Chapter 45

118K 6.8K 1.3K
                                    

Chapter 45

Closed door

"S-Sasama ako, Lonzo..." my voice was pleading. He was now packing his things with his wrecked expression.

Bakas rin sa kanyang mga mata ang luha, sobrang gulo na rin ng kanyang buhok at halos itapon niya na ang lahat ng kanyang gamit na parang may hinahanap na hindi makita.

Pare-pareho kaming nawalan. It was not just our grandfather's lost, maraming sugatang Olbes ang ngayon ay nasa hospital, lalo na si Kuya at Kaden na nasa kritikal daw na kalagayan.

The whole family of Olbes was on chaos.

One of my uncles was now in coma, most of our aunties were in shocked and other cousins were injured. Parang binalak talagang ubusin ang buong lahi ng Olbes sa nangyaring pag-ambush.

Nang marinig ko ang usapan sa pagitan ni Tito Elbert at Tita Mirabel, parang anumang oras ay mawawalan ako ng malay. Pero sa kabila ng sakit, pighati, matinding galit at sasabog na emosyon, pinilit kong makinig ng balita. Lahat.

Pinakinggan ko lahat kahit parang naririnig ko ang bawat putok ng bala laban sa buong pamilya ko. Ginawa raw ng buong pamilya namin ang lahat para lumaban, but unluckily, our grandfather didn't survive. Siya mismo ang puntirya ng mga nang-ambush, who else? Sino ba ang gobernor na dapat uupo na sa pwesto?

Our family tried to put the blame to Arellanos pero pinalabas ng mga ito na dawit ang pamilya namin sa droga at ito ang siyang matinding dahilan kung bakit daw kami pinunterya ng mga sinasabi nilang sindikato.

There were investigations, pero mapaniniwalaan pa ba namin ito? Hawak na ng mga Arellano ang buong Enamel at mas malawak na ang impluwensiya nito lalo na at mas napaniguro na nila ang kanilang kapangyarihan at pwesto.

Kami na lang lagi ang pinalalabas nilang masamsa sa mga tao!

Are they dumb or something? Eh, sila nga ang puro illegal ang gawa sa Enamel!

Sa talambuhay ko ay kailanman ay hindi ako nakarinig man lang ng pagkakaroon ng koneksyon namin sa lahat ng illegal na bagay, lalo na si lolo! Binaliktad lahat ng mga Arellano ang sitwasyon. Isinisisi nila ang kanilang kasalanan sa iba!

Bakit kung kailan eleksyon pa kami sinugod ng mga sindikato? Bakit hindi pa noon?

"Tang inang mga Arellano!" sigaw ni Lonzo.

Sinipa nito ang kama dahil sa matinding galit, halos mapapikit ako habang naririnig ang paulit-ulit niyang pagmumura. Hindi na ako makagalaw at nanatili na lamang akong nakatayo habang pinagmamasdan siya.

If this was his way of releasing his frustration, sadness, anger and pity for our own family, I will not stop him. I will let him burst out.

Hinayaan ko siyang magbasag nang magbasag ng kung anumang mahawakan niya.

Pare-pareho kaming nawalan, nasaktan, nahihirapan at higit na nagagalit. Sobrang sakit makita na unti-unting bumabagsak 'yong pamilya na pinahahalagahan mo.

Ang sarili mong pamilya kung saan nasaksihan mo 'yong lahat ng pinagdaanan, sakripisyo at ang magagandang plano. All we wanted was a good government for our province, pero bakit laging may lumalabas na masama? Why couldn't they just accept the fair play of election? Why do they need to kill lives?

Wala na ba talagang pag-asang maging malinis ang eleksyon sa Pilipinas?

Nang makita kong sinasaktan na ni Lonzo ang sarili niya sa pagsuntok ng kanyang kamao sa pader ay agad akong tumakbo at yumakap sa kanya mula sa likuran.

I could allow him to break things, but not to hurt himself. Marami nang nasaktan sa amin at hindi na ako papayag na may madagdagan pa.

"S-Stop... please... tama na... don't injure yourself. Tama na, Lonzo..." I whispered, I tightened my embrace against him, para iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.

The Prince Who Bit The Poisonous Apple (Prince Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon