2

4.5K 64 0
                                    

Almost 25 minutes siyang nakasunod dito... Hanggang sa umabot sila sa Rizal. Pumasok ang sports car nito sa isang gated mansion. Naiwan siya at ang kotse niya sa labas. 

Halos isang oras na siya sa labas. HIndi niya alam kung paano makapasok sa loob. Para siyang baliw na paparazzi na nag aabang kay Marco.

Its now or never Trina kaya kumilos ka na...

Pinuntahan niya ang dalawang guard na naka standby sa gate nito na may dala pang armalight. Hindi naman siguro siya mapag kakamalang paparazzi. Ang ganda kaya niya at sports car pa ang dala niyang sasakyan.

"Mamang guard. Uhmmm si Marco po...?"

"Nasa loob miss bakit ba? reporter ka rin?"

"Ay hindi po! ako po ang girlfriend niya kaya kailangan ko na pong mag park sa loob..."

Tinawanan lang siya ng guard. 

"Miss hindi napo bago sa amin yan. Mas may masahol pa nga sa style mo eh..."

Aba't hinahamon ata siya ng guard na ito ah!

"Manong guard. Sa ganda kong toh sa tingin mo ay nag sisinungaling ako..? Ako po si Trina Zapanta, anak ng may ari ng Zapanta Architectural Lines. Kami din po ang may ari ng Trust mall na may 10 branches sa pilipinas. Kunti lang po yun sa pwedi kong banggitin sa inyo. At tingnan nyo po yang kotse ko latest po yan sa porche kaya---"

"Miss, pasensya na po talaga. Imposible kasi ang ginamit nyong rason pirst and pormos po kasi kilala namin ang nagiisang babaeng dinala dito ni sir Marco. Kaya alam po naming nag sisinungaling kayo."

May punto naman ang mga guardia niya. 

"You mean si ate Mica. Ganito kasi yan mamang guward. Ako po ang tunay na girlfriend ginamit lang namin ni Marco si ate Mica para hindi malantad sa publiko ang tunay kong identity. Oh ayan oh! tingnan nyo ang pictures namin ni ate Mica! diba ang dami!" Pinakita niya sa mga ito ang pictures nila ng ate Mica niya...Marami naman talaga silang pictures together.

"Eh saan po ang pictures niyo ni sir Marco...?"

Na bulunan naman siya. Medyo mataas din ang IQ ng mga guards dito. 

"Nasa phone lang ni Marco. Puno sana tong phone ko kaso dinelete ko na. Kasi ano, nag LQ kami kanina. Tama, nag away kami kaya nga pinuntahan ko na siya dito..."

"Sorry talaga miss. Kung gusto po ninyu ay tawagan niyo po siya at mag aantay kami ng signal galing sa kanya kung papapasukin ho kayo..."

"Ganito nalnag kuya. Kailangan ko po siyang suyuin... nag seselos kasi siya kanina. Kailangan ko siyang e surprise kaya ganito nalang. Hawakan nyo yang susi ng kotse ko at teka issuehan ko kayo ng tag 50 thousand each bonus nyo ok... kailangan lag naming magka ayos ng boyfriend ko..."

Nagtinginan pa ang dalawa. Ginawa pa niyang tag 100k ang dalawa bago niya ito napapayag...

Now she is inside the place. Para pala itong secret resort. Hindi naman kasi nakikita sa labas. The gates are so high that you wont be able to get a sneak peak from the outside...

Nag pa linga-linga siya sa paligid. She is about to enter the main door ng makita na nakabukas ang ilaw sa gazebo na nasa gitna ng pool... Parang may naaninag siyang tao doon. Biglang lumakas ang rigodon ng puso niya. She have a gut feeling that the guy is there.

Mabilis siyang nag tungo doon. Para naman siyang mabulunan ng makalapit dito at mapagtanto na its really Marco...Umiinom mag isa.

"H-hi!"

"What brought you here...? you're persistent huh?"

"Ahhh s-sorry...ano kasi. Nag fa-fan girl lang. But Im harmless, promise!"

Nag cross my heart pa siya sa harapan nito. Bahala na nga. Basta nakalapit siya dito. What else matters?

"Kung kailangan mo ng autograph give it to me para umalis ka na."

Alis kaagad? ang hirap kaya ng pinagdaanan niya sa guards palang nito... 

"Uhmmm ano kasi. Nag layas ako sa amin. Kailangan kong makituloy dito kahit gawin mo nalnag akong katulong..."

"You can apply as a househelp next week dito pag nakauwi na ako ng amerika..."

"Ah I mean ano..."

'What?"

"Ano kasi...uhmmm"

Para siyang nabilaukan. 

"Uhmmm ano, crush kasi kita kaya tina try kong mapalapit sa iyo. Pweding maging assistant mo while youre still here?"

The guy smirked "...very persistent. Out of the blue ay susulpot ko sa harapan ko to tell me you  want to be in my life when I dont even know your name."

"Ah ano, my name... my n-name is Trina Gabrielle Z-Zapanta."

"Hell what!?"

"Ahhhh younger sister, I mean only sister ako ni Tyron Zapanta, yung asawa ni ate Mica..."

"That's why I smell trouble. Your last name itself is trouble."

(COMPLETED)MR. SERIES 10: Mr. RockstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon