Chapter 57

129K 6.6K 1.1K
                                    

Chapter 57

Another poison

I tried to blink a lot of times, was I dreaming? Siya ba talaga ang lalaking kaharap ko na may naniningkit na mga mata? Kanyang mga labi ba ang kasalukuyang nang-aakit sa akin? Kanyang mga bisig ba ang ngayo'y nakayakap sa akin?

"W-wayto..."

I bit my lower lip. Shakily, my palms cupped his face. Sobrang init nito na naging dahilan para mag-init ang mga kamay ko mula sa malamig ng panahon.

"I-I'm s-sorry..." I whispered.

"I'm sorry, Autumn..." ito rin ang sinabi niya.

Idinikit niya ang kanyang noo sa akin at hinayaan naming halos magkalapat ang tungki ng aming mga ilong. I don't care about the people! This is a liberated country! We could French kiss or damn make out in daylight!

Nanatili kaming hindi nagsasalitang dalawa, all we did was to feel each other's heavy breathing. Kapwa kami nakapikit at nakalapat ang mga noo na parang ayaw pakawalan ang isa't-isa.

Ang dami naming kailangang pag-usapan, pero hindi yata namin magagawa iyon kung hindi namin pagbibigyan ang aming mga sariling damhin ang isa't-isa.

I missed him so much, that I could delay his explanations and let us stay like this.

"Will you allow me to ruin your liptint schedule? Your lips are tempting than an apple." I grinned.

Nawala ang mga kamay ko sa pisngi niya at ikinawit ko ito sa kanyang batok.

"Ano'ng schedule? I don't have any schedule anymore. Ruin it..." he chuckled.

"You are lying."

Hinampas ko ang kanyang dibdib at yumakap na ako sa kanya. "I changed my mind, a-ayokong magpahalik dito... baka mapansin nilang napipilitan lang ako."

Wayto laughed. "Damn, my babe and her napipilitan. I missed you, Autumn Stassi Olbes."

"Why are you here?" tanong ko sa kanya nang humiwalay ako ng yakap.

"For you, I can't wait anymore. I really wanted to see you so bad, they told me that you're coming home next week." Tumango ako.

I never thought that we would talk like this, it was so casual na parang wala akong ginawang eskandalo sa nakalipas na anim na buwan. Wayto's treating me like nothing had happened!

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman, dapat mahiya ako, matakot, kabahan... but Wayto's making me feel the opposite way. Ipinararamdam niya sa akin na inaasam-asam niya ako, na naghihintay lang siya at wala siyang gustong tingnan kundi ako.

Katulad ngayon, he's still in front of me, staring intensely na parang walang masakit na nangyari sa pagitan namin. His yellow hoodie gave him justice!

"So... a-are you going to stay?" halos mapapikit ako sa tanong ko. Ngayon na ba kami mag-uusap? This early?

"Tempting," bahagya siyang yumuko patungo sa akin para bulong. "Pero kasal muna bago tikim at kagat..."

Nag-init ang pisngi ko. "I am not saying that—" natawa siya bago niya ibinalik sa bulsa ng kanyang hoodie ang kanyang mga kamay.

"I'll wait for you, dumalaw lang ako."

Halos matulala ako sa sinabi niya. The usual Wayto would definitely bite the bait, makikipaglandian ito sa akin hanggang sa ako ang umayaw.

Tumalikod na siya sa akin at hindi na ako nakapagsalita. It took just a few seconds before I noticed the few uniformed men around him, hindi naman literal na nasa paligid niya pero agad kong napansin na gumalaw na ang mga ito sa kani-kanilang mga pwesto nang umalis na si Wayto.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon