A couple?!
Mertensia's POV
Pinatawag kaming top 10 kasama yung Elizar sa principal's office. Pagkapasok namin ay agad kaming pinaupo at sinumulan ni Principal ang aming paguusapan.
"Guys alam kong medyo pagod pa kayo ng dahil sa foundation week pero you guys will have a couple missions this month. Starting tomorrow you will have to go to Garden Kingdom kasi inimbitahan tayo. Birthday ng anak nilang babae kaya I am pretty sure na ilalabas nila yung gems para mag pa show off. Pero kung sakaling hindi mangyari yon hanapin ninyo ang vault nila. Magingat kayo and naipagpaalam ko na rin kayo sa mga guardian and parents ninyo. That's all and you may go." sabi ni Principal kaya tumayo na kami at lumabas ng office.
Nagsimula na ang klase kaya nakinig na ako. Potions class namin ngayong araw at medyo strikto ang teacher namin rito.
"Ok class!! Let's have a potions test today!!! Since most of you are not listening. Today we will craft a melody crystal potion. Go to your workbenches and when I say go start making those potions ok?" sabi niya kaya naman agad kaming sumunod. Ang isang Melody Crystal potion ay isang potion nakakapag heal ng isang sugat pag ininom mo ito. Mas maganda itong gamitin kesa sa mga normal na healing potions. Tinalakay namin ito bago mag simula ang foundation week kaya naman nakapagjot down ako ng ingredients and procedure ng mismong potion.
"Go!!" sigaw ni sir Mahcui (mak-uwi). Lahat ng ingredients ay nasa pantry at yung iba nasa station na namin. Yung mga classmates ko pumunta sa pantry para kumuha ng ilang ingredients at ako ang naiwan. Alam ko kasing pag pumunta ako roon at kumuha ay gagayanin lang nila ako. Sinimulan ko ang pag gawa sa pag salang ng cauldron sa apoy at nilagyan ng katas ng melodius flower na galing sa Melodius Kingdom. Nang makabalik ang lahat nailagay ko na ang katas kaya hindi nila alam kung ano ang ginawa ko. Pumunta ako sa pantry at kumuha ng mortar and pestle at ilang crystals at healing herbs na kailangan.
Bumalik ako at nakitang nag sisimula na rin sila. Hiniwa ko ang mga healing herbs at inilagay sa cauldron. Sinunod ko naman ang tubig na nilagyan ng music dust. Kaya tinawag na melody crystal potion ito kasi pag inilagay mo na ang huling sangkap which is yung durog na crystal as in pulverized dapat, ay nag lalabas ito ng nakakarinding tunog na magbibigay sa iyo ng oras para tumakas or inumin ito. Hinalo ko ito at hinayaang kumulo. Nag simula na ako sa pag durog ng mga crystal. Nung kulong kulo na ito inilagay ko na ang durog na crystal at hinalo ng mabuti. Yung mga crystal na ginamit ko ay isa ring healing crystal na kadalasang pag durog ay binubudbod sa mga open wound. Pinatay ko ang apoy gamit ng magic ko at inilipat sa mga vial ang potion na ginawa ko. Umabot sa tatlo ang napuno kong vial kaya naman lumapit na ako kay sir at nilagyan na niya ito ng palatandaan sa takip na akin iyon. Pinabalik niya ako sa station at naghintay.
Makalipas ang ilang minuto ay nakatapos na rin ang lahat. Inayos ni sir ang pagkakalagy sa desk nya ng mga potion. Nauna ang classmate kong huling nag pasa at hindi gumana ang potion. Sunod sunod na sila at ako ang hinuli. Nagtataka siguro kayo kung paano malalaman kung papasa ko hindi? Well...
"Miss Mertensia sugatan mo ang sarili mo at inumin ang potion." sabi ni sir saakin at ginawa ko iyon. Ngumiwi ako ng maramdaman ang malamig na bakal na lumalim sa balat ko. Ng dumugo na iyon at nag karoon ng sugat agad kong ininom ang potion na ginawa ko. Kasi pag hindi baka mabingi ang mga classmate ko. Makalipas ang ilang minuto ay nawala ang sugat at nag hilom ito ng parang bula.
"Very good Mertensia. Ikaw lang ang pumasa. Everyone goodbye and you may go." sabi ni sir. Tumayo na ako at pumunta sa cafeteria ng dahil break time na. Nakita ko si Elizar na naglalakad. Nang humarap ito sa direksyon ko nakita ko ang isang cold at parang patay na Elizar. Katulad ng pagkakakita ko sakanya noong first day. May lumapit sa kanyang babae ngunit hindi niya ito pinansin. Noong hinabol naman ng babae si Elizar ay tinulak na niya ang babae. Umiyak ang babae kaya naman lumapit na ako.
"Oh look. The Goody two shoes is here." sabi niya at umirap sakin tumalikod siya at nag simulang maglakad papalayo. Tinulungan ko ang babae at hinabol si Elizar. Nilagyan ko ng yelo ang paa niya hanggang torso ng hindi ito makagalaw. Nagulat naman siya at lumingon lingon para makita kung sinong gumawa noon lumapit ako at tinignan siya sa mata.
"Ikaw ba may gawa nito?! Palayain moko rito!!" sabi niya kaya naman umirap ako.
"Stop what you are doing Ice. You are drawing attention." sabi ko at nag scoff naman siya.
"Stop calling me Ice. And if you don't let me go mag iingay pa ako!" sabi niya kaya umirap ako.
"Fine." sabi ko. Nagliwanag naman ang mata niya. Pero nawala iyon noong mag labas ako ng apat na level ng apoy sa dulo ng daliri ko.
"Ikaw mamili. One, two, three or four?" tanong ko at napalunok siya.
"Ayaw mong sumagot?" tanong ko muli at tumikhom ang bibig nito.
"Fine I pick....three!" maloko kong sabi. Ang pangatlong apoy ay ang kulay blue na flame. The hottest one. Kaya naman lalo siyang lumunok. Tinawanan ko lang siya at tinanggal ang yelo sa paa na hanggang torso niya.
Nagtaka naman siya. Ngumiti lang ako sa kanya ng suntukin niya lang ako at buti na salo ko bago tumama sa mukha ko. Tinignan ko siya ng masama at mapangpatay na tingin.
"Don't do that again." sabi ko with my coldest voice. Namilipit naman siya sa sakin ng sunugin ko ang kamay niya kaso hindi rin natuloy kasi naapula niya agad. Inirapan ko siya at umalis na. Nahawi naman ang mga tao noong dumaan ako.
Bumalik ako sa palasyo para magimpake sa aming mission. Pumunta ako sa mission room ko at kinuha ang maleta ko. Naglagay ako ng ilang dress at ilang pamalit na damit kung sakaling mag tagal kami. Pumunta naman ako sa kitchen at kumuha ng pagkain ko at ilang tubig at potion. Kinuha ko na rin ang natira kong potion na ginawa kaninang umaga at nilagay sa maleta. Pumunta ako sa kuwarto at natulog. Mahaba haba pa ang lakad namin bukas.
----------------
A/N: hellooooooo guuyysssss!!!! Thank you sa 222 views!!!! Thank you for supporting this story even though na sobrang tagal ko mag ud... hehehehe tamad lang po akong taoooo anywaayss thank you uliitt and see you on the next chapter!!
YOU ARE READING
Holy Knight
Fantasy1 world, 2 different kingdoms and 2 rivals. Ito ang ginagalawang mundo ni Mertensia at Zinnea. Isang mundo na akala mo ay galing sa panaginip lamang. What will happen as the revelations unravel along the way? Will they meet new friends? Or meet ene...