She really had fun, the guy is really interesting. Pero artists din ito. AT medyo allergic na nga siya sa mga artists, so to speak. Tumawa siya sa isiping yun.
Napakarami pa nilang napag usapan ng lalaki. Tumatawa siya sa kalagitnaan ng joke nito ng may maaninag siya sa di kalayuan. Isang lalaking mag isang nakaupong kumakain. She is very familiar with the build.
"Hindi naman siguro." Sabay pikit as she shook her head.
"Anything wrong Trina..?"
"Ahhhh w-wala...may tinitignan lang ako..."
Ngunit ng lingunin niya ulit ay wala na ang lalaking parang si Marco ang tindig...
"Marco...please stop haunting me..." nasabi niya sa isip-isip niya.
Para na siyang naging balisa at nag aya na siyang mag pahatid sa bahay nila.
Nang pumasok na sa gate nila ang sasayan ni Marti ay may nakita siyang isang naka tinted na pulang sports car na tumigil din sa di kalayuan ng gate nila. Iba ang kutob niya kasi nakita rin niya itong nakasunod sa kanila kanina ng lumabas sila ng restaurant.
Posible kayang may sumusunod sa kanila?
Iwinaksi nalang niya yun sa isipan at binilinan si Marti na mag ingat sa pag uwi sabay pasalamat sa paghatid nito sa kanya.
Nang mauwi na siya ay nakita niya ang mga kapatid na nag iinuman sa bahay nila.
"Ohhhh andito na ang ating dalaga na laman ng tabloids panigurado bukas."
Umupo na rin siya katabi ng ate Mica niya.
"What are you talking about kuya?"
"May lumabas lang naman sasocial media na pictures mo kasamasi Marti. The business mogul and most famous half filipino and half italian sculpture. Pang world record talaga yang beauty mo bunso"
At nag tawanan pa ang mga ito.
"Ano ba yang pinag sasabi nyo...! He is a nice guy and he is becoming a good friend as far as I know."
"We are happy for you bunso... sana malagpasan mo ang mga malalaman mo..."parang may sasabihin pa ang kuya tyron niya pero sinaway ito ng asawa nito at ng isa pa niyang kuya.
"What are you trying t0 say kuya...?" bigla siyang kinabahan at para bang hindi siya mapakali sa mga nakikitang reaksyun at pag tititigan ng mga ito.
"In time bunso, in time. You will understand...I dont think I have the authority to spit out anything."
At hanggang doon nalang ang naging usapan nila dahil nag sialisan na ang mga ito.
Nang wala na din siyang choice ay pumasok nalang siya sa kwarto niya. Pero nahirapan siyang makatulog. Parang naging pala-isipan sa kanya ang mga katagang binitiwan ng kuya Tyron niya.
Is it possible that they are hiding something from her? but what could it possibly be.
Kinabukasan ay puyat siyang gumising.
Napag isipan niyang surpresahin ang kuya niya sa office nito at para sabay silang mag dinner.
Nag tattered jeans lang siya nag puting crop top. Nag shades narin siya para maitago ang medy stress niyang mata na kulang sa tulog.
She paired her attire with a red stiletto and red hermes bag. She intentionally did not comb her hair and made a bun out from it. Wala nga siyang make up. Tint lang ay sapat na. She looks gorgeous with whatever she wears anyway.
Nasa tapat na siya ng personal office ng kuya niya ng biglang bumilis ang pintig ng puso niya.
She held the door tight to open it....
Pero imbes na surpresahin ang kuya niya any siya ang na sorpresa sa nabungaran niya....
"W-why i-is he h-here kuya...?" nasambit niya sa namamaos na boses. Her knees are about to betray her. Mas lalo na ng magkasalubong ang mga mata nila ng panauhin nito.
How can she ever forget. How can she not recognize....? that guy...the only guy her heart recognizes....
"Trina...."
"M-marco....."
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)MR. SERIES 10: Mr. Rockstar
Fiksi UmumYou are the princess of your clan. You are looked up to by everyone. Nasa iyo na ang lahat. Fame, wealth, beauty, body... everyone loves you. Pero paano kung ang nag iisang hindi mo maabot ay ang nagiisang lalaking hinahangaan mo...? You are a br...