A Threat?
Kayden's POV
Kasalukuyang nasa office parin kami simula noong umalis si Mertensia ay kanina pa hindi mapakali si Principal. Nakatulala ung Elizar habang si Principal nag iisip ng malalim.
"Alam ko na hindi ko na lang papayagan ang battle na iyan." sabi ni Principal na para bang hindi siya Principal ng school na ito. Umirap si Stephanie at nag salita.
"Hindi ba ikaw yung gumawa ng rule na bawal kang makielam pag pumayag ang dalawang panig sa battle?" sabi ni Stephanie habang tumitingin sa kaniyang kuko.
"Oh right." sabi ni Principal at nanlumo na lamang.
"Malay ko bang siya yung pinakamalakas sa inyo...." sabi niya.
"Dapat kasi hindi mo inuunahan ung tao. And don't judge a book by it's cover." sabi ni Zinnea at inirapan si Elizar.
"Sige na umalis na kayo. I will do something about the battle." sabi ni Principal. Tumayo na kami at lumabas ng office. Kasabay naming lumabas si Elizar na kalmado lamang.
"Himala at ang kalmado mo naman masyado." sabi ko sa kanya at inirapan ito.
"Well thye damage has been done so accept nalang. And besides it will be a great experience for me." sabi niya habang nililibot ang kanyang paningin. Umalis siya roon at mukhang maglilibot muna siya sa school hinayaan nalang namin siya at umalis.
Dumiretso muna kami sa mga dorm namin habang hinahanap si Mertensia. Noong hindi talaga namin siya makita pumunta na kami sa mga nag liligpit ng mga booth at tumulong. Halos patapos narin kasi ng Foundation week kaya naman onti na lang ang mga tao. Nag bababa na kami ng mga banners at mga confetti poppers ng mag pakita si Mertensia na buhat buhat yung bata. Sayang.... may anak na si Mertensia tapos hindi ko pa napanood yung battle niya ng dahil kinaylangan ako sa isang booth. Haysttt..... anyways, binaba ni Mertensia ang batang karga karga niya at tumulong sa paglinis. Umupo naman ung bata sa bench na malapit at pinagmasdan kami.
Nakita kong lumapit si Elizar sa batang lalaki at nakiupo rin. Makikita mo na naging alerto ung bata kaya naman tumayo na ito at lumapit kay Mertensia. Nagulat ako ng magkaroon ng usok sa tinatayuan ng bata at pumalit ang isang brown na fox na may siyam na buntot na ang dulo ay kulay puti. Umakyat ito sa ul ni Mertensia at doon na tulog. Napaling naman si Mertensia at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Habang si Elizar naman nagulat dahil nilayasan siya ng isang bata.
Natapos rin ang pagliligpit namin ng mga booth at napagpasyahang kumain sa Cafeteria. Dumiretso kami sa taas ng Cafeteria kung saan mo makikita ang isang cafe. Dito kami langing tumatambay kapag kakain kasi wala masyadong tao. At iniiwasan namin ung Elizar na yon. Nagulat kami ng makitang bumibili na ito ng pagkain na para bang hindi hiningal at umupo sa tabi ni Mertensia. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Mukhang hindi niya ito napansin at kumain na lang. tumayo na ang iba para umorder ng kanilang pagkain at naiwan kaming dalawa ni Elizar sa table.
"Layo-layuan mo nga si Mertensia." bigla kong sambit sa kanya na ikinagulat niya. Binaba niya ang kutsara at nagpunas ng bibig. Bakla talaga.
"At bakit ko naman gagawin iyon? Boyfriend kaba niya?" tanong niya saakin at sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo boyfriend niya ako. May reklamo ka?" sabi ko ng may seryosong tono at ngumiti naman siya ng maloko.
"Let's see about that." sabi niya at pinagpatuloy niya ang pagkain niya. Kuwinelyohan ko siya habang may pamatay na tingin.
"Anong ibig mong sabihin?!" tanong ko sakanya at ngumiti lang siya.
"What are you guys doing?" tanong ni Mertensia kaya naman nabitawan ko siya ng dioras at umupo ng ayos. Inayos niya ang kaniyang damit at nag salita.
"Well naguusap lang naman kami ng boyfriend mo. Kinakamusta ko lang naman kung gaano na kayo katagal and stuff." casual niyang sabi at umupo naman si Mertensia sa tabi nung Elizar.
"For your information wala akong boyfriend. And besides lagot ako sa kuya ko pag nag kataon." sabi niya habang sinusubuan ung batang naging fox. Mukhang nag mana ung bata sa kanyang nanay na malakas.
"Wala kang boyfriend kasi may asawa kana?" sambit ko habang inirap ko ang aking mga mata. Natanga naman si Mertensia at tumawa silang lahat maliban saaming dalawa ni Elizar.
"Excuse me?! Wala akong asawa nor boyfriend." sambit niya habang natawa.
"Edi kaninong anak yan?" sabi ko habang tinuturo ang batang kumakain ng cake ngayon. Lalong lumakas ang tawa nila habang lalo kaming natanga ni Elizar.
"Yan kasi hindi ka nanuod ng laban ni Mertensia. Hindi niya yan anak!" sabi ni Alessia habang natawa. Paanong hindi niya anak yang batang yan?!
"I am a familiar for your information mister." sabi ng bata na ikinagulat ko. Napa-oh nalang ako at umorder ng aking pagkain. Napahiya pa tuloy ako. Umorder ako ng steak at kumain na sa table namin. Kaya pala nakapagtransform siya na bilang fox.
"Anyways, Fero kailangan mo ng bumalik sa realm mo. Mag paalam kana sakanila. I'll summon you if I need you." sabi ni Mertensia sa bata at tumango na ito. Nag punas lang siya saglit, pero madungis parin siya. Tumayo na siya at kumaway saamin. Lumapit si Mertensia kay Fero (daw) at pinunasan ng maayos yung bata.
"I'll miss human food." bigla niyang sambit nanagpangiti saaming lahat. Nagpaalam na kami sa kanya at nagkaroon ng malaportal sa ilalim ng kaniyang paa at nawala na siya.
Nagligpit na kami ng aming pinagkainan at bumaba na rin. Mga lang saglit ay nagbalikan na rin kami sa mga dorm namin pero bago ako pumasok nakita ko si Elizar na nag lalakad papunta sa dorm ni Mertensia. Sinundan ko siya kaso bigla siyang tumigil kaya naman nanahimik din ako. Kakatok na sana siya ngunit hindi nalamang niya tinuloy at tumalikod saktong nakita niya ako.
"Oh, Kayden! Anong ginagawa mo rito?" sabi niya at nag cross arms ako.
"Layu layuan mo si Mertensia." sabi ko sakanya. Napangisi lang siya kaya naman nag cross arms den siya.
"At bakit ko naman gagawin iyon?" tanong niya na mapang asar.
"Basta layuan mo siya." sabi ko sakanya at nag lakad na paalis. I can't believe he has the guts na lapitan si Mertensia. Nagdadabog akong bumalik sa dorm at pumasok sa loob at nag hilamos. Pag tapos noon natulog na ako. Kailangan ko ng maraming enerhiya upang itaboy ung lalaking un.
YOU ARE READING
Holy Knight
Fantasy1 world, 2 different kingdoms and 2 rivals. Ito ang ginagalawang mundo ni Mertensia at Zinnea. Isang mundo na akala mo ay galing sa panaginip lamang. What will happen as the revelations unravel along the way? Will they meet new friends? Or meet ene...