Here we go!!
Mertensia's POV
Kasalukuyang naglalakad kami papunta sa gate ng aming school. May dala kaming mga maleta na ang dami ay akala mo pinaglayas kami ng bahay. Pinasakay kami sa isang karwaheng magic powered at ihiniwalay ang mga maleta namin sa dami. May kinuha kang kaming ilang importante katulad ng aming capes at inilagay sa mga maliit na bag na dala namin incase na may mangyari. Suot suot na rin namin ang mga gown at mask na aming gagamitin para sa birthday ng prinsesa ng Garden Kingdom. Lahat kami ay nakagold motif at may design sa dulo ng gown namin na nagsasabi kung anong magic type kami. Ito ay ang aming sinuot noong coronation ni Zinnea.
Makalipas ang isang araw halos ay nakarating kami sa Garden Kingdom. Bumaba kami at nag ayos saglit ng sarili saka pumasok sa loob ng palasyo. Nakita naming magsisimula palamang ang ball kaya humanap na kami ng maupuan. Nakita ko rin banda sa throne area ay walang nakaupo sa dalawang upuan roon. Makikita mo rin ang hari at reyna na masama ang tingin na ipinupukol saamin. Kumuha kami ng kakainin at nag simulang kumain. Pag katapos noon ay marami nang nagsidatingang bistita at winelcome naman iyon ng hari at reyna. Hindi katulad ng pag welcome nila saamin na masama ang tingin. Mga ilang saglit ay namatay ang ilaw sa ballroom at napunta ang spotlight sa may throne area banda at makikita mo ang prinsesa roon.
"Around of applause for the Birthday celebrant. Princess Felicity!" sigaw ng MC at nag palakpakan ang mga tao rito. Bumaba siya sa stage at sumayaw kasama ng escort niya na si Kayden. Di din namin alam, bigla nalang siyang hinila sa gitna ng isang guard. Kaya wala siyang choice. Nag sayaw sila sa gitna ng waltz at in the end nag bow sila. Nag speech saglit si Felicity at pinasimulan na niya ang sayawan. Maraming tao ang nag punta sa gitna upang sumayaw habang kami ay nagiikot upang tignan ang mga display nila ngayon. Lumapit saamin si Felicity na nakakapit sa braso ni Kayden na pikon na pikon at halatang gusto nang kumalas kay Felicity pero hindi niya magawa. Napatingin naman saakin si Kayden kaya nakitingin lang rin ako. Napansin iyon ni Felicity kaya dinistract niya kami.
"Soooo what do you guys think about sa decorations and display?" maarteng tanong niya saamin. Napalibot ang tingin ko at napansin na wala ang mga gems rito. So mukhang nasa vault nila iyon. Na senyasan na namin si Stephanie kanina na siya ang mag proprovoke kay Felicity na mag dala saamin sa vault nila.
"Ang cheap ng decorations and display niyo. Puro bato lamang at simpleng streamers lang ang nakalagay. Wala na ba kayong yaman sa vault niyo?" mapangasar na tanong ni Stephanie na ikinainis naman ni Felicity.
"Ugh. Yung mga batong sinasabi mo ay dragon ores na galing talaga sa Dragon Island. And if you are saying na cheap ang palace decorations namin ngayon, I will bring you to MY vault para ipakita ko sa inyo ang yaman namin." sabi niya. Mukhang iba iba ang vault per member of the family sa sinabi niya. Umalis kami sa party at bumaba sa isang mala dungeon na style ng hallway. Nakarating kami sa dulo at duon namin nakita ang nagiisang vault nanapakalaki ng pintuan. Binuksan niya iyon at tumabad saamin ang ginto at pera na nakaayos. Ngunit wala parin ang mga gems. Nag simula na kaming magduda.
"So sayo lang tong vault na ito?" tanong ni Zinnea at umiling naman si Felicity.
"Hate to break it to you but it's my parent's vault. Maliit lang ang vault ko. Which only contain my necklaces and crowns and other accessories." sabi niya at nag shrug siya saka pinasara sa mga guard ang vault. Bumalik kami sa taas at ipinagpatuloy na lamang namin ang party at napagisipan na sa school na lang kami magusap usap. Kinuha ko ang shoulder bag ko at kumuha ng isang salamin roon. Hindi ito ordinaryong salamin dahil pagtinutok mo ito sa isang tao ay malalaman mo kung anong nasa isip niya. Hinanap ko ang princesa at lumabas sa mirror na wala talaga ang gems rito at masaya siyang kasama niya si Kayden kaya napairap na lamang ako. Nag paalam naman saakin si Sawyer na aalis lang siya saglit tumango na lamang ako at ibinalik ang salamin sa bag ko.
Inalok akong mag sayaw ng maraming lalaki pero tumanggi ako. Hangga't ngayon ay nag sasayaw parin sila ni Kayden sa gitna. Nailing naman ako kasi yung iba kong kasama ay kain lamang ng kain. Except kay Stephanie na todo and pag sayaw kasama ng iba't ibang lalaki na puro fairy. Mukhang marami siyang kinakalap na impormasyon. Nag iikot naman ako sa mga display upang tukuyin kung tunay nga ang mga ores dahil mahirap ito makuha. Nagulat ako ng biglang sumulpot sa likod ko si Elizar na malamig ang tingin saakin. Tinawag ko siya at sinabing kailangan naming magusap.
"Anong paguusapan natin Crystal?" tanong niya saakin at ipinagtaka ko ang pangalang nabanggit niya.
"Bakit? Crystal ang second name mo diba?" sabi niya na ikinatango ko.
"What happened to you? Bakit nag iba ang ugali mo agad?" tanong ko sakaniya na ikinagulat niya. Napaisip siya ng malalim at mukhang hindi siya sasagot.
"And stop calling me Crystal. Hindi tayo close Ice." sabi ko sa kanya na mukhang ikinainis niya dahil sa pangalang binaggit ko.
"Stop calling me that too. Hindi ako yung taong nakasalamuha niyo noong nakaraang mga araw. That was my clone." sabi niya saakin. Napatango ako at sinenyasan na magpatuloy sa kaniyang sasabihin.
"My father sent that clone to see kung maganda ba ang school na iyon para sa akin. Nang makumpirma na maayos ang school na iyon ay ako na ang pinadala niya para magaral." sabi ni Ice.
"So this is the real you? Not the clone?" mapangduda ko siyang tinignan at umiling na lamang siya.
"Now that you know the truth. May I have this dance my lady, so we can start again?" sabi niya saakin na tinaggap ko naman at nag sayaw kami sa gitna ng ballroom. Napatingin ako kina Felicity na kinakausap si Kayden pero nakatingin lamang ito sa amin. Masama ang tingin sa amin ni Kayden kaya umikot ako upang hindi makita ang masama niyang tingin.
"So uh... May I ask kung ano ang ginawa ng clone na Elizar sa inyo?" nahihiya niyang tanong saakin habang nagsasayaw parin.
"Oh you wouldn't want to know." sabi ko sa kanya at kwinento. Tumatawa lamang ako habang siya ay nahihiya na sa akin dahil sa pinag gagawa ng clone niya.
"Next time talaga hindi ko na ipapagawa iyon kay Dad." sabi niya sa akin at nahihiyang ngumiti. Natawa na lamang ako at natapos na ang kanta nag bow na lamang kami sa isa't isa.
"It was a pleasure dancing with you my lady. May I have your second dance?" muling tanong ni Ice saakin. Tinaggap ko na lamang ito kesa naman mabulok ako dun sa table namin na walang ginagawa. And besides it is time to have a little fun for myself.
----------------
A/N; heyyy guuyyysss!!! Sorry ang tagal kong mag updaateeeee. But thank u for supportung Holy Knight!!!! Please support Disguised Gangster as well!!!! Thank u for reading this chapter and see you at the next oneee!!!
YOU ARE READING
Holy Knight
Fantasy1 world, 2 different kingdoms and 2 rivals. Ito ang ginagalawang mundo ni Mertensia at Zinnea. Isang mundo na akala mo ay galing sa panaginip lamang. What will happen as the revelations unravel along the way? Will they meet new friends? Or meet ene...