The Truth (Foundation Day Part 2)
Alyssum' POV
Patapos na rin ang foundation week. Kaya laban ko na huhuhu.... pero anyways tapos ko narin naman siya. Hehehehe. Siyempre nanalo ako!!! Pati narin ang mga kasama ko. Ngayon ay naghahanda na si Mertensia para sa laban niya. Siya na rin ang huling laban for this day. Kaya punong puno ang Arena. Laban kasi ng Rank 1 eh. Ang battle na mang yayari ay isang Elemental at Summoning Battle. Hindi lang sinabi ng MC kung anong klaseng summoning battle ang mangyayari. Pero alam ng mga tao rito na ang kalaban ni Mertensia na si Jihua ay isang magaling an summoner ng mga monster at weapon.
Lumabas si Mertensia na walang dala habang si Jihua naman may kasama namang familiar at isang spear. Nakita ko nang mag replicate ng magic si Mertensia kaya medyo nakakatakot minsan. Nagsimula ang battle noong nag bow sila. Iniikutan ni Jihua si Mertensia na nakasteady lang sa gitna. Nanahimik ang Arena ng biglang tinira ni Jihua si Mertensia. Tinira ng fire wave ni Jihua si Mertensia na inilagan niya lang. Nagboo naman ang mga tao dahil puro ilag lang si Mertensia. May sinabi si Jihua kaya noong sinubukan niyang tamaan si Mertensia nasalo ito ni Mertensia naagad namang ikinalaki ng mata nung Jihua. Nag summon si Mertensia ng Fire wave kaso imbes na kulay pula ang apoy. Blue ang kulay nito na agad namang ikinalaki lalo ng mata ni Jihua. Ng nakailag ito nawala ang familiar na kasama nito. Sinummon niya ulit ito na agad siyang nag hina kasi maraming enerhiya ang kailangan upang mag summon ng ganito. Sinummon din ni Mertensia ang familiar ni Jihua. Bali dalawang Tigrus Angel ang nasa gitna. Kaya yun ang tawag namin doon dahil muka siyang tiger na may pakpak.
Nagulat si Jihua at inutusan ang Tigrus Angel nasugurin ang familiar ni Mertensia. Hindi gumalaw ang sinummon ni Mertensia ng kakalmutin na nung kay Jihua lumipad ang familiar niya at ung kay Mertensia ang kumalmot. Nag disappear ung kay Jihua na agad namang nag cheer ung mga tao. Inunsummon ni Mertensia yung Tigrus Angel. Inwinaswas ni Jihua ang spear niyang naging double ended. Nagsummon si Mertensia ng Bow and Arrow na ginawa ko. At pinatamaan ang babae. Dumaplis ito sa kaniyang buhok na agad niya namang kinatili. Sinugod niya si Mertensia at nawala si Mertensia sa focus ng sumigaw ito. Pinangsagga ni Mertensia ang bow kaya naman na take aback si Jihua sa force na nilabas ni Mertensia. Inunsummon niya ang bow and arrow at nag labas ng isang sword na malagitnong crystal na may white gem sa hawakan nito. Isama mo pa yung awra ngayon ni Mertensia at ng kaniyang espada.
"B*TCH!!!!" sigaw ni Jihua at sinugod si Mertensia ng ilang mastery skill na kailangang iperfect siguro ng mga 5 taon. Binlock lang ni Mertensia ang mga blow na binibigay ni Jihua. Ng mapagod si Jihua si Mertensia naman ang sumugod. Una niyang tinira ang ulo ni Jihua. Pinangsangga naman ni Jihua ang kaniyang spear. Nagusap ulit sila, mamaya nagalit lalo si Jihua at nag summon ng iba pang monster na fire related. Una niyang nilabas si Halujia na isang demon fairy, sunod ay isang Flaire animal na mukhang fox pero mas makikita mos siyang isang wolf. Gulo diba?
Sinugod ng mga sinummon ni Jihua si Mertensia na kampante lang na naka tayo roon. Ng malapit na ito, nilagay niya ito s aforce field kaya nag mukha silang tumigil sa oras. Nilapitan niya ang force field at tinignan sa mata yung Flaire animal. Gumalaw ito at triny umalis sa force field. Tinignan ulit ni Mertensia yung Flaire animal at nanahimik ito sa loob. Umiling iling ito at naupo. Sunod namang tinignan ni Mertensia si Halujia. Gumalaw ito at bumuga ng apoy ngunit walang epekto iyon sa force field. Tinignan ulit ni Mertensia si Halujia at nanahimik ito at parang nahiya. Tinaggal niya ang force field at walang sumugod sa kanya. Bumalik lang ung dalawa sa amo nilang namumula na sa galit.
Sinummon ni Mertensia ang satingin kong totoo niyang familiar. Nag karoon ng puting liwanag sa espada ni Mertensia at nawala ang espada sa halip pumalit ang isang kulay brown na fox at ang buntot niya ay nasa siyam na ang dulo ay kulay puti. Umakyat ito sa balikat ni Mertensia at umupo roon.
Mertensia's POV
Sinummon ko na ang nagiisa kong familiar na kung tawagin ko ay Fero. Nagiisa lang siya dahil para saakin si Fero na ang pinakamagaling bakit? Kasi kapag gumalaw ito at napakagaan at mahirap mapredict ang galaw nito which is very rare para sa ibang familiar. Lumapit si Jihua at sinugod ako. Hindi ako gumalaw pati nga si Fero ang steady lang ng mukha eh. Nadaplisan niya ako sa braso na agad namang namangha ang tao sa Arena. Sinubukan niya ulit akong daplisan ng kumapit ang buntot saakin ni Fero at naging espada ulit. Pinangsagga ko ito at sinugatan siya sa mukha at pisngi. Bumalik sa pag ka hayop si Fero at umupo sa ulo ko. Napairap na lang ako ng humiga ito sa ulo ko at natulog. Wala tuloy akong choice kung hindi pakainin ng matamis tong alaga ko. Nag summon ako ng peppermint na ayaw na ayaw ko at pinakain kay Fero. Habang sinisipsip niya ito, nag glow ang mata niyang kulay ginto.
'Ano ok kana Fero?' sabi ko sa utak ko at sumagot naman si Fero.
'Yes master, though hindi pa ako masyadong refilled penge pa po candy' sabi niya at umirap lang ulit ako at sinunod ang gusto nito.
Tumayo na ito at umupo sa balikat ko. Sumugod ulit si Jihua ng si Fero naman ang lumaban. Nag pacute ito sa kanya na ikina-aww ng Arena at ni Jihua. Kinagat niya yung spear ni Jihua at binigay naman ito ni Jihua na isang pagkakamali. Nagulat ang lahat ng mag karoon ng isang puting usok sa pinanggalingan ni Fero at nagulat sila ng pumalit ang isang batang lalaki rito. Isa pa ito sa dahilan kung bakit siya lang ang familiar ko. Hawak na ngayon ni Fero ang spear ni Jihua ng lumuhod si Jihua at naghands up. Iyon ang nag sisignal na tapos na ang laban.
"Mertensia wins!!" sigaw ng MC at nag sigawan ang mga tao sa arena. Umalis na ako sa gitna na hawak hawak sa kamay si Fero. Lumapit ang mga medic at chineck ako at nilagyan ng gamot yung mga sugat ko. Nag pasalamat ako at bumalik sa dorm.
"Master... where should I put this spear?" simpleng tanong saakin ni Fero.
"Ibabalik na lang natin yan bukas kay Jihua ok?" sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Nag wash up lang ako saglit at nag anyong fox ulit si Fero at pinaliguan ko ito. Natulog ito sa kama niyang maliit at mamaya maya dinalaw na rin ako ng antok.
-------
Thank u for reading this chapter and see on the next one!!
YOU ARE READING
Holy Knight
Fantasy1 world, 2 different kingdoms and 2 rivals. Ito ang ginagalawang mundo ni Mertensia at Zinnea. Isang mundo na akala mo ay galing sa panaginip lamang. What will happen as the revelations unravel along the way? Will they meet new friends? Or meet ene...