<Knight 1>

101 11 0
                                    

(A/N) Just before you start reading the story, nirewrite ko po itong storying ito for the reason na marami akonh pagkakamali at ayaw sa naging takbo ng story. So wag kayong mag taka kung bakit may mga 2018 na pics kayong makikita thru out the story. Thats all thank you for reading!!
——————
*flashback*  (5 years ago)

"Mertensia!! Tara laro tayo!" sabi ng batang nagngangalang Zinnea.

"Zinnea alam mong hindi tayo papayagan nina mommy at tysaka baka kung mapano tayo." malungkot na bigkas ng batang si Mertensia.

"Lagi ka namang bawal eh!!" sabi ni Zinnea na ngayon ay umiiyak na.

"O sige na nga! Basta secret lang natin to ahh!" sabi ni Mertensia.

     Ngumiti naman si Zinnea at hinila ang tali na nakaconnect sa kanilang dalawa. May kasabihan kasi nakapag nag hawak ang dalawang princesa ng dalawang magkaibang panig ay mag kakaroon ng pag sabog sa gitna nilang dalawa. Si Mertensia ay isang uri ng Angel's knight samantalang si Zinnea naman ay isang uri ng Demon's knight. Silang dalawa ay nakatakdang mamuno ng Whitetropolis at Blacktropolis. Ang kasalukuyang namumuno ng Whitetropolis ay si Reyna Iris ang nanay ni Mertensia habang si Reyna Mishelenia naman sa Blacktropolis na kapatid ni Zinnea. Mag kaaway man ang pamiliya nila hindi ito naging hadlang sa pagkakaibigan nila.

     Pumunta sina Mertensia sa Green Flower Meadow kung saan makikita ang iba't ibang uri ng halaman. Tinanggal nila ang pagkakatali nila at nag simulang mag tatakbo. Ang blue flowers rito ay ang paboritong bulaklak ni Reyna Iris kaya ipinangalan niya ito sa bunso niyang anak. Ang pulang bulalak naman ay sumisimbolo sa tapang ng hari at reyna ng Blacktropolis. Napagisipan naman ni Reyna Mishelenia na ipangalan ito sa baby niyang kapatid. Habang naglalaro ang dalawang magkaibigan, nagaalala na ang dalwang panig dahil nawawala na ang princesa sila.

"Mertensia, tara gawa tayo ng flower crown yung iyo puro blue flowers and white flowers yung akin naman red and white flowers. Ako gagawa ng iyo tapos ikaw naman ang gagawa nung akin. Ok??" sabi ni Zinnea at tumango naman si Mertensia.

     Makalipas ang ilang minuto, natapos nila ang mga flower crown. Nilagay ni Zinnea sa ulo ni Mertensia ang flower crown at ganun din ang ginawa ni Mertensia sa kaibigan. Tumayo si Zinnea at nag simulang magtatakbo habang nakataas ang kamay nito at nagkuwaring airplane. Napansin naman ni Mertensia ang kakaibang kulay ng mga ulap. Nagsimulang kumidlat at muntikan nang tamaan si Zinnea tumakbo naman si Mertensia papalapit sa kaibigan. Ng tumunog ang kulog tinulak ni Mertensia si Zinnea at si Mertensia ang nakidlatan. Nagsimulang umiyak si Zinnea pati ang mga ulap. Ginigising ni Zinnea ang kaibigan kaso ayaw nitong magising.

"MERTENSIA!!" sigaw ng mga tiga Whitetropolis kasama ang Prinsipe na si Enrique ang kapatid ni Mertensia.

"ZINNEA!!" sigaw naman ng mga tiga Blacktropolis kasama si Reyna Mishelenia.

     Nakita ni Prince Enrique ang kapatid niya na nakahiga sa damuhan at katabi ni Zinnea na umiiyak.  Dali-dali namang tumakbo ang prinsipe at kinarga ang princesa.

"Anong nang yari kay Mertensia, Zinnea?" tanong ni Prince Enrique.

"Natamaan po siya ng kidlat *hikbi* nadapat po ako yung tatamaan *hikbi*" sabi ni Zinnea.

"ANO?!" malakas na sigaw ni Prince Enrique na nakakuha sa attensyon ni Reyna Mishelenia. Lalong lumakas ang iyak ni Zinnea at tumakbo si Reyna Mishelenia sa kapatid at niyakap ito.

"Anong nangyayari rito?" tanong ni Reyna Mishelenia.

"Ate.. nakidlatan po si Mertensia." sabi ni Zinnea.

"At kasalanan niyo ito! Kung sana hindi niyo basta bastang pinapayagan si Zinnea na mag gala hindi ito mangyayari!" sigaw ni Prince Enrique.

"Wala na kaming kasalanan diyan! Mga bata lamang sila." sabi ni Reyna Mishelenia.

"Zinnea simula ngayon ay hindi ka na maaaring pumunta kina Mertensia. Hindi ka narin puwedeng makipagusap sa kanya naiintindihan moko?" sabi ni Reyna Mishelenia at walang magawa si Zinnea kung hindi tumango. Bumalik na ang dalawang panig sa kanikanilang kaharian at  noong nakarating sina Reyna Mishelenia sa palasyo nila nahimatay si Zinnea.

"Zinnea! Hala inaapoy ka ng lagnat! Yaya!! Tawagin ang doctor dalian mo!" sigaw ni Reyna Mishelenia na ngayon ay karga karga si Zinnea papunta sa kwarto nito.

*Whitetropolis Castle*

"Yaya!!! Tumawag kayo ng doctor!!!" sigaw ni Prince Enrique . Agad naman na sumunod ang mga guard.

"Kawawa naman si Princess Mertensia.. wag naman sana siya ang sumunod.." sabi ng isang yaya.

     Dumating ang doktor at agad inispeksyon si Mertensia. Dahil daw sa kidlat ay nacoma ngayon si Mertensia.

     Maka lipas ang ilang linggo ay nagkaroon ng digmaan ang Whitetropolis at Blacktropolis dahil sa nangyare sa princesa nila. Ang Whitetropolis ay isang creator at ang Blacktropolis naman ay destroyer hindi naman literal kaso natalo ang Blacktropolis. Maraming nalagas sa Blacktropolis kaya umalis ito ng kanilang palasyo at lumipat sa kung saan hindi na maaaring magkita si Zinnea at Mertensia.

*flashback ends*

Holy KnightWhere stories live. Discover now