Chapter 28

109K 6K 1.3K
                                    

Chapter 28

Visitor

"At hindi ko siya hinihingi, kinukuha ko."

Silence overwhelmed us. Of course, who would expect sharp words from me? Siguradong inaasahan ng mga Arellano na magiging mahina ako sa harap nila at magkukunwaring isang anghel para makuha ang boto nila para kay Wayto.

No way.

Nangako akong walang gagawing gulo, pero hindi ko sinabing ipagkakaila kong isa akong Olbes. Bago ako pumasok sa kanilang mansion, itinatak ko na sa sarili ko na Olbes akong pumasok, isa pa rin akong Olbes sa sandaling lumabas ako.

Nagsisi ako na minsang inisip ko na bigyan ang mga ito ng pagkakataong magkaroon ng sariling impresyon mula mismo sa aking mga mata na walang bahid na impluwesiya mula sa galit ng aking pamilya.

But after this? Siguro matatanggap ko pa na ganito talaga ang pagtanggap sa akin ng mga babaeng Arellano, insecure bitches. Pero ang makitang walang kibo ang mga lalaking nakatatanda na parang hinihintay na lang ng mga ito na patayin ako ng mga babae para sila na lang ang maglinis ng kalat pagkatapos, hindi na bumaba ang pagtaas ng kilay ko.

Ngayon ko masasabi na wala nang kahit anong pag-asa para makasundo ko ang pamilya ni Wayto.

What was this dinner all about again? Well, at least we tried. I can still love Dwight Alcerous Arellano without anyone's approval.

Isa pa... why do I need to get their fucking approval? Sila ba ang kakagat sa tagiliran ko? Duh, it's Wayto, my babe smuggler.

Nang sulyapan ko si Wayto ay titig na titig ito sa akin. Pero sa kabila ng pagiging moreno niya, pansin ko ang pamumula ng dalawa niyang tenga.

I suddenly want to bit my lower lip.

Kinilig yata ang gagong smuggler sa sinabi ko. Ikaw galing dapat sa akin kagat tagiliran mamaya, I'm stressed na with your family...

Did I apply few glitters?

Muli akong humarap sa mga kamag-anak niya, ramdam kong tahimik pa rin si Wayto at nakatitig sa akin. Ano ba itong naisip niya na ipakilala ako? Mabuti na lang at hindi ako masyadong nag-ayos. Masasayang ang effort ko.

Nang makabawi na sila sa pagkakatulala dahil sa binitawan kong salita, narinig ko ang pagtawa ng ilan sa kanila.

Probably lack of common sense, was that a joke?

Sasabayan ko sana sila sa pagtawa nang biglang nangibabaw ang isang maiksing salita na nakapagpatahimik sa lahat.

A single word yet with power.

"How?"

Nangatal ang pagkaka-krus ng tuhod ko nang sandaling marinig kong magsalita sa unang pagkakataon ang puno ng kanilang pamilya. Governor Alcerio Arellano.

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang hindi nakasagot. Umarko ang kilay ng mga babaeng Arellano sa akin, nakangisi na si Leiden at Gilbert Arellano habang ang ilan pa ay seryosong nakatitig sa akin.

"Lo-" nang magtama ang mata ni Wayto at ng kanyang lolo ay nakita ko kung paano rin siya natahimik.

I've been hearing a lot of information about him, hindi ko man ito gustong marinig pero tulad ng aking lolo ay marami rin itong mga tagahanga na walang tigil sa pagpapapuri sa kanya. His words and actions in every political meeting, kung paano ito tumulong sa mga tao at ang nag-uumapaw na awtoridad nito kahit nasa kaswal na selebrasyon lamang ito.

The power of Don Alcerio Arellano, ganito rin ang kapangyarihang hawak ng aking lolo sa sandaling siya ang magsalita sa aming pamilya.

I opened my mouth to answer him, but in the end, I chose to close it again. Parang may kung ano sa matandang ito na maghuhubad sa totoong nararamdaman ng isang tao. Kung kanina ay nagagawa ko pang itago ang kaba at takot ko, ngayon ay unti-unti na nitong naglalabasan.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon