<Knight 25>

7 2 0
                                    

Unexpected Reality

Mertensia's POV

     Dumating na ang araw na lahat ng estudyante ay kinakabahan. Nabura ang ranking sa hologram naming screen at napalitan ng mga teachers na kailangan mong kalabanin pag gusto mong maging top. Oo mamimili ka. Kung sino ang makakatalo sa teacher na iyon ay siya na ang magiging may ari ng puwesto ng iyon.

     Nagsimula ang araw para sa labanan ng top 10. Siyempre si Floss parin ang may ari. Sumunod ang top 9 at kay Alyssum napunta. Tapos bumaba ng ranggo si Kayden at napunta as top 4 ang pumalit sakaniya si Ice. Nawala naman sa raggo si Louis. Susunod na ang laban ko. Para sa Top 1 pero siyempre marami ang nag subok kaya napunta ang laban ko sa huling araw ng linggong ito. Kinakabahan parin naman ako kahit papaano. Ngunit noong lumapit ako sa hologram nakita kong hindi pamilyar ang pangalan na naka paskil ng top 1. Mukhang may nakakuha na estudyante pero hindi panaman sinasabing closed na ang test. Meron panaman kaming written test pero madali na un.

     Lumipad ang oras at sa hindi ko namalayan ay sumunod na pala ako. May pagka advantage ang pagiging last kong lumaban kasi siyempre pagod na ung teacher. Napag usapan na ng lahat na elemental battle ito. Kasi pag physical/ weapon battle it is either lugi ang estudyante or ang teacher kaya para fair magic lang. Pano pag wala naman? May naka laan na teacher para sa kanila. Tumapak ako sa arena at nakita ang mga teacher at si Principal Herian sa may bleachers. Mukha namang hindi siya mapakali. Tinignan ko ang aking makakalaban. Isa siyang babaeng aakalain mong mahina sa una ngunit malakas siya pag dating sa dulo. Hindi din siya mukhang pagod kaya siguro inunderestimate siya ng mga nakalaban niya.

"Start." sigaw ng isang teacher at tinignan ko na ng maayos ang aking kalaban. Umiikot lang kami kasi inoobserbahan namin ang kakayahan ng isa't isa. Lugi ako ngayon kasi panigurado alam niya ang magic ko ng dahil teacher siya at may access siya sa information na ganun. Sinugod niya ako ng ice spears at tinunaw ko lang iyon gamit ng blue na apoy. Ngumiti lang siya saakin at nag bato ng higit isang daan na spears at gumawa naman ako ng wall of fire na kulay blue. So naging tubig lang ang mga spears.

    Tumakbo siya saakin at pinalibutan ako ng ice wall. Kinatok ko ito. Hindi biro ang kapangyarihan ng teacher na ito. Sinubukan ko namang gumawa ng maraming fire bombs gamit ng force field at apoy. Pinag babato ko ito sa kaniya at gumawa ng hagdan ng yelo upang makaalis ako rito. Ngunit bago ako umalis nagulat ako ng lumiwanag ang paligid ko at lumabas ung babaeng teacher at napapalibutan siya ng itim na ilaw. Saka sinugod niya ako. Nanghina naman ako kasi medyo humihina ang kapangyarihan ko ng dahil sa black magic. Napaluhod ako at sinubukang gumawa ng force field sa paligid niya. Ang alam ko kasi pag masyadong ginamit ang black magic or white magic ay makakasama ito sa user. It is either mamamatay siya or makakapatay siya. Nakawala naman siya sa force field ko at pinalibutan ako ng black veil. Sinubukan konh gawin ang tinuro saakin ni kuya noon. Na gagawa ako ng barrier na puno ng white magic in case of emergency. Ginawa ko ito at surprisingly nawala ang veil na nakapaligid saakin at nakitang naka ngiti lamang ito at nagdilim ang buong arena. Hindi naman ako lumabas sa barrier ko ngunit nakita ko itong nag crack. Napaubo naman ako ng dugo dahil nag crack ang barrier ko. Kaya sa mga barrier user luging lugi sila lalo na pag hindi sila dual wielder. Once na mawasak ang barrier mo masasaktan din ang nag cast nito.

     Hinang hina na ako dahil kalahati na ang sira ng barrier ko. "That is enough!" sigaw ni Principal Herian at nilapitan ako. Nawala naman ang black veil na nakapaligid sa arena at muling nag liwanag ang paningin ko. Nakita kong nasa loob parin ako ng wall. Hindi na ako tuluyang lumabas and instead ay sinense ko kung asaan siya upang magawan ko siya ng force field.

     Ng makita/mesense ko siya ginawan ko siya ng force field at naramdaman ko naman siyang ngumiti. Habang asa loob siya ng force field lumabas na ako at nilagyan ng white barrier ang paligid niya. Nawala ang ngiti niya at nag labas na siya ng black magic. Nilakasan ko ang force field habang binabantayan na hindi masira ang white barrier. Nag pop ang force field ko at sunod niyang tinira ang barrier ko. Nararamdaman ko ang onti onting pag crack. Hanggang sa nawasak ito at napaubo ako ng dugo. Sinugod niya ako at binalot ng black magic. Onti onting nag didilim ang paningin ko.

"Mertensia!!!/Crystal!!" mahinang rinig ko. Onti onti ring nawawala ang black na magic.

"You are fired and will be punished for your actions!" sigaw ni Principal. Parang nabibingi ako. Naramdaman ko naman na may nag kakarga saakin.

"Crystal kapit lang malapit na tayo sa infirmary." mahinang sabi ni Ice habang tinatapik ako. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Someone's POV

     Step 1: Checked! Nawalan na ng pwesto si Mertensia. Sunod sa listahan ay.... Step 2: Make her miserable. Malapit na yan. HAHAHAHAHA. Makakabawi din ako sa iyo Mertensia.

Mertensia's POV

     Nagising ako sa tunog ng aircon at lumingon ako at nakita si Ice na hawak ang kamay ko at natutulog siya sa gilid ng kama ko. Nakita ko rin sina Kayden, Alessia, at Alyssum na natutulog sa sofa. Dahan dahan kong tinaggal ang kamay ko upang hindi magising si Ice kaso ang higpit ng hawak. Nagising naman siya.

"Ok kana?" tanong niya saakin at nag kamot ng mata. Tumango naman ako at nagising sina Alessia.

"Teka tatawag lang ako ng doctor." sabi ni Alyssum at umalis sa kuwarto.

"Anong nangyare?" tanong ko sa kanila.

"Nababalutan ka ng black magic noong pinayagan na kaming pumasok kasi nag karoon ng vision si Silver na mababalutan ka nga ng black magic. Kaya tumakbo na kami. Kaso ayaw kaming papasukin kaya ayun. Inaresto na rin ung teacher na un. Ang parusa sa kaniya mawawala ang powers niya at sa Earth siya patitirahin." pageexplain ni Ice.

"To be honest nag karoon rin ako ng vision. Na copy ko ata ang power ni Silver kaya nag karoon ako ng vision." mahina kong sabi sa kaniya. Dumating naman ang doctor at chineck ako. Ok naman na daw ang vitals ko at pede nang pumasok by next week. Iwasan ko raw ang pag gamit ng magic ko. Tumango naman ako at umalis na si Doc.

"Sino na pala ang top 1 ngayon?" tanong ko sa kaniya. Nag tinginan naman sila.

"Yung teacher parin ba?" tanong ko muli ng hindi nila sinagot ang una kong tanong.

"Si Zinnea na ang top 1. Inangat nila lahat ng ranggo. Nabalik din si Louis sa ranggo niya. At ikaw naman ang nawala." sabi ni Alessia at parang gusto kong maiyak sa huling sinabi niya.

————————
Thank u for 363 views and 117 votessss!! See you on the next chapter!!!

Holy KnightWhere stories live. Discover now