<Knight 14>

8 2 0
                                    

A Duel It Is

Mertensia's POV

     Nakalipas na ang dalawang araw at ngayon ay nasa backstage kami ng arena kung saan nag hahanda na ako.  Ang battle na mangyayari ay mixed. Kumbaga pedeng elemental at pede ding summoning lang. Bahala na sa maglalaban yun. Maririnig mo ang hiyawan sa loob ng arena ng dahil isang Top 1 at isang bagong estudyante ang maglalaban. It will be interesting dahil hindi ko alam ang element niya samantalang siya ay malamang ay nag tanong ito sa mga estudyante rito. Pero alam niya ay isa akong ice type. So I will just have to play according sa pinaniniwalaan niya.

     Mga ilang sigundo ang nakalipas ay lumabas na kami sa arena at nakita ko siya na nakasuot ng normal uniform. BTW required na suotin ang uniform pag maglalaban pati yung cape kung may posisyon siya. Samantalang ako ay suot ko ang battling uniform ko. Yun ang isa sa advantage ng mga nasa top.

    Nag simula ang laban namin sa isang malakas na pito. Siya ang unang umatake saakin ng ice dome. Nakulong ako sa loob. Kung normal na tao lang ito at hindi isang ice type ay mangangatog at mahihimatay ako sa lamig kaso isa rin akong ice type.

     Ginamit ko ang apoy ko at tinunaw ang yelong nakapaligid saakin. Nagulat ang lahat ng mabalot ako sa usok. Lumabas ako ng may apoy sa kamay ko. Lalong nag hiyawan ang arena ng malaman na dual wielder DAW ako. Napatawa na lang ako. Nilabas na niya ang weapon niya na isang spear pati na rin ang familiar niya na isang batang babae na dragon. Sinugod niya ako ng walang alinlangan at sinubukang saksakin. Tumatalon at umiiwas rin lang ako. Nag boo na ang mga tao sa arena kaya naman nung napagod siya lumayo ako at sinummon ang bow and arrow na natutunan ko. Isa itong Golden Rod Bow. Isa rin sa mahirap imaster na spells sa mundong ito. Gumawa na rin ako ng quiver at pinuno ito ng crystal arrows. Nang makahinga siya ng maluwag sumugod ulit siya kasama ang familiar nila. Una kong tinira ang paa niya. Saka tinira siya kapag tumatalon siya sa ere.

     Sinubukan akong kagatin ng dragon niya ng maipang sanga ko ang bow ko. Kinagat niya ito at hinila papalayo. Wala akong oras para gumawa pa ng isang bow. Kaya naman sinummon ko na si Fero. Lumabas si Fero na isang batang lalaki. Nakita niya ang bow ko na hawak nung batang babae na dragon. Nilapitan niya ito at nilagyan ng ice dome. Binutasan niya ung dome at kinuha ang bow ko. Samantalang si  Elizar naman ay hinihingal na. Winasiwas niya ang spear niya saakin kaya naman ng mahawakan ko ito inagaw ko ito sa kanya at tinunaw ang bakal ng spear. Bumalik sa elemental ang battle namin. Fire parin ang element ko. Nagulat na lang ako ng maglabas siya ng Acid Rain sa arena. Buti na lang at covered ang audience. Lahat ay nanonood sa gagawin kong sunod. Wala na akong choice kung hindi ilabas ang iba kong elements.

Elizar's POV

    Medyo natakot na ako ng biglang mamuti ang puwesto ni Mertensia at tumigil ang Acid Rain na ginawa ko. Dual Wielder din ako. Ice and water ang elements ko. Nang mawala ang nakakasilaw na ilaw na pumalibot kay Mertensia pumalit ang isang babae na may mala crystal na buhok at puting fitted dress na may snowflakes sa dulo. Ano bayan nakuha pang mag damit ang babaeng ito sa gitna ng laban. Nagulat ako nang may sumipa ng malakas sa likod ko at napadausdos ako sa sahig. Lumingon ako at nakita si Fero ang sumipa saakin. Inatake ni Miya si Fero at hinawakan ito sa lapag. Nahulog sa isang portal si Fero at lumitaw sa gilid ni Mertensia.

     Lumitaw din sa gilid niya si Miya na ikinagulat ko. Napaligon ako sa puwesto nila kanina at nakita na andun parin si Miya. Sumugod ang pekeng Miya kay Miya at tumigil sa harap nito. Nalito si Miya kaya naman ginaya nung pekeng Miya lahat ng ginawa ng Miya ko. Biglang sinampal ni Miya ung peke at nawala ito. Sinugod ko na si Mertensia ng buo kong lakas at ginawang yelo na sword ang kamay ko. Hindi naman siya natinag ng malapit na ako sakanya. Sasaksakin ko na sana siya ng matigil ako sa gitna ng ere. Naguluhan ako kaya naman tinignan ko si Mertensia sa mata. At iyon ang aking pagkakamali.

Alessia's POV

    Napatigil kaming lahat ng mabalot si Elizar sa isang force field. Katulad ito sa ginawa ni Mertensia dun sa mga wolf na nakasagapa namin. Tingnan niya si Mertensia sa mata at agad siyang gumalaw na para bang pinipilit siya na saksakin ang sarili niya. Nasugatan na ni Elizar ang sarili niya kaya naman tinanggal na ni Mertensia ang force field. Hindi na makagalaw si Elizar ng binalutan siya ng yelo ni Mertensia. At doon natapos ang laban nilang dalawa. Alam kong hindi iyon ang buong lakas ng Top 1 namin. Para bang pinag lalaruan niya lang ang kalaban niya. Inunsummon nila ang familiars nila at umalis si Mertensia sa arena. Sinalubong namin siya sa labas at nakita namin siya na nag palit ng damit at binalot uli siya sa nakakasilaw na liwanag.

     Kinongratulate namin siya at tumango lang siya. Nakita ko rin na may sugat siya sa kamay. Nilapitan ko siya at binalutan ng panyo ang kamay niya kasi nag dudugo na ito. Ngumiti ako sakanya at binalik niya lamang ito saakin. Nagulat ako ng magliwanag ang panyo na ibinigay ko at ng tinaggal niya ito wala na ang sugat. Kumindat siya saakin at bumalik sa kaniyang dorm.

"Woowww Alessia paano mo nagawa yun?? Dual Wielder karin ba katulad ni Mertensia???" namamanghang tanong saakin ni Louis.

"Hindi siya dual wielder Louis. Isa iyon sa element na kayang ikontrol ni Mertensia." sabi ni Alyssum ng walang gana. Napatango na lamang kami sa narinig.

"Ano ano kaya ang kaya niyang iwield na elements ano?" wala sa sarili kong tanong.

"Hindi ko alam Alessia... hindi ko din alam." sabi ni Alyssum na ipinagtaka namin. Bumalik na lamang sila sa mga dorm nila at napagpasyahan na tanungin si Mertensia kung ano ano pa ang kaya niyang iwield na power or ability. Ngunit hindi ko na rin na tuloy dahil inaantok na rin ako. Kaya bumalik na lamang ako sa dorm at natulog.

Holy KnightWhere stories live. Discover now