Chapter 41

119K 6.5K 1.2K
                                    

Chapter 41

Visitor

Pabalik-balik ang lakad ko sa aking kwarto habang hindi mapakali kung ano ang dapat gawin o isipin.

Isang linggo na ang nakalipas pero wala pa rin akong natatanggap na kahit anong balita tungkol kay Wayto. Pinutol lahat ang komunikasyon ko sa labas.

Wala na rin akong balita kung ano na ang nangyari matapos ang engkwentro. Pinagpipiyestahan na ba ng media ang pamilya namin? Nagkakagulo na ba sa Enamel? O baka naman may sumunod pang engkwentro?

Halos mangatal ang buo kong katawan sa mga naiisip ko na hindi malayong mangyari. I've witnessed it, at hindi ito imposibleng mangyari ulit.

I went to check my doorknob again, hoping that someone missed to lock it, pero halos mapasigaw ako sa pagkairita nang hindi ko na naman ito mabuksan.

My family locked me inside my own room, pinilit ni Mama na hindi pumayag, but my damn traitor brother, Kaden and Lonzo insisted. Sinabi ng mga ito ang gagawin ko na siyang nagpawindang sa lahat.

I raised my concern, alam na nilang hindi sa amin ang unang putok ng bala. Our family didn't intend to flick a war, pero may taong gustong-gusto kaming magpatayan. To fight the Arellano means we're pleasing that fucking third party.

And are we going to let it that way? Na may manggamit sa amin?

All I want for them was understand the value of communication! Kasi kahit kailan ay hindi magkakaintindihan ang mga pamilya namin kung sa halip na bibig ay nguso ng baril ang itinatapat sa isa't-isa.

Buong akala ko ay pakikinggan ako ng buong pamilya ko, pero matagal nang sarado ang isipan ng mga ito sa pangalang Arellano.

Malakas kong kinatok ang pintuan ng kwarto ko. "Open the door! Please!"

Nakailang sigaw ako pero katulad pa rin ng dati, walang nagbubukas sa akin. Kung may papasok man ay bibigyan lang ako ng pagkain. Para na akong preso sa sarili kong pamamahay!

"J-Just tell me what's happening? Mababaliw na ako rito habang iniisip ang nangyayari sa labas. I am an Olbes too..." nangangatal ang boses ko habang nakahawak ako sa pintuan.

Nanghina ang tuhod ko hanggang mapasalampak ako sa malamig na sahig. Nasapo ko ang aking mukha at muli akong humagulhol ng pag-iyak.

B-Bakit kailangang maipit kami sa ganitong sitwasyon?

**

Kinabukasan laking gulat ko nang hindi na naka-lock ang pintuan ng kwarto ko. I was hesitant at first to take my few steps, pero nang makasalubong ko si Kuya na mukhang papunta sa kwarto ko, nakumpirma kong sinadya na nilang buksan ang pinto.

"Lolo's here." Maiksing salita pero punong-puno ng kahulugan. Bumalik ako sa kwarto ko at inayos muna ang aking sarili.

Pababa pa lang ako ng hagdan pero ang kaba sa dibdib ko mas lalong nagwala, lalo nang makitang ang daming naka-unipormadong lalaking nakaitim na may dalang malalaking baril. Ang ilan sa kanila ay kausap ng mga tiyuhin ko na saglit lang sumulyap sa akin, napansin ko rin ang iba ko pang mga pinsan na mukhang mga matagal nang dumating.

I went directly to the dining area, 'di ako nabigo, sumalubong sa akin ang mga magulang ko, si Kuya, si Kaden, Lonzo at si lolo. I silently sat on the last unoccupied chair.

"Anak, we're planning to send you out of the country." Panimula ni Mama. Hindi na ako nagulat.

"W-Why?"

"Dahil delikado na sa'yo ang manatili sa Pilipinas."

"So, aalis din si Kuya? Aalis din si Kaden at Lonzo? Pati 'yong mga pinsan ko sa labas?"

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon