<Knight 26>

5 1 0
                                    

(A/N:) so may ieexplain lang ako😂 may ranking sa school nila which defines kung gaano ka kalakas. For example Zinnea. Ang rank niya is 9 pero top 1 siya. Soooo sana hindi kayo malito HAHA😂 yung tinutukoy ko ring ranggo sa last chapter is yung top top chuchu. So un lang continue reading😂
——————————
Useless

Mertensia's POV

"How is that possible? Hindi ba usually blanko ang spot na iyon pag walang nanalo?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan lang sila muli at sinagot ako ni Ice.

"The queen insisted." sabi ni Ice tapos napaisip ako kung sinong queen then I remembered na queen nga pala ang ate ni Zinnea. Napabuntong hininga ako.

Umalis na sina Ice dahil may pasok sila at sabing babalikan na lamang ako mamaya. Pumasok naman si Principal at umupo malapit sa kama ko.

"I am sorry. I can't do anything. Queen's order." sabi ni Principal. Tumango na lamang ako.

"Pero you raised a rank. Rank 12 kana.. dahil nag labas ka ng white barrier tumaas in an instant ang ranking mo. That is why you will be sent to Main land for an exchange student program." sabi ni Principal.

"Pero next week pa raw po ako pedeng pumasok." sabi ko kay Principal.

"Nasabi ko na. Just be ready. Di ko sure kung isasama ko pa si Alessia. I have to ask her pa. Pero just be ready also excused kana sa written exam." huling pahabol ni Principal bago siya lumabas at nanahimik ang kuwarto ko.

Lumipas ang mga araw at ngayon ay nag iimpake na ako para sa exchange student program. Kasama ko si Alessia at Ice. Wag ako ang tanongin niyo kung bakit kasama si Ice. Tinignan ko ang laman ng maleta ko at nakita ang cape at uniform ko bilang isang normal na estudyante. Pinatago ko na ang Top 1 clothes ko. Huminga ako ng malalim at sinara na ang maleta at pumunta sa throne room. Ng makarating ako roon nakita ko si Kuya na maraming kausap na royal messengers at mukhang stressed na stressed. Lumapit ako at nag bow bago lumapit kay kuya.

"I'll be going now." pagpapalam ko at tumango lamang siya. Umalis na ako ng makita ang pegasus carriage na magsisilbing transportation namin papuntang Main land.Sa Main land matatagpuan ang mga trading ports. Dito madalas napunta ang mga gustong mag tayo ng negosyo. Sa Main land walang namumunong hari o reyna. Sila ang free continent dito sa mundong ito. May isa pang continente which is ang Blacktropolis. The rest kasi ay nasa  Artesia continent.

Umupo na ako sa loob ng carriage at nakitang andun na sina Ice at Alessia tumabi ako kay Ice (as if I have a choice since lahat ng gamit ay katabi ni Alessia). May higit 5 oras din ang biyahe namin kaya naman nag stop over kami sa isang island. Bumaba ang carriage doon at inasikaso naman ng driver ang mga pegasus. Lumabas naman kami ng carriage at kumain sa restaurant dito sa island. May mga turista din dito na nag iikot at nag swiswimming. Umupo kami roon at umorder ng pagkain. Habang iniintay ang aming inorder may nilabas naman na leaflet si Alessia. Dumungaw naman ako at nakita ang leaflet iyon ng aming lilipatan. Phoenix Academy ang pangalan ng aming lilipatan for the next week. Tinignan naman namin ang events for this week at nakitang may tournament chuchu sila dun.

"Uy may prize daw yung tournament oh." sabi ni Alessia naintriga naman si Ice at kinuha ang leaflet kay Alessia ng walang paapaalam.

"Bastos pede namang magsabi na hihiramin hindi yung kukunin pa saakin." bulong ni Alessia at umirap. Mukhang narinig naman iyon ni Ice kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Ano yung prize?" tanong ko sa kanila. Hindi naman nila ako nasagot dahil dumating ang aming pagkain kaya inilapag na ni Ice ang leaflet at kumain. Kinuha ko ang leaflet at binasa ang paragraph tungkol sa tournament. Nakita ko naman na ang prize ay ang Gem of Creation na ginawang potion. Napakunot naman ako ng noo. They are lying about the potion. Kasi the gem was small pero enough to make just one antidote or potion. So it is impossible na meron pang isa. Unless they are trying to so something with their students.

Matapos naming kumain ay nag bayad kami at muling sumakay sa carriage. Nabasa naman nina Alessia ang "prize" kaya naisip nilang sumali ang isa saamin habang ang dalawa naman ay mag iimbistega.

Nakarating kami sa Main Land ng madaling umaga at dineretso naman ng carriage namin sa Phoenix Academy. Pinapasok kami ng guard at bumaba na kami dala dala ang mga maleta namin. May sumalubong saaming staff at hinatid kami sa dorm area at sinabing pumunta sa Office mamayang tanghali. Dinagdag niya na ang aming susuotin na uniform ay nasa loob na ng kwarto. Thankfully room mates kami ni Alessia. Nag ayos na kami ng gamit at nakatulog agad dahil sa tagal ng biyahe namin kanina.

——Next Day——

Nagulantang kami ni Alessia ng makarinig ng malakas na bell na umaalingawngaw sabuong school. Bumangon kami at lumabas ng aming kwarto. Nakita naman namin na nag tatakbuhan ang mga estudyante na naka uniporme agad. Tumakbo naman kami papaloob ni Alessia at nag simulang magaayos. Mamaya na lang siguro kami maliligo. Nakita namin ang uniporme at isa itong long sleeved white polo with a navy blue pencil cut skirt na may kasamang neck tie na may naka tahing section. Nakalagay saaming dalawa ay χρυσό τμήμα naibig sabihin sa greek ay Golden Section. Dali dali naming itong sinuot at umalis na. Nakita naman namin ang mga estudyante na naka pila by section. Lumapit kami sa aming classmates at nakitang 10 lamang kami at si Ice lang ang nahiwalay saamin.

"Welcome new students of Phoenix Academy! For this week we will have a tournament. But there is a twist this year's tournament. Not only is the prize the gem of creation potion, chrysó tmíma cannot join this year's tournament!!" sabi ng isang may katandaang babae sa stage.

"Ang unfair naman."

"Maganda kasi price kaya siguro hindi sila sinali. Alam mo na medyo...."

"Buti lang sakanila yan."

     Bulong bulungan sa paligid. Nagtinginan naman kami ni Alessia at nag shrug kaming parehas.

"Quiet now. Please proceed to your classrooms." sabi naman ng isang babaeng asa 40's siguro at napaka ganda nya. Nakita ko namang nag si alisan ang mga estudyant kaya umalis narin kami at sumunod sa kalinya namin.

Holy KnightWhere stories live. Discover now