2 days laterNandito kami ngayun sa labas ng FX-INT building. Naghahanda kasi lalabas kami ng school. Sa cebu kasi magaganap yung event at sa 3 days na pinag praktisan namin ay ngayun na namin ipapakita. Ay wow ano daw? Pwede naman daw kami lumabas kasi si manager kinausap yung principal. Buti nga hindi nila sinabi yung pangalan ko.
Bigla kami napatingin sa sunod-sunod na van na papunta sa direksyon namin. Mukhang ito na yung hinihintay namin.
Yung unang van ay don sumakay yung mga judges. Bongga kasi yung isang van, isang grupo. Cool.
At ito na. Tumigil sa harap namin yung kulay itim na van. Pinauna ko nalang yung mga kasamahan ko bago ako pumasok at umupo sa loob ng van. Sa second sit ako tapos don sa pinaka gilid. Ni reserved na talaga nila ito para sakin kasi alam nilang mahilig ako magstay sa pinaka gilid na may bintana. Buti naman at tinted ito.
Tumingin naman ako sa window ng van at nakita ko ang sunod-sunod na van na lumarga rin. Pansin ko lang, yung saamin lang yung naiibang kulay na van. Sila, lahat white or gray.
Napatingin naman ako sa mga katabi ko. Konti nalang babaliktad na'tong van na sasakyan namin dahil sa kaputahan nila.
Yung isa sakanila may hawak na speaker na maliit tapos pang desco yung music na ni play nila. Full volume pa. Full volume sa cellphone, sa speaker din full volume oh diba tatambling na itong van.
Isali mo pa yung pag tatalon talon nila sa upuan nila tsaka kong maka wagayway sa mga kamay wagas halos matapon na kamay eh. Nagsisigawan pa sila. Napailingan nalang ako at tumingin sa bintana. Sinuot ko nalang yung headset ko at nakinig ng music. Ni full volume ko para yun lang talaga marinig ko.
Napatingin naman ako sa mga van na nasa gilid namin. Kumbaga corner kami. Yung ibang van hindi tinted kaya nakikita ko sila sa loob.
Napaka good boys and girls naman. Masusunuring bata. Naka upo lang kasi sila tapos may kanya kanyang inaasikaso. Yung iba nag uusap lang. Yung iba nagprapractice sa loob ng van na sinasakyan nila. Nabaling ko naman yung tingin ko sa mga kasama ko.
Batang pasaway
Hays. Sinandal ko nalang yung ulo ko at pinikit ang mga mata ko. Mas mabuti nalang kong matutulog ako para malagyan naman ako ng konting energy para mamaya. Malayo layo pa yung bibyahen namin.
***
"Guys ito o masarap!" sigaw ni trisha habang may hawak na mga soft drinks tsaka hot coffee.
Nandito kami ngayun mesa namin pinapanuod yung mga kalaban namin na nag pre-perform. Yung iba, galing sa ibang intertainment.
Napatingin ako sa mga ibang grupo at nag prapractice sila, yung iba naman nanunuod sa nagper-perform sa stage. Ang ingay dito. SOBRAAAAA!!!
Buti pa yung iba focus na focus eh itong mga kasama ko? Tangina kahit isa sakanila wala akong narinig na lumabas sa bibig nila yung lyrics na per-perform namin. Yung sa van? Imbes na yung music na kakantahin namin ang eh play, pang desco pa.
Kaya nga gusto ko sila eh
Napangisi nalang ako sa kagaguhan nila. Buti nga ganito sila eh. Hindi yung iba na kahit sa pagkain, paglakad, pag-upo nag prapractice. Kulang nalang pati sa pagtulog mag prapractice rin.
Hanggang sa lumipas ng ilang oras at konti nalang kaming hindi pa natawag. And to be honest, wala kaming matinong practice.
Bukas naman kami makakauwi Yuk Acdmy. (School) kasi magagabihan kami dito. Isa rin kasi itong malaking event.
Wala naman akong problema sa mga ka dormate ko kasi wala rin naman silang alam. Si arfel don natulog sa dance academy building. Yan yung building ng mga performers sa dance competition. Si kamata-mata naman. Ganun din. Pati narin si niana. Halos lahat naman ganun. Baka nga walang tao sa mga dorm.
Yun daw kasi ang ni announce ng president counsil na pinapautos daw ng second hand ng may ari ng school. Malapit na din kasi yung competition. So back to the topic.
Ngayun, akala ng mga ka dormate ko nasa dorm ako kasi alam nilang hindi ako sumali sa kaek-ekan ng school kaya akala nila nasa kwarto ako ngayun tapos natutulog.
Bigla ko naramdaman yung vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko ito. May nagtext pala. Chineck ko naman kong sinong hinayupak ang nagtext sakin. Unknown number. Ang sabi,
Raki. Matatagalan kami ng uwi. Sinabi ko lang to para ma inform ka hihi so eatwell and take care. May mga pinamili kaming foods, nanjan sa ref. This is ren, got your number from arfel the bipolar.
Ah si niana pala. Nisave ko naman yung number tapos ay binigay yung phone don sa babaeng nag aasikaso samin. Para daw safe tsaka alangan namang dadalhin namin sa stage?
Tumayo naman kami at nagpalakpakan. Ewan sakanila kong ano pinapalakpakan. Tsk.
At ngayun kami lang nanaman yung naiiba. Halos lahat kasi sila pare-pareho yung suot. Costume daw nila. Lahat same ng kulay ng costume. Samantalang kami, para lang kaming pupunta kwek-kwekan.
Naka civilian lang naman kami tapos kanya kanyang porma pero may dating naman. Yung iba, may mga back dancers, pati yung mga grupo sa FX INT andaming efforts. Yung iba may mga back up dancers rin tsaka, tudo practice rin o kahit anong kaek-ekan.
Samantalang kami, walang matinong practice sa loob ng 3 days na binigay samin na araw para mag practice. Pumunta kami ditong walang ginawa ko di makipag ulolan tapos dumating kami ditong pa chill chill lang na nakaupo lang na nagtatawanan. Hindi nga lang ako kasali.
Ramdam ko naman yung ibang grupo na babae na pinag uusapan ata kami. Marami ring nakapansin sa amin na walang ginagawa na kumakain lang ng snack sa lamesa habang nagtatawanan. Yung mga usapan nila tsaka yung tingin nila samin ay parang
Bigflo yan?
Fucking yeah. I smirk. Naka mask ako ngayun. Kaya ako yung sentro ng usapan nila. Bilib kayo no? Pwes ako hindi.
Halos lahat ng kasama ko maypagka sexy yung suot. May naka croptop, naka denim shorts, yung isa sando pero naka jacket naman, may pagka fit rin yung sando kaya kitang kita yung hubog ng katawan. Halos lahat naman sila fit ang damit. Yung isa rin naman ay pantalon pero may style na butas butas ito.
Pag kami tumayo sa stage pansin na pasin talaga yung ka sexy-han nila. Ang perfect lang ng katawan nila. Samantalaga ako? Wala naka dark blue high waist na pantalon lang tapos plain black na croptop na may kalo sa likod. Pero hindi kita yung pusod ko, hanggang butones ito ng pantalon ko tapos naka panloob ako ng fit na fit na sando na naka insert sa pantalon ko. Tsaka long sleve naman itong long sleve croptop e tsaka naka panloob ako ng sando kaya walang makikita.
Naka black rubber shoes ako tsaka naka cap ako ng plain black na may ring na color silver na nakasabit don. Naka mask ako ng black. Binaba ko pa masyado yung suot kong cap kay hindi kita yung mata ko.
Napatingin kami ng tawagin kami ng mc. Tumayo na kami at pumunta sa stage. Nagsipalakpakan naman yung audience namun.
Nang nagform na kami ng line namin sa stage ay nagsipalakpakan nanaman at nakakabingin sigaw ang binitawan nila. Sino ba naman, tingnan mo kaya itong mga kasama ko. Ang gaganda, ang lalakas ng dating. Samantalang ako dito sa likod na gutom na.
Ngayong magsisimula na kami ay makikita rin ng mga taong pinag chismisan kami. Kaming walang dalang back up dancers, walang ka effort effort, walang matinong practice at higit sa lahat walang ginawa, basta tumapak lang kami sa stage na walang dala kundi sarili namin.
Pero sinasabi ko, mabubulag ka kapag nagsimula na kami. Hindi mo alam kong saan ka magfofocus. Lahat nga kasi ito dancers, singers at rappers walang lacking sakanila. Oo itong mga kasama ko ang minimean ko. Ang gagaling. Ako naman, basta kong anong sweldo, gora.
(Now playing: "Into You" by: ariana grande)
BINABASA MO ANG
FOURTEEN UTARUZ: She is Raki Santiago
AksiyonShe's badass. She have no mercy. Wala siyang kinakatakutan. Hindi siya takot sa madugong labanan, ang madugong labanan ang takot sakanya. She is the Legendary Dusa or Medusa. Ang parang bala ng baril kong gumalaw, napakabilis. Ang napaka itim nitong...