lovelife. Wala kasing may gusto sa iyo eh. Hahaha," pang-iinis sa akin ni kambal.
"Maraming nagkakagusto sa akin no. Ang gwapo ko kaya," sabi ko sa kanya.
"Bakit Kean wala ka pa bang natitipuhan?" tanong sa akin ni Dad.
"Meron, kaso,"
"Kaso hindi ka niya mahal?" dugtong ni Leiyan sa aking sinasabi.
"Bat di mo sabihin na mahal mo siya," sabi naman ni Dad.
"May Devin na kasi siya," paliwanag ko sa kanila.
"Bakit sino bang nagsabing si Devin ang sinasabi ko," sagot ni Leiyan.
"Huh?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Baka si Gino," sabi naman ni Dad. Biglang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. What the f*ck. Gino? Saan naman nakuha ni Dad yung sinabi niya.
Lumingon ako sa kakambal ko pero pangiti-ngiti lang siya. Bakit niya sinasabing si Gino. Hindi ko siya type no.
"Ano bang pinagsasabi ninyo?" inis na tanong ko sa kanila.
"Bakit totoo naman ha?" sagot ni Leiyan.
"Yucks hindi ko yun type no," sabi ko sa kanila.
Biglang nagring ang aking cellphone.
"Sagutin mo baka si Gino na yan," sabi naman ni Dad. Tawa sila ng tawa ni kambal. Tinignan ko sila ng masama.
BINABASA MO ANG
When Pogi Meets PoGay
Roman pour AdolescentsMasakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang maging maligaya ka. Kapag nasa isang relasyon ka, marami kang kakaharapin na pagsubok. Nandyan yung...