Chapter 42

113K 7.1K 1.4K
                                    

Chapter 42

Apology

I was nervous as hell, parang ngayon lang rumehistro sa akin ang lahat ng mga salitang binitiwan sa akin ng kapatid at mga pinsan ko. This situation made me realize that I just placed half of my body on graveyard. Na nagawa ko itong iisantabi para lang makarating dito at makausap si Wayto.

I was too desperate to reach him and prove my family the mistakes of this feud, na hindi ko na nagawang mas higit na pag-isipan ang lahat. Nabulag ako sa katwiran ko, dahilan kung bakit ako naiipit ngayon.

I've realized that it was not just my life, kundi pati na rin sa mga pinsan ko at kay Kuya at nagawa ko pang idamay ang inosenteng si Aurelia.

Shit!

Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa lababo, ramdam ko ang pangangatal ng tuhod ko, ang lakas ng pintig ng puso ko at maging ang pagputla ng mukha ko habang pinagmamasdan ito sa harap ng salamin. Tanging labi ko na lang ang nanatiling may kulay, sobrang pula pa rin nito na halos namamantal na.

Napahilamos ako sa sarili ko, akma ko sanang bubuksan ang tubig nang matigil ang kamay ko sa ere. 'Di pwede.

He's outside, ang puno ng pamilyang kalaban ng pamilya ko. Our last encounter might be considered as good, kung totoo nga iyong ipinakita niya sa akin, but sure enough, an encounter right now won't make any good.

I felt my phone vibrated. Laking pasasalamat ko na tinanggal ko ang ringtone kanina. I saw the messages from my brother and cousins, they were asking for a go signal. I immediately replied to them and explained my situation, 'di pwede na basta sugod na wala pa namang gulo.

I calmed them down and beg them to stay where they were, imposible naman na may dalang baril dito si Don Arellano at bigla akong barilin kung sakaling makita niya ako rito.

Ibinalik ko sa aking bulsa ang phone ko at humakbang na ako papalapit sa pinto. I want to hear something from their conversation, baka sakaling malaman ko kung ano ang iniisip ng mga Arellano sa nangyaring engkwentro.

I should know the point of view of both parties. Paano kung may nalalaman na naman talaga sila? But just like my own family, they're already closed ears and eyes for us.

I pressed my ears harder on the door, but I couldn't hear a single word!

Nag-uusap na ba sila? I unconsciously bit my lower lip, pero napapitlag ako sa ginawa ko. I gently touched it with my fingers, Wayto kissed me too hard...

"Oh my god!" I heard Wayto's mother.

"Bakit mo tinanggal ang dextrose mo?! A-Are you out of your mind, White?" I heard harsh footsteps. "Hello? Please send us a nurse, we need assistance. Quick."

"Ano ba ang nasa isip mo, White?" tanong nito kay Wayto.

"Got tired. Ayos na naman ako." Wayto answered with no interest.

"Ayos? Can't you look at yourself? Sobrang putla mo! Anumang oras parang tutumba ka na!" hindi sumagot si Wayto.

Hindi ko na mas nabigyan ng pansin ang hitsura kanina ni Wayto, it was like our lips need our own kind of conversation.

"Kailan daw ako lalabas?" tanong ni Wayto.

"Until you finally recover." His mother answered.

"I am fine now."

"Papa! Look at your grandson!" iritadong sabi ni Mama niya.

"Any regrets, White?" I eyebrows creased, 'di ito ang inaasahan kong sasabihin ni Don Arellano. I waited for Wayto's answer, but I never heard one.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon