Mertensia's POV
Kasalukuyan kaming nagiimpake para sa pag punta namin sa Melodius Kingdom kung saan nakatira si Floss. Sinabi din niya saamin na mag dala ng gown dahil mag hahanda ng welcome party ang mga magulang nito. Sinabi din saamin ng principal na mag handa kasi malamang sa malamang ay pupunta ang mga fairies para subukan na kunin ang Music gem na ididisplay nila sa gitna ng ballroom bukas. Matapos mag impake ay nag kita kita kami sa gate ng school at sumakay muli sa carriage.
"So Floss anything to expect so that we can prepare?" tanong ni Alyssum. Hindi naman sumagot si Floss at nakatunganga lang ito. Napatingin naman kami kay Sawyer na nakatulala rin lang.
"FLOSS!" sigaw ni Alyssum kaya nagising naman ito sa pag katulala at napa tingin saamin na takang taka.
"Sabi ko kung anong ieexpect namin kapag nakapunta na kami dun sa palasyo niyo." sagot ni Alyssum sa nag tatakang mata ni Floss napa aah si Floss at sumagot.
"Siyempre may party pag dating doon. Tapos may kapatid akong makulit na lalaki. Then magingat kayo baka mabasag niyo ung glass instruments sa music room at yun lang." sabi ni Floss at napatango lamang kami. Pumikit na ako at dumating at bumisita sa antok.
Kayden's POV
Yun oh!!! Nag ka POV din ako!! Hi girls! Ahem. Anyways, kasalukuyang natutulog ang aming leader na si Mertensia habang si Sawyer ay nakatulala parin at yung mag kapatid ay nag babangayan sa likod. Kinalabit ko si Sawyer at napatingin ito saakin.
"Anong nangyari sa inyo ni Floss?? Nakapag usap naba kayo?" pachismoso kong tanong. Malungkot siyang tumingin saakin at umiling. Naawa naman ako sakanya kaya binatukan ko siya. Na pa aray naman ito at humawak sa batok niya.
"Alam mo pare di bagay sayong mag drama." simpleng sagot sakanya at napa tss nalang siya.
Makalipas ang isang araw na pag biyahe ay naka rating kami sa Melodius Kingdom. Makikita mo ang mala music notes na tore at ang mga musikang tumutunog sa malayo. Bumaba kami sa carriage at may kumuha ng mga baggahe namin. Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ng hari at reyna ng palasyong ito. Niyakap ni Floss ang kaniyang mga magulang at nag bow nalang kami. Pinatuloy muna kami sa mga kuwarto at pinag pahinga.
"So guys. Mag pahinga na muna tayo.... baka mamaya ay dumating nga rito ang mga fairies. Mukhang wala ding kaalam alam yung mga magulang mo sa mga nawawalang gem. Kailangan nating maprotektahan ang huling gem na iyon kung hindi... mahihirapan na tayong sirain ang Circle of Magic kahit ba wala ang gem of Creation ay mas malakas pa ito sa pinagsama samang mahika ng ating mga guro sa school. Kaya kahit anong mangyari keep an eye on that gem." cold na sabi ni Mertensia. Kahit kelan talaga hindi ko pa siya narinig na mag salita tungkol other stuff maliban kung tungkol ito sa misyon. Mostly tahimik lang siya at parang laging malalim ang nasa isip.
Natulog kami ng mga ilang oras at gumising ng 6 o' clock at nag ayos para sa magaganap na party mamaya. (A/N: yung mga itsura ng gown nila sa next chapter na para hindi sagabal sa story time) Nagsuot ako ng puting tux at may pulang bow nanakatali sa aking leeg. Si Saywer at Mark naman parehas na black habang si Louis ay puti din ang kaniya. Pinuntahan ko ang mga kuwarto ng girls kung saan makikita mo ang nag tatakbuhang mga maid sa loob habang inaayusan ang mga babae. Si Alessia ay naka sunflower dress, si Stephanie naman ay naka mermaid style gown, Si Floss ay may suot na g-clef strap gown, si Zinnea ay may suot na ombre red to white gown, si Alyssum naman ay naka gray gown, habang si Mertensia ay naka gold gown. Iba iba din ang mga tali nila. Ang nakakaiba lang sa kanilang lahat ay si Mertensia naka fingerless gloves na black at mukhang cinococeal nito ang lakas ng mahika na lalabas sa katawan ni Mertensia.
Nag lakad kami ng by partner habang si Floss at Mertensia ang nangunguna sa pag lakad. Sinalubong kami ng parents sa ballroom entrance at pinakilala sa mga guest. Makalipas ang ilang minuto ay tinanggal nila ang takip na tela sa lalagyanan ng Music Gem at namangha ang mga nanonood. Nag simula ang musika at maraming mag partner ang sumataw ng waltz sa gitna ng ballroom. Makikita mo rin na ginagamit ng mga musicians ang glass instruments. Sa totoo lang ang mga glass instruments ay isang uri ng weapon kapag ginamit ng royalty pero kapag mga tao lang ang gumamit nito ay parang normal na instrumento lang ito.
Niyaya ko si Alessia na mag sayaw sa gitna at napag planuhan na hanapin ang fairies at mapalapit sa mga puwesto nito habang sumasayaw.
Mertensia's POV
Napagplanuhan nina Kayden na mag sayaw upang makalapit sa mga fairies at nauna nang sumayaw. Gumaya din naman si Louis at Alyssum, Mark at Stephanie habang wala namang magawa si Floss kung hindi sumangayon kay Sawyer. Habang sumasayaw sila nag iikot ako sa ballroom kung saan puwedeng tumakas ang mga fairies kung sakaling andirito sila. Nagulat ako ng may humarang saakin at nag tanong kung puwede ba kaming mag sayaw.
"Bakit mo naman gustong makasayaw ako?" tanong ko sakanya at sumagot ito.
"Dahil nabighani ako sa iyong kagandahan binibini." sagot nito saakin at napairao na lang ako sa aking utak at ngumiti rito.
"Kung gayon ano ang iyong pangalan ginoo?" tanong ko sa kanya. Ano bayan na papasabak tuloy ako ng malalim na tagalog.
"Ako nga pala si Prinsipe Timothy Fairiana. Prinsipe ng Garden Kingdom." sagot niya saakin. Nagulat ako pero walang pinakitang emosyon sa panglabas.
"At ano naman ang iyong pangalan binibini?" tanong niya saakin sinagot ko naman ito.
"Ako si Crystal." maikiling sagot ko.
"Ano ang iyong buong pangalan binibini?" hindi ko siya pinansin kaya napangiti na lang ito at nag alay ng kamay na agad ko namang tinanggap. Isa na itong pag kakataon upang maka sakop ng impormasyon tungkol sa Garden Kingdom. Nag bago ng tugtog at nag simula kaming sumayaw at napansin konaman na palapit na palapit kami sa gitna kung saan andoon ang gem. Kung titignan mo kami sa malayo ay aakalain mo na nakatigin saakin si Timothy pero sa totoo lang sa gem siya naka tingin. Oh my gosh. Could he make this anymore obvious??
Nag sayaw kami ng nag sayaw hanggang sa nag kuwekuewnto na siya tungkol sa kaniyang palasyo. Hindi niya sinasadyang mabanggit ang Circle of Magic pero nagulat lang siya sa kaniyang sinabi at iniba ang topic ng tinanong ko naman ito sakanya itinaggi niya lang ito. Patuloy kaming nag sayaw hanggang sa tumigil ang musika at namatay ang ilaw. Nawala naman ang presenya ni Timothy sa tabi ko kaya napag halataan kona kukunin nanila ang gem. Naka ramdam naman ang aking mga kasama at nag cast ng light spell si Mark. Hindi muna ako puwedeng mag cast ng kahit anong mahika dahil makaka halata ang fairies na nakapigid rito. Agad na nag liwanag at nakita si Timothy na binubuksan ang lalagyanan ng gem. Agad na tumakbo si Floss sa glass instruments at nag patugtog ng paralysing spell patungo sa mga fairies na naririto. Agad na naapektuhan si Timothy at napatigil sa pag bukas ng lalagyanan. Lumapit ako at bumulong rito habang nagcacast ng chain spell.
"Hindi ba kanina gusto mong malaman ang buo kong pangalan? Pwes, ako nga pala si Mertensia Crystal Angelistia. Prinsesa ng Artesia World. And you are under arrest mister." sabi ko sa kanya na agad na namutla sa takot.
YOU ARE READING
Holy Knight
Fantasy1 world, 2 different kingdoms and 2 rivals. Ito ang ginagalawang mundo ni Mertensia at Zinnea. Isang mundo na akala mo ay galing sa panaginip lamang. What will happen as the revelations unravel along the way? Will they meet new friends? Or meet ene...