Chapter 25

139K 6.6K 920
                                    

Chapter 25

Decision

"Kasal muna, bago kagat... I love you, Autumn."

Ilang beses na akong hinalikan ni Wayto. From my lips, cheeks, forehead, hair and even on my shoulders. But I didn't expect that a kiss on fingertips will be this heart shattering.

Hindi sa paraang nakakapanakit, kundi sa paraang nakalulusaw. Nakapanghihina ngunit nagbibigay ng kakaibang lakas sa puso para tumibok na higit sa normal.

It was a melting kiss, na paulit-ulit mong hahanapin. O pwedeng ihalintulad sa isang inosenteng mansanas na maaaring magtago ng nakalulunod na lason.

Parang sasabog ang puso ko sa narinig mula sa kanya. Ilang beses na akong kinilig sa mga salitaan ni Wayto, pero ibang-iba sa mga oras na ito.

The sincerity, love, warmth and everything. Naghalo-halo na, hindi lang mga pisngi ko ang nag-iinit sa mga oras na ito, maging ang dibdib ko. Sobrang init na halos hindi na ako makahinga nang maayos, gusto nang bumigay ng mga tuhod ko at ang mga kamay ko naghahanap ng makakapitan.

I am going to faint. Lalo na ngayong ang kanyang mga chinitong mga mata ay nakatitig sa akin.

"M-My gosh...Wayto babe..." halos maluha-luha ako habang nakatitig sa kanya. Hanggang sa tuluyan na nga akong bumigay at mawalan ng balanse.

The jowable fell beautifully. Pero bago ako tuluyang matumba mabilis kong tinanggal ang natitirang hairpin sa buhok ko, para sa sandaling sambutin ako ni Wayto, sasabay sa pangyayari ang paglugay ng nakacurl kong buhok. I also loosened the spaghetti strap ribbon on my left shoulders, so it will slip like in the usual scene from romantic movies. It will emphasize how smooth my skin.

Just like a helpless jowable lady who fell in love with the forbidden smuggler in town.

Sumabay ang biglang pag-ihip ng hangin sa labas ng nakabukas na bintana na nagsayaw sa manipis na kurtina ng kwarto, pumasok ang ilang dahon mula sa malapit na puno.

Nakagat ko ang pag-ibabang labi ko. Ah, my life is so romantic with my Wayto babe. So effortless.

Hindi ko na lang iisipin na marami siyang smuggled cars.

"Autumn!" Wayto called my name in horror, worry registered in his face.

Bago pa man ako bumagsak ay agad pumulupot sa bewang ko ang mga braso ni Wayto tulad ng inaasahan. My whole body was a bit inclined as his arms supported me like a prince.

My hair's messy, the tips of our nose were touching, our breathing went heavy and our beating heart started with unison rhythm. The left strap of my dress loosened.

I blushed continuously. I felt like a helpless innocent sheep who was captured by a villainous yet so hot fox.

Sa nangangatal kong kamay, marahan kong tinakpan ang mukha ko at madramang nag-iwas ng tingin kay Wayto.

"I love you too, Wayto... and I'm sorry about what happened..." I said with my softest voice.

Narinig ko itong bumuntong-hininga sa sinabi ko. Naramdaman kong isinandal niya ang kanyang noo sa dalawa kong kamay na nagtatago sa aking mukha.

"Ang arte mo."

Nantiling nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko habang marahang inuumpog ni Wayto ang noo niya sa akin.

"Ang arte arte arte arte arte arte arte arte arte mo." Akala ko ay pag-umbog sa aming noo ang huli niyang gagawin. Pero napahugot ako nang paghinga nang magaan itong humalik sa likuran ng mga kamay ko.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon