CHAPTER 10 - MESSAGE

126 9 0
                                    


Liwanag. Yun ang aking unang nakita sa aking pagmulat. Hindi ko alam kong--- Tsk, obvious ba? Ede sa sinag na araw.

Bumangon na ako at gi unplug ko ang naka sak-sak na charger aking cellphone at loptop. Bumangon na ako at nagtungo sa banyo upang makaligo na. Hanggang ngayun ay hindi mawala sa aking isip yung mga nalalaman ko nung gabi.

Pagkapasok ko sa banyo ay ginawa ko na ang dapat gawin. Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako at sinout ang aking uniporme. Naka tayo ako ngayun sa malaking salamin. Pagka suot ko ng skirt ko na hanggang tuhod ay sinuot ko nanaman ay ang aking pulo shirt. Pagka butones ko ay hindi parin ako umalis sa harapan ng salamin.

May lapis namana kong sando at naka leggings din ako para protective ang loob ko.

Tinali ko na din ang aking buhok at nag contac lense. Hindi kasi ako makakita kapag maliwanag o kaya ay mataas ang sinag ng araw. Matapos ang lahat ay naka tingin parin ako sa salamin.

Dahan-dahan kong tinaas yung laylay ng uniform ko at ang aking sando at pinaharap sa salamin. Gumild ako kaya ngayun ay kitang kita sa bandang gilid ng aking tyan ang tatak. Hindi ko alam kong saan to nanggaling.

Hindi lang ito tatak, baka tattoo na ang tawag dito. Black ang kulay na tattoo. Kinuha ko sa drawer yung cream at kasing laki ng lalagyan ng lotion na concealer.

Nilagyan ko muna ng cream pago nilagyan ng concealer. Para matabunan itong tattoo na ito. Hindi ko talaga alam kong saan to nanggaling. Inayos ko na ang uniporme ko at nilagay sa bag ang aking cellphone bago tinago ang loptop.

Dumiretso na ako sa kusina at naghain ng aking almusal. Pagkatapos ko mag almusal ay kinuha ko na ang susi ng bahay bago kinandado ang pintuan. Lumabas narin ako sa gate at pinindot muna yung fingerint doon na patago bago nag taxi.

Nasa tapat na ako ng Y.A (Yukixzukuran Acdy) pumasok na ako sa loob at bago pa ako ma bully ay kumaripas na ako ng takbo sa old room. Pumunta ako sa likod ng skwelahang to at humawak sa puno. Hingal na hingal ako sumandal sa puno at hinahabol ang aking hininga. Pagka recover ko ay tumayo na ako. Aalis na sana ko ng may nakita akong mga lalaking papunta dito.

Apostles

Dali-dali akong umakyat sa puno dahil hindi pa man sila nakakalapit. Pagka upo ko sa puno ay tumingin ako sa baba. Nakita ko silang dumiretso sa old room. Kitang kita ko naman sila kasi naka bukas yung malaking bintana kaya malaya akong sumilip doon. May narining namana kong bumukas na pinto kaya nagtaka naman ako. Naka bukas na ang old room bago sila pumasok pero ano yung bumukas kanina?

Hindi ko sila makita kasi ang layo na nila sa bintana. Baka may isa pang pintuan ang nasa loob ng old room?

Hindi ko na pinansin kaya tumalon na ako mula sa baba. Dahan dahan ko inayos ang aking skirt bago naglakad papuntang garden at may short cut doon papuntang room namin. Dito ako dumadaan pag pumunta ako sa room namin dahil walang ka tao-tao at walang nambubully.

Pagka pasok ko sa room namin ay agad-agad ako umupo sa aking upan. Dahil wala namang kataka-taka sa aking upuan ay umupo na ako. Nararamdaman ko lang naman kong merong' kakaiba.

Nakita kong naghiyawan ang mg lalakit' babae mapa bakla man o tomboy. Tiningnan ko naman ang paparating dahil parang O.A naman ang mga to. Pagkatingin ko ay

Prinsesas

Umiwas na ako ng tingin at nagmokmok sa desk. Naramadaman ko namang nakaupo na sila dahil narining ko ang mga pagklikot ng upuan nila.

Pasimple akong sumulyap sakanila. Bakit parang ang angas ng dating nila?

3rd PERSON POV

Naka mokmok lang sa desk si Raki at parang hindi mapakali sakanyang upuan dahil parang nararamdaman syang kakaiba. Naka tingin lang sakanya ang mga babae na kong tinatawag ay Prinsesas. Hanggang sa nakaramdam din sila ng kong ano kaya napatingin sila sa isa't isa

Hindi na nakatiis si Raki kaya't umupo nalang ito ng matuwid sa tumingin sa bintana na tila ba'y may malalim syang iniisip. Sinalpak nya ang kanyang headset sakanyang magkabilang tenga.

Pagka salpak ng headset nya ay agad namang humarap si Trex sakanyang mga kaibigan. Tiningnan naman ito ni Castell dahil nagtataka ito sa pagharap ng kanyang kaibigan na tila'y may naiisip naman itong kalokohan.

"Wala pa ba?" Tanong ni Trex sakanyang kaibigan. Agad namang tumaas ang kilay ng tatlo nitong kaibigan. Habang si Liera o mas kinikilalang 'Hiba' ay walang imik na nakatingin lang din sa bintana.

"Duuh, tataasan nyo lang ba ako ng kilay?" Naka cross arm na sabi ni Trex dahil sa inip.

"Nagtaka lang naman kasi kami dahil obvious naman na naka receive narin kami" Sagot ni Ironice sabay irap. (Ironice= ay-ro-nis)

"Eh ba't sakin wala?" Naka kunot noong sabi ni Trex sa mga kaibigan at kinuha ang kanyang cellphone at tiningnan muli ang kanyang Gmail kong may natanggap din syang massage kaso wala parin.

"Huh? Ba't kami naka receive lahat? Ikaw lang ata ang wala. Hahaha, baka hindi ka raw kasi kasali kaya hindi ka na dinaanan ng forward na mensahe" Natatawang sabi ni Castell. Tumawa narin si Faber dahil naging epec yung mukha ni Trex.

Hindi nalang pinasin ni Trex at umupo nalang ng ayos sakanyang upuan. Napatingin muli sya sa kanyang gmail ngunit wala parin syang na rerecive n
a mensahe. Tiningnan nya narin ang oras at bumaling muli sa tahimik nilang kaibigan.

"Hoy babaeta. May klase ba?" tanong ni Trex Kay Leira. Tiningnan lamang ito ni leira bago bumaling ulit sa bintana. Tumango lang si Leira upang pagtugon ng 'oo' sa tanong ni Trex.

Kaya umupo nalang ulit ng maayos si Trex dahil natuwa nanaman ito dahil walang pasok. Pero nakakaramdam rin ng inis sa tuwing naiisip nya yung tungkol sa forward message

"kainis" inis na sabi ni trex

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon