New Guy?
Mertensia's POV
Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse ng earth at papunta na kami sa bahay ng sinasabing may kakaibang matang lalaki. Tumigil din kami sa isang kainan na tinatawag na Jollibee. Pumila na kami at nag hanap naman ng upuan si Alessia. Nag labas ako ng pera ng Earth at hinanda ito.
"Anong gusto niyo?" tanong ko sa kanila at lumingon naman sila sa menu.
"Libre mo?" tanong saakin ni Stephanie at tinignan ko siya weirdly.
"Why are you lookin at me like that?" sabi niya saakin.
"It's just weird na tinatanong moko kung libre ko eh ako lang naman ang inabutan ng pera satin maliban kay Ice." sabi ko at tumawa naman si Louis. Napa-oo nga no si Steph at sinabing ung chicken na lang ung kanya.
Matapos kaming umorder ay kumain na rin kami at nag usap usap. Tumigil lang kami sa paguusap noong marami nang tumititig saamin kaya medyo nag ingat kami sa sasabihin namin kasi baka lahat sila rito ay espiya. Dala ko naman ang bracelet ko. If you were wondering kung ano ung ginagawa ng bracelet ko is katulad ng bracelet ni Floss na puro instruments ngunit ang akin naman weapon and a small bag na may lamang emergency stuff meron ding maliit na first aid kit. Mamagikin ko lang ito para lumaki tas pag di na kailangan paliitin ko na lang ule. Tumayo ako para mag hugas ng kamay ngunit may humila saakin dahilan ng muntik ko na siyang masuntok.
"Feisty I like it!" malokong sabi ng isang lalaking mukha namang kasing edad ko. Umayos ako ng tayo at kinuha ang braso ko sa kaniya.
"Anong kailangan mo saakin?" tanong ko sa kaniya at namula naman ito at napakamot ng batok.
"Can I get your number?" tanong niya saakin. Nagtaka naman ako at napa cross arms naman ako.
"At bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Nagagandahan kasi kami sa iyo, inyo pala.." sabi niya saamin. Nag taka naman ako lalo kaya napatingin ako sa kasama ko. Wala namang kakaiba saamin. Aaminin ko maganda si Steph at Alessia pero me? Nah. Kaya napatingin ako sa suot ko hindi naman ito revealing. Tyaka simple lang ang suot ko. High waisted black shorts tas over sized tshirt. Yun naman ang lagi kong suot so whats new?
"Really? But why are you asking my number hindi ba dapat ung kanila?" tanong ko sa kaniya still not trusting him. Also nag palit ako ng color ng hair sa mundong ito because our hair is too much out standing tyaka who has blue hair here?
"Ahm..." sabi niya at nag isip kung sasabihin niya ba ito saakin o hindi.
"Let me guess.. a dare?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya. Umirap na lang ako at hiningi ang phone niya. Tinype ko ang number ni Ice. (Kasi for some weird reason sa kaniya ung naalala ko) Nag thank you naman siya at iniwanan na ako. Nakapag hugas na din ako ng kamay at bumalik sa table namin.
"Nako ikaw Mertensia ha!! Lapitin ng lalaki!!" pangaasar saakin ni Steph. Umirap ako at nag ligpit na ng onti.
"Sino pala yun Crystal?" tanong saakin ni Ice.
"Malay ko dun. Dare daw." sabi ko sa kaniya at nag taka naman ang ilang kasama ko sa pag tawag niya saakin.
"Boring naman ng dare nila." sabi ni Alessia. Which is quite true naman. Kasi ang mga dare saamin ung tumalon ka sa pinakamataas na palapag sa school namin pababa ng walang cape, kumain ng mushrooms sa forest blindfolded so di namin alam kung poisonous ito or hindi, and so on so forth.
"Mukhang na aangatan na ni Elizar pare si Kayden ah..." sabi ni Louis at tinignan naman siya ng masama ni Ice kaya natahimik ito at nag patuloy kumain.
Umalis na kami roon at hinatid kami ng driver gamit ng sasakyan nila rito at ng kagabihan ay narating namin ang isang bahay na medyo may kaliitan. Lumabas na kami sa sasakyan at nag lakad papunta sa bahay kaso na patigil kami ng may nag landing sa harap namin na isang taong naka cloak at nakatalikod ito. Nag form siya ng isang spell kasi bigla siyang nawala sa harap namin at bumukas naman ang pinto.
Sumunod kami at nag cast naman ako ng spell na nag wawalang bisa sa invisibility niya. Pumasok kami sa loob at nakitang kumakain ang pamilyang Heart at nakita namin na may isang lalaking medyo mas matanda saamin ng onti at katabi niya ang isang babaeng bata at ang nanay at tatay nila. Napansin ko rin na may bakanteng upuan sa hapagkainan. Kumatok kami sa pader para mapansin kami ng pamilya at ng taong naka cloak. Tinira kami ng force field magic nung lalaki at gumanti naman ako. Sinummon ni Steph ung weapon niya at lumapit sa pamilya upang protektahan sila maging si Alessia din. Si Louis naman ay nilapitan ung lalaking may matang kakaiba.
Nilabanan kami nung taong naka cloak at lumaban din kami kaso bigla siyang umakyat sa hagdanan kasabay ng pagsigaw ni Louis ng "Ano?!" at tumakbo siya at sinundan ung taong naka cloak. Sumunod din kami at nakita ang isang kuwarto na nakasara ngunit nakabukas ang ilaw. Ilang segundo ang makalipas namatay ito kasunod ng malakas na sigaw galing sa isang bata at lumakas ang ilaw nanasa loob. Pumasok kami at nakitang nalutang ang isang lalaking bata at nababalutan siya ng nakakasilaw na liwanag. Hinanap naman namin ang taong naka cloak ngunit nakita lang namin siya sa isang sulok ng kuwarto na nakahiga at may dugong nalabas sa hood niya.
"Lumayo kayo saakin!!!" sigaw ng bata at biglang humina ang liwanag na ng gagaling sa kaniya at tumambad saamin ang isang batang lalaking may blonde na buhok at light blue ang mata. Makikita mo na may takot at pagaalinlangan sa kaniyang mga mata kaya ako na muna ang unang lumapit. Umatras siya ng onti pero noong humakbang uli ako hindi naman siya gumalaw. Hinawakan ko siya sa balikat at tinanong kung ok lang ba siya.
"Nakikita kong pahamak lang kayo dito sa mundo namin ngunit kayo ay mabait na tao. At andito rin kayo para kunin ako." sabi ng bata na ikinagulat ko ng onti pero hindi na nag abala.
"Ano ba ang nararamdaman mo o di kaya ano ba ang meron sa mata mo?" tanong ko sa bata.
"May mata akong nakakakita sa kahit anong bagay. Nakakapag predict din ito minsan. At tiyaka higit sa lahat nalalaman ko kung asaan ang lahat ng gems na sinasabi ng mga panaginip ko." sabi niya. Lumingon naman ako kina Ice na ngayong nagulat sa binabanggit ng bata.
"Sige nga kung alam mo kung asaan ang mga gems mag bigay ka nga ng isa at nasaan ito ngayon." sabi ni Louis. Saglit na lumiwanag ang mata ng bata. At nawala din ito makalipas ng isang minuto. Medyo nanghina ang bata kaya hinawakan siya ni Louis.
"Gem of creation..." sabi ng bata at napatigil naman kami.
"How is that possible sira na i-" di natuloy ni Louis ang sasabihin ng marinig ang sunod na kataga ng bata.
"...It is here with us." sabi ng bata at tumingin siya saakin. Nagtataka namang lumingon rin saakin ang mga kasama ko. Damn my secret has been exposed by this little kid.
YOU ARE READING
Holy Knight
Fantasy1 world, 2 different kingdoms and 2 rivals. Ito ang ginagalawang mundo ni Mertensia at Zinnea. Isang mundo na akala mo ay galing sa panaginip lamang. What will happen as the revelations unravel along the way? Will they meet new friends? Or meet ene...