Chapter 22

138K 7.5K 1.7K
                                    

Chapter 22

Apple

Mabilis humiwalay sa akin si Wayto. Natahimik ito at mariin siyang humawak sa manibela. Inaamin ko na wala akong inaasahang magiging reaksyon niya, hindi ko alam kung sasang-ayon ba siya o hindi susuporta, pero ngayong nakikita ko na ang naging paraan ng pagkilos niya matapos kong ibaba ang salita, hindi na niya kailangan pang sabihin ang kanyang kasagutan.

I never thought that my love would be this kind of complicated.

A very complicated love, just like the fairy tale snow white. Dahil nang sandaling piniling kagatin ni Wayto ang mansanas, unti-unti nang nagsimula ang lahat.

"A-Are you sure?" halos hindi ito makapagsalita nang tuwid sa katanungan niya.

He's not ready. Ako ba? Masasabi ko ba na handa na ako para humiwalay at tuluyang tumiwalag sa pamilya ko?

But no matter how I tried to try and convince myself not to think too much, bumabalik pa rin ito. Dahil alam ko sa sarili ko ang kayang gawin ng mga pamilya namin.

I grew up with the presence of Arellano and Olbes clash, sapat ba talaga ang pagmamahalan namin ni Wayto para magiba ito?

Kung tutuusin ay kaming dalawa ang pinakamahihina sa aming mga partido. Anong magiging laban namin kapag ginawa nila kaming paghiwalayin?

Mangyayari ba ang panaginip ko? No!

Nanghihina akong umiling sa kanya.

"I am not forcing you, Wayto. I was just suggesting. Oo nga naman, why would you sacrifice your good life with me? Why would I ruin our good life with our family."

"Hey, that's not it." Agad niyang hinawakan ang kamay ko, bumuntong hininga siya bago sinapo ang magkabilang pisngi ko.

"Uulitin ko... are you sure? Ito ba talaga ang gusto mo? Dahil kung anong gusto mo susundin ko. Sabihin mo lang sa akin, Autumn." He looked straight into my eyes.

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. "I'm sorry... nadala lang ako ng takot."

Narinig ko ang paghinga nang maluwag ni Wayto, alam kong hindi niya gusto ang ideya ko. Damn, I am not thinking.

"Pwede kitang itanan kung 'yon ang gusto mo. But try to think of it, babe... yes, magiging masaya tayo, pero pansamantala lang."

Saglit siyang tumigil bago siya nagpatuloy. "Pareho tayong hindi pa tapos sa pag-aaral. I don't care about the people who will judge me, but how about you? Ano na lang ang sasabihin nila sa'yo? Baka makapatay ako kapag may narinig akong hindi maganda tungkol sa'yo."

Natulala ako sa sinabi ni Wayto. Hindi na ito pumasok sa isip ko, masyado na akong nilamon ng takot na baka tuluyan nang humiwalay sa akin si Wayto dahil sa hindi matapos na away pamilya.

"We're not just an ordinary people. May mga pangalan tayo, Autumn. Olbes ka, Arellano ako, maraming nakamata sa bawat kilos natin. Miyembro tayo ng dalawa sa pinakamalaking pamilya ng probinsiyang ito. Sanay na ako sa kanila, pero ikaw? Ayokong maranasan mo ang pangmamata ng buong probinsiya sa akin."

"But you are not bothered at all!"

"I am always bothered, Autumn! Pero hindi lang ko ipinakikita sa lahat! Because I am no weak! I am White Arellano!"

Mas lalo akong natulala sa sinabi ni Wayto. Kahit kailan ay hindi niya sinabi sa akin na nagkakaroon ng epekto sa kanya ang lahat ng sinasabi ng mga tao. But he admitted for the first time.

Pansin kong natigilan din siya sa sinabi niya, pero pinili niyang huwag nang sundan pa ang kanyang mga sinabi.

There's something missing here... I just couldn't point out. May bagay na hindi sinasabi sa akin si Wayto.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon