Mertensia's POV
Kasalukuyan kaming nasa interrogation room ng Melodius kingdom kasama ko si Floss, Kayden at Alessia at ang hari at reyna. Ilang oras na rin kaming naririto kasama ang prinsipe ng Garden Kingdom at ang mga alalay nito.
"Isa pang hindi mo pag amin sa kasalanan mo ay mawawalan ka na ng kapangyarihan." pananakot sa kanya ng hari. Muling namutla ang mukha ni Timothy ngunit itinikom na nya ang kaniyang bibig.
"Floss simulan mo na ang tugtog." sabi ng hari at kinuha naman ni Floss ang glass harp at nag simulang mag patugtog ng isang napakagandang tunog. Sumisigaw naman sa sakit si Timothy at ang kanyang mga kasama.
"Arghhh!! Oo na mag sasalita na ako!!" Itigil niyo lang to!!" sigaw niya at tinigil ni Floss ang pagtugtog.
"Aaminin ko na hindi talaga namin gustong kunin ang mga gem sa kada kingdom. Nautusan lamang kami ng Bl-" hindi na niya na tuloy ang kaniyang sasabihin ng biglang pumasok sa loob si Zinnea at Sawyer na hingal na hingal na mukhang galing sa kakatakbo.
"Andito lang pala kayo. May nag proprotesta sa harap dahil hindi raw sila pinapasok kahapon. At sinabing invited daw ang lahat." sabi ni Zinnea habang hinahabol nito ang kaniyang hininga. Tumayo ang Reyna sa pagkakaupo at nag simulang mag lakad patungo sa pintuan.
"Ako nang bahala roon. Kayong dalawa sumama kayo saakin." sabi ng Reyna na agad namang sumunod si Zinnea at Sawyer.
"Ano ulit yung sasabhin mo?" sabi ni Alessia at lumingon kay Timothy na ngayon ay hindi na nakatali at may hawak na kung anong fairy dust.
"Sasabihin ko sana na Sweet Dreams your Highnesses." sabi niya at hinipan ang dust na hawak nito na agad namang kinatumba ni Alessia, Floss at ang Hari ng Melodius kingdom.
"I'm surprised that you even tried that." cold kong sinabi iyon at binugahan niya ulit ako ng dust pero hindi ito gagana saakin. Dahil ang Artesia Kingdom royalty ay immune sa kahit anong fairy dust maliban sa black dust na hawak ng Blacktropolis. Immune din ang Water Kingdom or mas kilalang Mermaidius Alkha. Nag form ng bola ng tubig si Kayden at tinira ang mga fairy. Isa sa kahinaan ng mga fairies ay ang tubig. Pag nabasa kasi ang mga kamay at paa nito hindi na siya makakalipad unless may malakas na hangin ang dumating at natuyo ang pagkakabasa ng mga kamay at paa nito.
Hindi naka galaw ang mga fairy at ginawang yelo ni Kayden ang mga ito hanggang hita. Gumawa ako ng apoy kasi ung lang sa ngayon ang puwede kong gamitin ng dahil iyon papalang ang nakikita nilang kapangyarihan ko at magnetic force fielding palang. Lumapit ako kay Timothy at hinarap sakanya ang kamay ko.
"Mamili ka one, two, three, four or five?" tanong ko sa kanya. Habang kada sabi ko naman ng number may lumalabas na maliit na apoy sa kamay ko na iba't ibang kulay.
Kayden's POV
Ngayong hindi na makagalaw si Timothy ay wala siyang magawa kundi umiwas sa mga apoy na nanggagaling sa kamay ni Mertensia. Grabe din ang control niya sa magic niya. Kasi kahit blue na apoy napapalabas niya.
"Since ayaw mo namang mamili.... I'll choose for you. I will pick..... three." sabi ni Mertensia sa cold niyang boses at ang pangatlong apoy ay ang blue flame. Pinatay niya lahat ng apoy sa kanyang daliri at bumuo ng malakimg fireball na kulay blue sa kanyang palad na para bang nag sindi lang siya ng posporo. Naku kung hindi ko pipigilan tong babaeng to baka kami naman ang makulong.
"Mertensia tama na yan... hindi naman makakatakas yang mga yan." sabi ko at pinatay na niya ang apoy sa kaniyang palad. Salamat naman.
"Mag salamat kayo at may kasama ako rito sa loob kung hindi baka mamaya abo na kayo." cold niyang sinabi at naglakad papunta sa pintuan pero bago iyon humarap ulit siya at dinagdagan ang yelong nilagay ko sa katawan ng mga fairies. Kaninang hanggang hita lang ngayon hanggang dibdib na. Kumikinang pa ito na parang crystal. Masasabi kong matibay tong yelong ito. Kaso.... hindi ba fire at magnetic force fielding lang ang magic niya... papaanong nag karoon siya ng ice type??
Pinabayaan ko ito at lumabas na kami ng Mertensia sa kuwarto at sabay namang pumasok ang mga guwardya ng Artesia Kingdom kasama si Prinsipe Enrique. Niyakap niya si Mertensia at niyakap naman ito pabalik. Nakaramdam ako ng onting pagseselos dahil may kayakap na lalaki si Mertensia. Tinaggal ko ang pag kakayakap nila at nag lakad palayo.
Mertensia's POV
Tinaggal ni Kayden ang pag kakayakap ko kay kuya at nag walk out. Nag shrug na lamang ako at kinamusta si kuya.
"Kuya anong gagawin natin sa mga iyan?? Nasa Garden Kingdom paren ang mga gem.... at isa na lang kulang rito kung hindi ang Music Gem...." sabi ko kay kuya at napaisip naman ito ng malalim.
"Ganito.... bibisitahin ng lahat ng kaharian ang Court Of Virtue this week... dahilan ng coronation ni Zinnea. Sigurado akong dadalhin nila ang mga gem na nakuha nila para gamitin ito laban sa mga royalties. Hindi parin klaro kung bakit nila ito kinukuha. Anyways paniguradong gagamitin nila iyon at hahanapin ang Gem of Creation.... yun nga lang nalunok mo na. Well ikaw na mismo ang gem of Creation kaya ingatan mo ang sarili mo..." mahinang sabi ni kuya ng dahilan na may makarinig nito.
"May nabanggit din pala ang prinsipe ng Garden Kingdom na hindi naman daw talaga nila gustong kunin ang mga gem... napagutusan lamang daw sila." sabi ko at napatango naman si kuya.
"Sinabi ba niya kung sino ang naguutos nito??" tanong ni kuya.
"Yun nga ang problema kuya.... babanggitin niya na iyon kaso biglang pumasok sina Zinnea at Sawyer na hingal na hingal at sinabing may nag proprotesta sa harap ng kaharian. Kaya lumabas ang reyna at kinausap ang mga ito." mahabang sabi ko na itinango na lamang ni kuya.
"Basta ganito... ano ano bang type ng magic ang napakita mo na?" tanong ni kuya.
Inisip ko ang lahat at sinabi."Fire, Ice, magnetic force fielding at animal talking pero hindi nila iyon na kita." sabi ko habang iniisip pa ang iba kong nilabas na kapangyarihan. Lahat kasi ng element kaya kong ikontrol pero kapag may hindi ako kayang element ginagaya ko ito.
Isa sa magic type ko ang Magic thief. Isa itong uri ng magic na kung saan kapag tinira mo saakin ang isang skill na hindi ko pa masyadong namamaster, agaran ko itong mamamaster ng ilang segundo at ibabalik sa iyo ang tinira mo basically I can copy and replicate abilities, even familiars pag sinummon mo sa harap ko ay masusummon ko djn ito. Pero gagamitin ko lang ito kapag talagang kinakaylangan. May iisang rule lang kaming magkapatid kasi namana namin ito kay mama na bawal kaming gumaya ng dark magic. Isa ito sa hindi ko kayang controling magic kaya hangga't sa kaya ko iniiwasan ko ang mga taong meron ganitong mahika.
Pag dating ng hapon umalis na si kuya at ang mga guwardya na dala ang mga fairies. Dadalhin sila sa Court of Virtue kung saan papatawan sila ng Magic Transition ibig sabihin nun may nilabag kang batas at tatanggalin na ang magic mo sa katawan at ipapadala ka sa mortal world. Hindi ito masyadong nababangit ng dahil ni isa saamin or ako lang ay hindi pa nakakapunta sa mortal world maliban lang sa pinaparusahan. May naririnig din akong sabi sabi na may pinapadalang estudyante na galing sa school namin sa mortal world para sa mga misyon. Pero hindi ko pa iyon na kokompirma. Nag lakad na ako papuntang kuwarto at na ligo lang saglit at nag bihis. Pag katapos noon ay tumalon ako sa kama at dinalaw ng antok.
YOU ARE READING
Holy Knight
Fantasy1 world, 2 different kingdoms and 2 rivals. Ito ang ginagalawang mundo ni Mertensia at Zinnea. Isang mundo na akala mo ay galing sa panaginip lamang. What will happen as the revelations unravel along the way? Will they meet new friends? Or meet ene...