<Knight 5>

30 8 0
                                    

Mertensia's POV

Kasalukuyang naglakad kami pabalik sa Hollow Heardlings para sa carriage na naghihintay para saamin. So far wala pa naman kaming na encounter na wolf sa forest. Napatingin ako kay Floss na namumula kanina pa simula noong gumising kami. May nangyari kasi.....

*flashback*

Nagising kami sa isang malakas na thud sa sahig agad kaming napabagon at nagready na pang laban tinignan namin kung saan galing yung malakas na bagsak na iyon at nakita si Sawyer na nasa sahig habang si Floss naman tinatakpan ang  sarili ng kumot, na pa tayo kami ng maayos at napailing. Yung iba bumalik sa pag tulog.

"Anong ginagawa mo sa kama ko?!" sigaw ni Floss kay Sawyer. Napakamot naman ng batok si Sawyer at nag salita.

"Kinuha kasi ni Kayden yung kama ko kasi may nag hagis ng ulam sa kama niya." pageexplain ni Sawyer na agad namang tinaggi ni Kayden.

"Anong kinuha? Ayan yung kama mo oh! Sabihin mo lang gusto mo kasi si Floss!" sigaw ni Kayden na agad namang binato ni Zinnea ng snowball para tumahimik ito. Namula naman na parang kamatis si Floss at bumalik ako sa tulog habang patuloy silang nag babayangan.

*flashback ends*

So ayun. Nakarating kami sa Hollow Heardlings noong hapon at nag pasyang kumain habang hinihintay ang masasakyan namin. Nag latag kami ng tela at nilapag ang pagkain na dala namin. Nag tabi naman si Floss at Sawyer kaso lumayo si Floss at tumabi saakin napa nganga nalang si Sawyer at patuloy na kumain. Habang kumakain kami dumating na ang carriage. Nag ligpit kami ng kinainan at sumakay na. Noong sumakay kami ang tahimiik sobra ng mga kasama ko. It's pretty unusual kahit na saglit ko palang silang nakakasama. Makalipas ang isang araw na biyahe nakarating nakami sa school.

     Pinasok na ng carriage sa gate ng school namin. Bumaba kami at napalingon naman ang mga estudyante habang nag tilian sa nakita. Si Sawyer, Louis at Kayden magulo ang buhok at halos wala pang tulog. Actually lahat kami, ung girls ang nakapag ayos bago bumaba. Dumiretso kami sa Principal's Office. Nahahawi naman ang mga tao at pinaparaan kami habang tinitignan kami. Nakarating kami sa Office at kumatok. Pinapasok kami at nakita kami ni Principal na may malungkot na mukha ang bumungad saamin.

"Ano hong nangyare sa inyo principal? Parang kayo pa ho ang pagod eh kami ung galing sa misyon." pabalang na sagot ni Sawyer.

"Nakuha na sa Blacktropolis ang gem nila. Pinadalan ako ng sulat kanina ni Queen Mishelenia. Pinadalan din ako ni Queen Gamitha na nakuha din sakanila ang Gem of Life. Ang natitirang gem na lang ngayon ay ang gem ng Artesia Kingdom at ang Melodius kingdom." nagtaka naman ang mga kasama ko kasi wala namang na banggit na gem ng Atresia Kingdom si Queen Gamitha kahapon na kahapon. 

"May gem ang Artesia kingdom?? Eh kung ang nasa Snowy Mountains na ang Gem of Life ano ang meron sa Artesia kingdom?" tanong ni Stephanie.

"Ang gem of creation ang natitira at ang music gem. Ang gem of creation ang kinaiingat ingatan ng pamilya namin to the point na hindi namin pinagsasabi na totoo ito. Sa totoo nga lang maraming hindi naniniwala na nageexist ito. Atyaka  kapag nasa amin pa ang gem na ito hindi makukumpleto ang Circle of Magic. Kaya nating bawiin ang gem sa isang spell lang. Ang problema ay wala talaga din sa kingdom namin ang gem. Wala din saamin ang kayang magkontrol nito. Tanging si mama lang. Si mama rin lang ang nakakaalam ng location nito. mahabang paliwanag ko. Napabungtong hininga naman ang mga kasama ko pati ang principal.

"Bukas na bukas ay pupunta kayo sa Melodius Kingdom at protektahan ang Music Gem. Kami nang bahala para makahabol kayo sa lessons. Medyo magtatagal kayo roon dahil magplaplano pa ulit ang Fairies. Yun lang magpahinga na muna kayo at mahaba haba pa ang lalakbayin niyo pa bukas." sabi ni principal at umalis na kami roon. Nag lakad kami at napaisip sila ng malalim.

"So ang ibig sabihin noon ay wala sa inyo ang gem of creation?" tanong saakin ni Zinnea. Tinignan ko siya at sinabing wala saamin ito. Matagal ng wala saamin ito.

     Sa buong buhay ko ngayon lang ako nag sinungaling ng ganito na maaari naming ikabagsak. Sa tunay niyan ay wala na ang gem of creation dahil binasag ito at hinaluan ng katas ng golden flower at pinainom sa mommy ko. Sobrang lubha kasi ng sakit niya noong ipinagbubuntis niya ako. Kaya ang ibig sabihin noon.  Ako ang gem of creation.

Holy KnightWhere stories live. Discover now