<Knight 12>

10 3 0
                                    

New Student

Mertensia's POV

     Magtatapos na ang foundation week namin kaya naman sinulit nanamin ang mga booth. Ngayon ay kumakain kami sa isang fast food booth. Fast food ang tawag namin kasi mabilis ang service. Though ang alam ko iba yung 'human meaning' nito sa mortal world. Anyways habang kumakain may nakita kaming lalaking naka sunglasses at may dalang maleta at mapa sa kamay. Nag tinginan kami at tinaggal niya ang kaniyang sunglasses sa inis. Lumapit si Stephanie, of course, at tinanong kung anong problema nito. Inirapan lang ito noong lalaki at hindi pinansin ang pagaalala ni Stephanie. Kinulit pa ito ni Stephanie ng tinulak na niya si Stephanie na patayo na kami dahil sa nangyari at unang lumapit ang kapatid ni Stephanie na si Mark.

"Pare wala namang masama kung tinatanong niya kung anong kailangan mo diba?" sabi ni Mark na agad na ikinairap ulit ng lalaki. Feeling ko bakla to. Kanina pa irap ng irap eh.

"Oh great. Who are you? Her knight and shining armor?" tanong nung lalaki.

"More like her brother." sabi ni Mark na napa-so what lang na look yung lalaki.

"Look, ano ba ang kailangan mo at pikon na pikon ka?" tanong ni Mark.

"Why should I tell you?" tanong nung lalaki. Medyo nagiging crowded na rin sa gilid namin at lumalakas na ang bulungan. We wouldn't want to destroy a peaceful week.

"Hey! Tandaan mo teretoryo namin to! Nilapitan ka ng maayos ni Stephanie tapos gaganunin mo lang?" sigaw ni Alessia na agad naman ikinangiti ng lalaki na para bang nangaasar.

"Hindi ko naman hinigi yung tulong niya ah? Bat parang ako pa yung may kasalanan?" sabi niya na ikinapamewang ni Alessia. Nag sigawan lang sila ng sigawan hanggang nakisali na sina Alyssum, Zinnea at Sawyer. Si Kayden naman inaawat sila. Napipikon na ako sa kanila ha.

"TAMA NA!!" sigaw ko at napatingin sila saakin.

"Para kayong mga bata! My goodness!! Ikaw naman kasi bakit mo tinulak si Stephanie na nag mamagandang loob?? At kayo naman bat kayo nakisali na parang mga bata na naagawan ng simpleng candy. Maliit na problema pinapalaki niyo!" sigaw ko sakanila na agad naman nilang ikinayuko.

"Look miss, I didn't want to cause any trouble. Can you show me where the Principal's Office is?" cold niyang sinabi. Nanginig naman si Alessia sa narinig dahil sa lamig ng boses. Tinigan ko siya sa mata at.....

"Why don't you find it yourself? Hindi ba yan ang inaalok namin kanina? Let's go guys." cold ko ring sinabi at umalis doon. Nakalimutan kong nakaupo papala si Fero sa fast food booth. Nahawi ang mga tao at nag sialisan na rin noong sinundo ko si Fero roon na prenteng naka upo habang umiinom ng frappe. Kinuha ko yung kamay niya at hinila. Tumayo naman siya at sumunod saakin.

"You looked cool there master." simpleng sabi ni Fero na agad ko namang ikinairap.

"Paano naging astig yun aber?" sabi ko sakanya na agad naman siyang nag shrug. Inubos niya yung frappe at tinapon sa malapit na basurahan. Hindi naman niya maabot kaya nilapitan ko at umiling. Kinuha ko yung basura at ako na mismo ang nag tapon. Kinarga ko si Fero at nakatulog naman ito. Buti pa siya kayang mag intake ng sweets. Ako kase ahmm... mahirap iexplain.

     Dumiretso kami sa office ng iannounce na kailangan kaming sampu. Pumasok kami at nakita namin yung lalaki na nakaaway namin.

"Sila ba yung sinasabi mong inaway ka?" tanong sa kanya ni Principal.

"Yes sir." sabi niya at agad naman siyang nag smirk saamin.

"Well then, magsi upo kayo." sabi ni Principal. Hindi naman mawari kung papagalitan kami or hindi sa expressyong ipinapakita ni Principal.

"Uhm.. sir sabi niyo po tatawagin niyo yung top 10 diba ho?" tanong ni bakla.

"We are the top ten." sabi ni Stephanie na pikon na pikon.

"Really? Kayo ang top ten?? Hahahaha oh my god!! Hahahaha." sabi niya kaya nag taka naman si Principal sa inaasal nung bakla.

"Yes sila ang top ten may problema kaba roon?" sabi ni Principal kaya naman napatigil siya sa pag tawa.

"Guys I want you to meet Elizar Ice Collter." sabi ni Principal na agad naman kaming umirap.

"Bakit ganyan ang reaksyon niyo?!" sabi ni Principal at agad na inexplain ni Alessia ang nangyari. Napatango naman si Principal at sinabihang mag pakilala kami sa kanya.

"I'm Stephanie Rieane Holston, Level 8 student, warrior mage." sabi ni Stephanie

"I am Zinnea Flaire Demonstia, level 10 student ahm... specialty is fire and a partial amount of ice magic." sabi ni Zinnea.

"I'm Mark Holston, level 8, mage." sabi ni Mark na inis na inis ng dahil sinaktan ng lalaking iyon ang kapatid niya

"I'm John Louis Mayhem. Level 8 healing magic."

"I am Alessia Gazania. Level 8 student and my specialty is Garden Magic."

"I'm Kayden Hayes. Level 8 student specialty ice and water."

"Alyssum Sweet. Level 8 and a warrior mage."

"Sawyer Gavin Pratt. Level 7 student specialty electricity."

"I am Floss Roseum. Level 7 specialty music." sabi ni Floss. Mag sasalita na sana ako kaso biglang sumingit yung Elizar na yun.

"Principal hindi naman sa nag dodown grade ha pero ito na ba yung ipinag mamalaki mong top ten?? Puro level 8 and 7 lang??? Ang narinig kong highest rito is level 10." sabi niya na parang hindi siya contented sa mga pagpapakilala nila.

"I want to challenge the girl na hindi pag nag papakilala into a friendly match. Lahat ng battle pwede." mayabang niyang sabi.

"You made a wrong choice bruh." sabi ni Kayden.

"I accept your challenge." simple kong sabi na ikina smirk niya.

"Mertensia pag isipan mo muna yung desisyon mo." sabi ni Principal at tinaas ko lang ang kamay ko dismissing him.

"I'm Mertensia Crystal Angelistia. Top 1 level 15 at your service." sabi ko at lumaki naman ang mata niya ngunit muli rin namang bumalik sa normal. Siguro inaakala niya na mahina lang ako since ako yung last na nag pakilala.

"Magkita tayo 2 days from now sa Arena." sabi ko at tumayo na habang karga karga parin si Fero. Bago ako tuluyang maka aalis may sinabi muna ako sa kanya.

"See you there." makapanidig balahibong sabi ko sa kanya.

Holy KnightWhere stories live. Discover now