<Knight 21>

4 2 0
                                    

Busted!
Recap:
Mertensia's POV

"Sige nga kung alam mo kung asaan ang mga gems mag bigay ka nga ng isa at nasaan ito ngayon." sabi ni Louis. Saglit na lumiwanag ang mata ng bata. At nawala din ito makalipas ng isang minuto.

"Gem of creation..." sabi ng bata at napatigil naman kami.

"How is that possible si-" di natuloy ni Louis ang sasabihin ng marinig ang sunod na kataga ng bata.

"...It is here with us." sabi ng bata at tumingin siya saakin.Nagtataka namang lumingon rin saakin ang mga kasama ko. Damn my secret has been exposed by this little kid.

Ice's POV

"Anong ibig mong sabihin bata? Mertensia diba sira na ang gem of creation?" tanong ni Louis kay Crystal. Hindi naman siya makasagot.

"Hindi naman nag sinungaling si ate. Mali siguro ang pag kakasabi ko. The Gem of creation... is not an it anymore. It's a SHE." sabi ng bata. Napatigil ako. Ibig sabihin si Mertensia ang gem mismo? No wonder marami siyang abilities. Kahit hindi naman niya ilabas ramdam ko naman. Dahil medyo weird din for an ice type to have another ability na fire. Tyaka may force field magic din siya. She can also talk to creatures.

"How is that possible? Did you lie to us?!" tanong ni Louis. Huminga ng malalim si Crystal at nag simulang mag kwento.

"Before I was born, nag kasakit si mama habang pinagbubuntis ako. And sobrang lubha nito na kahit ang pinakamagaling na doktor hindi kayang galingin si mama. Kaya lumapit na sila sa isang malakas na sorceress... sinabi naman nung sorceress ay kailangan ng isang drop of the golden flower at ang..... gem of creation. Dinurog ang gem at hinalo sa drop ng golden flower at nag karoon ng likidong pedeng magpagaling ng kahit anong sakit." kuwento niya saamin. Tumigil siya ng panandalian at nag patuloy. Masama parin ang pinipukol na tingin ni Louis kay Crystal.

"Kaya noong ipinanganak ako nag karoon ako ng blue na buhok at kakaibang kapangyarihan. Noong bata ako imbes na nakikipag laro ako sa mga creature doon sa amin ay tinuturuan ako ng mga technique upang protektahan ako sa kahit anong panganib. Bihira din akong pinapalabas ng dahil baka may mangyari saakin. Hanggang sa makilala ko si Zinnea. Siya ang naging kalaro at kaibigan ko noon kaso may nangyari noon. Nakidlatan ako at nacoma ng matagal tagal. Nagka amnesia rin ako kaya nag away ang pamilya namin. Kaya rin nawala si mama at papa. Kaya sa murang edad si kuya na ang namahala ng kaharian namin. Madalas niya lang na kwekwento ang mga alaala ko noong bata ako. Hanggang sa sinabi saakin ni Kuya na wag na wag kong gagamitin ang kapangyarihan ng mismong gem dahil delikado at baka kung mapaano ako. Yun din ang dahilan kung bakit tatatlo lang ang nakita niyo saakin at kung bakit hindi ko sinabi sa inyo. Sana maintindihan ninyo at wag niyong sasabihin sa iba..... kahit kina Zinnea. Ako na ang bahalang mag sabi sa kanila nun." sabi niya at tumango na lamang kami.

"Naiintindihan namin. Alam ba ni Principal ito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Tanging kayo at si Alyssum lamang ang nakakaalam ng dahil nakita niya dati na may kapangyarihan akong kakaiba. At narinig niya rin kaming nag uusap ni kuya." mahinang sabi niya.

"Halina kayo at bumaba na tayo." sabi ni Louis na medyo may galit parin ng onti. Kinarga ko naman ung bata pababa. Ng makababa kami pumiglas ung bata saakin at tumakbo sa kaniyang ina.

"Maraming salamat at niligtas niyo ang aking anak." sabi ni Mrs. Heart at nag tinginan naman kami.

"Sa tutuusin po ang anak niyo po ang nag ligtas sa sarili niya." sabi ko at tinignan naman siya ng kaniyang ina.

Umupo kami sa sala nila at kwinento kung ano ang mga nalaman namin at na kailangan siyang ienroll sa PRA para maprotektahan at matuto siyang kontrolin ang kapangyarihan niya. Pumayag naman sila at pinagimpake si Silver. Ng matapos iyon ay sumama na saamin si Silver at bumalik sa aming tinitirhan. Nag ligpit kami at sa sofa na ako na tulog dahil si Silver ang nasa kama ko. Kinabukasan ay dumating ang mga pegasus na ikinatuwa naman ni Silver. Nakisakay naman siya saakin pabalik. Na sabi niya rin na 8 years old palang siya. Nagulat naman ako kasi minsan ang mature niyang magsalita at minsan naman para siyang bata.

Stephanie's POV

Hapon na kami na karating sa school at sinalubong kami ni Principal. Pag baba namin sa pegasus, na pansin kong medyo hindi nag papansinan si Louis at Mertensia, hmm wonder why? Anyways dumiretso na ako sa dorm ko dahil alam ko namang sina Mertensia na ang bahalang mag report kay Principal. Pumasok na ako sa aking dorm at nag ayos ng gamit at saka naligo. Matapos iyon ay lumabas ako ng kwarto para pumunta sa Cafeteria. As usual pinagbubulungan nanaman ako. Ako ba namang sungitan sila at alamin na medyo hindi ako katalinuhan siyempre iisipin nila na pinera ko lang ang sistema ng school namin.

"Hoy! Babaeng mukhang malandi!!" sigaw ng isang babaeng clown sa isang babaeng naka salamin. Tinapunan naman siya ng spaghetti ng alipores nung sumigaw at nag tawanan ang mga tao. Lumapit ako at sinabunutan ang nag tapon ng pagkain sa kaniya. Hinarap naman ako nung alipores at sinubukang sampalin ako kaso nanunahan ko siya.

"Subukan mong hawakan ang mukha ko sisiguraduhin kong dudugo yang pisngi mo." natakot naman ung alipores at tumakbo dun sa amo niya.

"Sino ka ba?" tanong nung sumigaw kanina.

"Your worst nightmare." mataray kong sabi at tumawa naman siya. Tinira niya ako ng tornado kaya nag takbuhan ang mga estudyante papalabas ng cafeteria. Tinayo ko naman ang babaemg inaapi nila at sinabing tumakbo na rin siya. Umiling siya at gumawa ng isang fire tornado at kumalampag iyon sa normal na tornado at nawala naman ung normal. Pinahina ni ate gurl ung fire tornado hanggang sa mawala na ito.

"Argh! I hate you!! Sisiguraduhin kong mapapalayas kayo rito sa school na ito!!" sigaw niya at saktong dumating naman si Mertensia na nag lalakad habang pinaglalaruan ang isang cotton ball. Oo, cotton ball. Ewan ko ba tong babaeng ito minsan sobrang seryoso minsan naman akala mo may impostorang pumalit sa kaniya. Ng pinahangin nung froglet ang Cafeteria nilipad ang hawak ni Mertensia na cotton ball at cold na tinignan ang paligid niya.

"What's going on here?" tanong niya saakin at hindi pinahalatang nanggigil siya.

"Well binully niya si ate gurl here at ginamit niya ang powers niya na walang permission." sabi ko sa kaniya at nag cross arms at nagsmirk sa babaeng mukhang clown na froglet. Andami na niyang nickname ha sana matuwa siya niyan.

"Sino ka ba ha?! Isa ka pa sa ipapatanggal ko." sigaw nung babaeng clown na froglet.

"If i was your worst nightmare, siya naman yung tipong mag mamakaawang patayin kana lang kesa makalaban mo siya." sabi ko sa kaniya at namutla naman yung babae sa takot.

"S-sino nga ba kasi k-kayo!!" sigaw niya muli kaya naman napatakip na ng isang tenga si Mertensia.

"Ang sakit mo sa tenga. Di ko alam kung bulag ka or gusto mong mabulag eh. Di ka marunong tumingin sa pananamit namin?! My gosh wala kang class." sabi ko sa kaniya at inirapan siya. Ng makita niya ang uniform namin napaatras siya ng onti.

"Look I'm sorry ok? Nakakabwisit kasi yang babaeng katabi niyo!" sabi niya at umirap saamin.

"Too late. You're expelled." sabi ni Mertensia ng makitang pumasok si Principal sa pinto. Siyempre sa pinto alangan naman sa lapag diba?

"What?! No!!" sigaw niya ng hilahin siya ng isang guard na kasama ni Principal at pumasok naman ang mga Pixie para mag linis. Iba ang fairies sa pixies ha! Wag mo lang akong tanungin kung anong pinag kaiba. Nag thank you ung babaeng inapi at umalis din siya kaagad. Ako naman bumalik na lang sa dorm since na wala na rin naman ang gana kong kumain noong makita ko ung mukha nung clown na un. Kaya itinulog ko na lamang.

Holy KnightWhere stories live. Discover now