43

1.7K 37 2
                                    

Syempre ay sumama na siya sa kapatid ni Marco, she won't waste any other chance. She hates knowing na wala siya sa tabi nito sa lahat ng naranasan nito.

Pilit siyang pinapatahan ni Mark pero wala eh, parang may balon siya sa katawan sa dami na ng niluha niya. 

Nasa private jet na sila and this time wala siyang ibang hinahangad ang makita lang itong muli. god knows how much she misses him from the depths of her soul. Marami pa siyang nalaman galing kay Mark. 

He admitted that Marco always smiles everytime na nakikita nito ang mga video niya na para bang ito nalang ang lifesupport na nagpapabuhay dito. He said Marco is happy na malamang may bago na siyang ka date which is she knows na kaibigan lang naman talaga niya si Marti. Mas napahagulhol pa siya ng makita ang litrato ni Marco na nasa hospital bed and worst was when Mark showed to her na ang hospital room ni Marco ay puno ng sculptures at mga frames ng mukha niya. Her pictures habang natutulog siya. Random stolen pics na hindi niya kailanman naisip na kinukuhanan pala siya nito dati. 

"Marco, you just dont know that I died too that day I stepped in the plane to go back to the Philippines. Inakala ko Marco that you never cared... cause even if I tried to move on... day by day, God knows I was wishing na hahabulin mo ako, na hahanapin mo ako. Na bigla kang darating to win me back.... God knows na kahit ano pa ang ginawa kong pag pupumilit sa sarili kong mag move on. My heart is and will always be imprisoned with you that I cannot almost anymore see myself with anyone else because I had already given you all of me. Kung alam ko lang na minahal mo din pala ako... If you just said... all you gotta do is supposedly just tell me you love me and I am even willing to die with you..."

Napapakalma lang siya sa kadaldalan ng kapatid ni Marco. Parang napapawi ang kalungkutan niya ng kinukwento nito ang mga katarantaduhan ng dalawa ng malilit pa sila. Napag alaman pa niyang si Marco pala talaga ang hopeless romantic sa dalawa. Kahit pala  kunwari ay pa cool ito but he was always sweet in a lot of surprising ways.

"Uhm.... if I may ask, did you mean na andito ka sa pinas for months now?"

"Actually kinabukasan kaagad ng nasiguro na niyang nasa pinas kana ay pinasunod na kaagad niya ako. I am a very busy man. Ako ang nag aasikaso ng mga negosyo namin since he never wanted to take care of our business. He pursued his passion and we always let him. FAvorite siya ng mama at papa namin eh, kaya nga lahat ng luho niya nasusunod. I hated him for being so stubborn but he is still my only brother you know... kaya ng hiniling niya sa akin ang pabantayan ka ay wala akong nagawa. It is the least thing I can do for him, and that was the first time too he asked me a favor."



(COMPLETED)MR. SERIES 10: Mr. RockstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon