CHAPTER 55 - 9 YEARS AGO - 3

75 4 0
                                    

9 years ago


Sabay na silang tumakbo. Wala ng oras upang patumbahin ni raki ang mga humahabol sakanya dahil marami na sila at may kanya-kanyang sandatang dala. Kayang kaya naman ni raki sila kong wala lang sana siyang kasama.


Baka sa gitna ng laban, bigla nila hinigit ang kasama niya kaya mapupunta lang sa wala ang pagtulong nito sa kanya, kaya tumakbo nalang sila.


Nakita niyang medjo bumabagal na ang takbo ng kanyang kasama kaya napatingin siya sa likod at marami pang humahabol sakanya. Nilipat niya muli ang tingin niya sa kasama niya.


"Hey! Bilisan mo. Bilis bilis! Baka mahuli pa tayo" inis na sabi ni raki sa kasama niya.


"Eh hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako. Pahinga mo na tayo sandali" hingal na hingal na sabi ng kanyang kasama.


"Anong pahinga? Wala na tayong oras para magpahinga. Halikana dali" ani ni raki sa kasama niyang nakatayo habang hinahabol ang hininga.


"HANAPIN NIYO SILA!" napatigil sila sa pagsisigawan ang dalawang batang babae sa narinig nilang paparating na ang humahabol sakanila. Nagkatinginan muna sila bago kumaripas ng takbo.


Habang tumatakbo sila ay hindi nila alam na may sumusunod sakanila ng tingin.


Tumigil sila sa kakatakbo at nagtago sa gilid kong saan walang makakakita sakanila.


"Baka wala na sila" Nakahinga sila ng maluwag nang wala na ang humahabol sakanila na mga adik.


Tatayo na sana si raki upang silipin nang may naramdaman itong may naka tayo sa gilid niya. Pagka lingon niya doon ay dalawang pares na sapatos ang tumumbad sakanya.


Sa bilis ng repleksyon niya agad niyang tinulak ang kasama niya kaya napagulong-gulong si hirari sa damo.


Ngumisi ang lalaking nasa harapan niya na hindi niya kilala. Hindi rin kita ang mukha nito dahil sa suot nitong mask.


Nilabas ng lalaki ang baril niya at tinutok yun sa damo kong saan tinulak ni raki si hirari.


Agad na tumayo si raki upang harangan ang kasama niyang tinulak niya sa madilim na damuhan. Kasabay non ang pagkasa ng baril.



BANG BANG BANG!



Hinintay ni raki na babagsak siya ngunit hindi. May naramdaman nalang siyang bumagsak sa tapat niya. Dinilat ni raki ang mata niya at tiningnan kong sino ang bumagsak sa harap niya.


Ganun nalang ang gulat ni raki ng makita ang kasama niyang nakahandusay sa harapan niya habang nilalabasan ng dugo ang bibig nito. Napaluhod ng wala sa oras si raki.


Tutulongan sana ni raki si hirari ngunit agad ito pinigilan ni hirari. Kahit na nahihirapan na siya ay umiling ito kay raki.


"N-no. S-save y-y-your s-self. T-thank y-you f-for r-rescuing m-me. P-please d-don't
d-die a-and f-for t-the last time. C-can we b-be f-friends?" hirap na hirap na usal ni hirari kay raki.


Parang nawalan na rin ng lakas si raki sa mga katagang binitawan ni hirari.


"Yes" sagot ni raki na ikinangiti ni hirari at bago bawian ng buhay ay may sinabi pa si hirari na nagpatulo sa luha ni raki.


"G-good b-bye m-my friend" huling sabi nito sa kanyang huling hininga. Agad siyang tinapik tapik ni raki pero hindi na ito gumagalaw kaya sunod-sunod na luha ang lumabas sa mata ni raki. Hindi na rin ito huminga. Pati pulso nito ay hindi na nag be-beat.

'No. S-save y-y-your s-self'

'No. S-save y-y-your s-self'

'No. S-save y-y-your s-self'


Agad niyang narinig sa isipan niya ang sinabi ni hirari kaya tumayo ito. Nakabalugta narin ang lalaking nagkasa ng baril kanina.


Hindi niya alam kong pano ito namatay at wala na siyang oras upang mag isip kong pano at sino ang pumatay.


Tumakbo nang tumakbo lang ito hanggang sa napatigil siya nang makakita siya ng van. Napatigil na rin ang van. Biglang bumukas ang van at lumabas rito ang kanyang ina.


"Aries! Ba't ka napunta dito? What happend? May masama bang nangyari sayo? C'mon. We need to hurry!" pagmamadali sa kanya ng ina at agad na sinakay siya sa van.


Nasa loob ng van ang pamilya niya. Nasa tabi niya ang kanyang kuya na si Ruxxiarries. Napatingin narin siya sa likod at nakita niyang marami ring humahabol sakanila


"Bullshit! Nauubusan na tayo ng gasolina!" inis na sabi ng kanilang ama at inapakan yung break kaso hindi rin ito gumagana.


"Mukhang pinlano nila ang lahat ng ito. Isa sa mga driver rin natin ang traydor" ani ng kanilang ina na ikina kaba ni raki. Lahat ng naka sakay sa van nila ay hindi kinakabahan maliban kay raki.


"UXXAR!" sigaw ni Iakiarreass sa asawa niyang nag mamaneho na si Uxxar. Pero huli nang iliko ni uxxar ang manubwela nang bumangga ang van nila sa malaking puno.


Tumalipon ang van na sinasakyan nila at malakas ang pagkabagsak nito. Lahat na sila ay duguan ang ulo maliban lang sa nakakatandang kapatid ni rakiaries na si ruxxiaries.


May suot kasi itong helmet kaya hindi masyado malakas ang impact ng bagka banggan nila. Biglang may bumukas sa van na sinasakyan nila at tinutukan ng baril ang ama nila na si Uxxar. Kinasa na nila ang baril. But before they pull the triger, agad niyakap ni Iakireass si Uxxar kaya siya ang nabaril. Bago pa maka react si uxxar ay binaril rin nila ito.


May narinig na sila ng wang wang na pulis. Nag kunwari rin na nawalan ng buhay si ruxxiaries upang umalis na ang mga kalaban. Nang umalis na sila ay agad siya napaluha nang makitang wala ng mga malay ang kasama niya.


Agad siya napatingin sa ama niya na nagsalita ito bago bawian ng buhay.


"S-save y-your l-little s-sister. D-don't d-die m-my son. T-take c-care" nahihirapan na sabi ng kanilang ama at ngumiti ito sakanila. Hinubad naman nito ang helmet na suot niya at agad pinunasan ni ruxx ang mata nito na may luha.


Tumingin siya sa kapatid niyang babae na umaagos na ang dugo sa ulo nito. Agad lumabas ng van si ruxx at sumigaw sa mga pulis. Binuhat ni ruxx so raki at sinakay siya sa don sa kadarating lang na ambulansiya.


Ang mga magulang rin ay sinakay sa ambulansiya. Pati narin siya dahil sa duguang katawan nito.



***



2 weeks later


Naka dalawang linggo narin si ruxx na nagpapahinga sa hospital. Nong last week pa bago niya nabalitaan na wala na ang kanyang mga magulang. Kaya nagpakatatag siya para sa kanyang kapatid na babae.


Nasa loob siya ng room ng kanyang kapatid sa hospital. Hanggang ngayun hindi pa rin siya nagigising. Siya na rin ang nagbabantay sa kapatid niya


Napatitig naman siya sa kanyang kapatid. Naawa siya rito. Alam niyang mahirap ang pinagdaanan nito. Simula kasi nong ni train nila si raki ay malamig na ang turing sakanya ng mga magulang. Yun daw ang paraan upang hindi maging malambot sa kahit na sino si raki.


Hindi rin ito nakapaglaro gaya ng mga bata na kaedad niya. Mahirap ang mga dinanas niya na dapat ay hindi niya ito ginagawa dahil sa murang edad nito. Ganun rin naman si ruxx pero lalaki si ruxx. Ayaw lang ni ruxx na nahihirap ang kapatid niya. Gusto niya ring sumaya ang kapatid niya.


Hindi rin siya pwedeng kumaibigan. Hindi pwedeng maglaro. Hindi pwedeng umiyak. Dahil sign yun ng mga duwag na tao. Yun ang sabi ng mga nagtre-train sakanya.


Kong pwede lang sana na kunin ni ruxx ang lahat ng sakit na dinanas ng kanyang kapatid ay kinuha na niya. Kong pwede lang na siya nalang ang nakahiga at naka coma ay ginawa na niya. Napakahirap sakanyang tignan ang kanyang kapatid na nahihirapan.

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon