Chapter 13

146K 7.9K 1.6K
                                    

Chapter 13

Villain

Matinding sakit sa ulo ang sumalubong sa akin nang magising ako. What happened last night? Mamamatay na yata ako.

"Nanay? Yaya!" I tried to shout to ask for help but no one answered.

"Mother dear, sumasakit na 'yong ulo ko. What happened?" pinilit ko ang sarili kong magmulat pero agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi ito ang kisame ng kwarto ko.

"Oh my gosh!" marahas akong bumangon, humila ng puting kumot at mabilis tinakpan ang sarili ko nito.

Na-ano na yata ako..

Dahan-dahan kong tinungo ang sarili ko at napangiwi ako nang makitang suot ko pa rin ang damit na suot ko kagabi.

Ang huli ko lamang natatandaan ay sinayawan ko si Wayto sa gitna ng ulan. Saan ako dinala ng gagong 'yon?

Wala sa sarili akong lumingon sa kabilang parte ng kama at napamura na lamang ako nang makitang tulog na tulog si Wayto.

Nakadapa ito at nakasubsob ang mukha sa unan. He's damn topless.

Ilang beses kong kinapa ang sarili ko, sinubukan ko rin gumalaw ng ilang beses pero wala talaga akong maramdaman.

Hindi naman pala ako na-ano..

"Wayto," I tried to poke him using my forefinger.

"Wayto,"

I'm not the usual girl that will make a hysterical act, dahil may nakatabing lalaki sa kama. Though, this is my damn first time. Pero hindi ko na palalakihin. Isa pa, ako rin naman ang may kasalanan, sumama ako, uminom ako ng kusa.

And it's no big deal, wala namang nangyari sa amin. Pero siguradong, ipakakasal ako ng aking mga magulang kay Wayto kapag nalaman ito.

It's a no.

"Wayto!"

Iritadong kinuha ni Wayto ang unan niya at itinakip niya sa kanyang tenga.

"Wayto, nagugutom na ako!"

Nagsisimula na akong maasar sa gagong ito. Hindi ba dapat ay iba ang sasalubong sa akin sa umaga.

It should be breakfast on bed, with roses.

"Good morning my beautiful babe, eat well. Ikaw ayaw ko gutom." Nakangiti akong nangangarap pero nang maramdaman kong kumilos ulit s Wayto sa kama para matulog nang maayos, uminit na naman ang ulo ko.

Bakit si Triton, ipinagluto si Euphie nang nag-inom siya?! Bakit itong si Wayto, natutulog lang?! Walang pakialam.

Nabasa ako ng ulan, hindi man lang siya concern na palitan ang damit ko katulad ng mga napapanuod ko?

"Wayto! Bakit wala akong breakfast on bed?! Dapat hindi na kita nakikita sa kama e! Dapat ipinagluluto mo na ako." Halos maiyak ako at niyugyog ko ang balikat niya.

"Autumn, utang na loob. Patulugin mo muna ako." Sinasalag niya ang mga kamay ko.

"Wayto, I want breakfast on bed." Ilang beses ko siyang kinukulit.

"Ano ba Autumn?!"

"Wayto, nagugutom na kasi ako!"

"Magluto ka!"

Sumabog na yata ang sama ng loob ko sa kanya. Parang sa facebook post lang, si Triton ang expectation si Wayto ang reality.

Sweet na boyfriend sa umaga, sa reyalidad ito at tulog pa. Magigising akong pinagmamasdan ni Wayto kasi gandang-ganda lang naman siya sa akin, ito siya at subsob pa sa unan.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon