Chapter 38: I'm Yours

4.2K 91 8
                                    

★Aeron★

"Di ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. Bigla na lang kumunot ang kaniyang noo at sinimangutan ako. Bigla na lang niyang isinara ang libro na kaniyang binabasa saka lumapit sa akin.

"Baby naman eh, pinapauwi mo na ba ako?" malambing na sabi niya saka niya ako niyakap. Ganyan na ganyan yan kapag nagsusungit ako. Siya lang yung makakatalo sa pagkamasungit ko. Kada nagsusungit ako, naglalambing siya. Minsan nga iniisip ko na siya yung bottom sa amin eh. Wah! Bakit napunta sa mga bottom ang usapan!

"Eh hindi ka ba aattend ng party ni kuya? Anong susuotin mo mamaya kapag hindi ka uuwi?" tanong ko sa kanya.

"Edi, humiram na lang ako sa iyo. Marami ka namang damit dyan eh, pahiramin mo na lang ako baby," masayang sabi niya na sinamahan niya pa ng nakakalokong tingin.

"Walang magkakasya sa iyo baliw," sabi ko sa kanya.

"Kasya sa akin yang damit mo. Nagkasya ka nga sa puso ko eh," banat niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Agad kong kinagat ang labi ko para pigilan ang pagngiti ko. Hinigpitan niya naman ang pagkakayakap.

"Speechless? Kinikilig ka ba?" nang-aasar na tanong niya sa akin.

"Anong kinikilig na sinasabi mo jan? Hindi noh. Tsaka huwag mo nga akong yakapin ang init-init oh," reklamo ko sa kanya. Bimitiw naman siya sa pagkakayakap niya sa akin at sinumangutan ako.

"Ayaw mo bang yakapin kita?" tanong niya sa akin tsaka siya nagpout.

"Ang init kaya," sabi ko sa kanya. Tumalikod naman siya sa akin.

"Ayaw mo talaga," sabi naman niya. Hay nako, nagpapalambing na naman ang isang to. Ako na ang yumakap sa kanya at ako na rin ang humalik sa pisngi niya. Agad rin naman akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Humarap agad siya sa akin.

"Pwede isa pa?" sabi niya sa akin sabay kindat. Ramdam ko na parang nag-iinit ang aking pisngi dahil sa itsura ng lalaking kaharap ko. My gosh, bakit sobrang gwapo ng lalaking ito.

"Anong isa pa yang sinasabi mo. Nako tigil-tigilan mo ako ha, baka masapak kita jan," kunwaring inis na sabi ko sa kanya. Bigla namang kumunot ang kaniyang noo dahil sa aking mga sinabi.

"Alam mo napakabrutal mo talaga ano," kunwaring inis din na sabi niya.

"Kahit noong umamin ako noon sayo noong 4th year tayo," dagdag niya pa. Teka, ano bang ginawa ko noong umamin siya sa akin noon.

.

.

.

Flashback

"Ok, to get the median of grouped data, the formula is.......," sabi ni Sir.

My goodness kanina pa siya nagdidiscuss wala namang nakikinig. Ewan ko ba sa lahat ng subjects ito ang pinakaayaw ko. Baka dahil sa time. Siguro dahil 10:45am-11:45am ang alloted time. Jusko naman nakakatamad mag-aral ng math kapag ganito ang oras. I'm hungry.

Riiiiinngggggggg.

Yes! Buti time na. Nagsilabasan na ang ibang mga estudyante. Ako naman, hinila ko si Leiyan para makapunta na kami kaagad ng canteen para makaglunch. Bago pa man kami makalabas ng door ay may humarang na sa amin.

"Hey nerdy! Going somewhere?" tanong ng demonyo.

"Baliw ka ba o tanga? Alam mong lunch time eh saan kami pupunta?" inis na sagot ko sa kanya. Natawa naman sina Kean at Archie. Naku huwag mo akong sisimulan Devin. Gutom ako kaya  huwag mo akong inisin.

When Pogi Meets PoGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon