Chapter 44

114K 6.7K 1.9K
                                    

Chapter 44

Result

I did not stay, I couldn't even fathom to hear his voice filled with insults and humiliation towards my family. I'd expected that my tears would soon betray me, but no traces of it did overwhelm me.

Iyong sakit na naramdaman ko kanina, iyong tipo na parang sasabog ang dibdib ko, na parang may bumubulong sa akin na magsisigaw at manakit ng kapwa, bigla na lang itong nawala. Namanhid na ako. Napagod na ako.

Nagsasawa na rin siguro itong mga luha ko, sino ba ang hindi?

I'm so foolish! Inaamin ko na. Ilang beses na akong tumakbo sa pamilya ko para sa kanya, ni minsan ba ay inabangan niya ako sa pagtakbo ko?

Sa tuwing tatakbo ako sa kanya, lagi niya akong tinatalikuran... lagi niya akong sinasaktan at pinapaasa.

I thought we would be fighting together, pero ibang laban pa rin talaga ang gusto niya. I felt his words, he's too determined to overpower us, to crash my family and to win.

Mga hayop kayong mga Arellano kayo.

'Di ko na alam kung paano pa ako nakabalik nang maayos sa mansion. Inaasahan ko nang sasalubungin ako ng aking angkan na kasalukuyan nang nakahanda para sa anumang pagsugod sa kabilang kampo para sisihin sa pagkawala ko.

I ran away, it was my fault. But everything was default now, kaunting problema namin ay sa Arellano ang sisi at alam kong ganito rin ang nasa isip ng kabilang kampo sa sandaling magkaroon sila ng problema.

Nahihiya na akong humarap sa kanila, ang lakas ng loob kong tumakbo sa kanila at ngayong naloko na naman ako, ito na naman ako at bumabalik sa kanila. Hindi na ako natuto!

"Autumn!" lumuluhang tumakbo si Mama sa akin at mahigpit niya akong niyakap. I waited for my tears, pero wala na talaga.

Wala na talaga akong maramdaman, gusto ko na lang tumulala sa lahat nang nangyayari.

I felt so numb and weak. "Ma, kailan ako aalis? Should I go now?"

Si Mama ang naunang nag-alis ng yakap sa akin, she looked at me, worried. "W-What happened?"

Umiling ako. "I need to leave now. Please." My voice was pleading.

"It should be next week, right?"

"I want now, Mama. Please. Where's lolo?"

Inalalayan na ako ni Mama sa pagpasok sa bahay, nasa harap ng pintuan si Kuya, Kaden at Lonzo na kapwa naniningkit ang mga mata sa akin, I didn't mind them. They could stare at me with their accusing look forever, I don't care anymore. Gusto ko na lang talagang umalis.

Nagdiretso ako sa library ni lolo kahit alam ko na may kausap siya. Sasamahan pa sana ako ni Mama pero pinigilan siya ni Kuya, he told her that it wasn't a good idea to tolerate me by helping to explain my faults. I agreed with him.

Alam ko naman na nakarating na kay lolo ang pagtatangka kong paglalayas, I just want to apologize and wrap things up at tuluyan ko nang ibinibigay ang lahat ng desisyon para sa akin sa kanila.

It's hard to accept that my every decision was a mistake.

Pagsasarado ng pintuan ang nakaagaw sa atensyon ng lahat. "Autumn, hija..."

I was a bit surprised, buong akala ko ay si lolo lamang ang nasa loob. May mga bisita si lolo at hindi pamilyar ang mga mukha ng mga ito sa akin. But their presence didn't shake me off.

Hinanap kong muli ang mata ni lolo at sinalubong ito.

"They did not consider my words, tumutupad po ako sa usapan, lolo. But if you're going to send me away, please make it now. Ayoko na rito." I almost begged him. Wala na akong pakielam kung marinig ito ng mga lalaking kausap niya.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon