CHAPTER 25 - PRIVATE ROOM

77 3 0
                                    


"Uhm... Raki" napatingin naman ako kay leader. Kay leenara.

"Ito yung part mo then...." pinapakinggan ko lang si leader. Hanggang sa nakuha ko na. Nag discuss lang siya kong anong gagawin. Tumutulong rin yung mga members. Ako lang talaga yung tahimik. Ni hindi nila ako nakitang ngumiti.

Ito kasing building na ito ay pinapasikat lang ito kaya bumubuo sila ng grupo. Pag lumalaki yung views at kong saan malalagay ang top ang entertainment, ganun ang sinusweldo. At syempre pati yung mga grupo dito ay may laban laban rin minsan.

Tsaka pang practice lang itong building na ito. Kapag na final na, kong saan saan kami nag per-perform.

Ako naman. Wala pa akong role kasi bago palang ako. Tsaka hindi ako mabibigyan ng role pag hindi pa ako naka pag perform sa mga isa sa judges dito sa Fx Int.

Biglang may tunawag kay leenara. Hinintay namin bago ito matapos mibaba yung cellphone niya. Tiningnan niya ako tapos ay ngumiti. Ang ganda nito. Takte.

"Tara. Mag aaudition kana daw. Marami ring mag aaudition" sabi ni leenara kaya sumunod na ako sakanya.

"Pero ikaw sa private room kayo. Kasi manager mo ay si manager richard so. Si manager rechard kasi ang number one na mataas ang rangko sa mga manager dito sa Fx int. Kaya strekto yun when it comes sa new member ng bigflo" pag explain niya sakin tapos lumiko kami sa isang pang daanan.

"Alam mo ba kong bakit sa private room yung iba? Kasi para doon pinapa audition yung mga di sila sigurado kong tatanggapin ba nila o hindi. Wag mo masamain yung sinabi ko ha? Baka isa ka sa mga di sigurado na matatanggap. Kaya goodluck" sabi niya sakin tapos umakyat kami sa hagdan.

"Lalong lalo na pag Bigflo. Marami ng gustong sumali sa Biglo pero sa mga mababang rangko na group sila nababagsak. Ako at si beatrace ang unang member ng Bigflo hanggang sa nagtagal ay naging lima na kami na members. Dumaan ng 2 months and 1 week bago nakapasok samin si trisha" explain niya. Napatango tango naman ako.

"Pansin mo? Lahat train yung mga members? Hindi sa pagmamayabang ha? Kasi ganun talaga. Hindi pinapapasok sa Bigflo si manager richard ng walang talent" ani niya.

"Sa ngayung month, 30 people ang nag audition tapos bigflo ang pinili pero lahat sila sa ibang grupo nabagsak. Naka 2 years na kaming magkasama sama. Sa loob ng 2 years, marami ng gustong sumali sa Bigflo pero ni kahit isa walang naka pasok. Kaya kong may makapasok man sa Bigflo, himala." Sabi niya at pumalakpak pa.

Panigurado sa pinaka last rank ako mahuhulog. Okay lang. Atleast may sweldo. Pera naman ang kailangan ko. Hindi ang fame. Pero sana talaga kahit sa ika 3rd rank ako masali. Kong gaano ka taas daw yung rank na nasalihan mo, ganun kalaking sweldo.

"Andito na tayo. Goodluck." Sabi ni leenara at tinulak pa ako. Tumango lang ako sakanya kaya kumaway rin siya. Bumaba na siya kaya ako naman pumasok. Ang dilim dito ah? Tanging maliwanag lang ay yung stage tsaka yung inuupuan ng judge.

Umupo naman ako don sa bakanteng upuan. Which is number 9. Kong anong mabubunot ng mc na number, yung ang mag per-perform sa stage.

At potangina. Alam niyo ba?

ANONG GAGAWIN KO?!

Nakakahiya tong ginagawa ko. Kinuha ko naman yung mask ko sa bag ko at sinuot ito. Dahil sa nakakahiya tong gagawin ko, magmamask ako. Halos mata lang yung makikita at nuo lang ang makikita mo sa mukha ko.

Napatingin naman ako sa harap ng bigla silang hiyawan. Umilaw rin kasi. Ni close rin nila yung pintuan. Nagsimula ng magsilata ang mc. Akala ko ba private room to?

Ayh oo nga pala. Ito kasi. Napakalaking room. Halos sakop ang 4th floor. Yung public kasi nasa 3rdfloor. Tapos maraming mga performers doon. Glass rin yung room na yun kaya nakikita sila sa labas.

Dito naman. Sa left side ay mga boys. Sa right side ay mga babae. At nasa pinaka taas ako at gilid.

Kakaunti lang yung mga palpak na performers. Grabe. Nagpractice ang mga to panigurado. Sa mga babaeng performers, halos lahat mga sexy dance. Kaya di talaga maiwasan ang paghiyaw. Pero ako tahimik lang.

May random dance rin tapos iba ibang genre na music at language. May english music. Karamihan talaga na kpop music at hiphop music or pop music. Yung maraming beat na music?

Pero nakakapagtaka. Hiphop music na nga, sexy dance parin yung sinasayaw ng mga babae. Pano kaya yun?

Sinandal ko nalang muna yung ulo ko sa pader. Tutal nasa pinaka gilid ako eh. Tsaka buti nagmask na ako bago pa umilaw para di nila makita yung mukha. Pagtatawanan ako ng mga to panigurado.

Tsaka mga codename yung ginagamit ng iba. Para daw cool psh.

Marami ring magagaling sumayaw na lalaki. Pero dalawa lang talaga yung pinanuod ko na hanggang sa matapos sila sumayaw.

Sa lahat kasi ng nagperform hindi ko pinapanuod. Yung iba pinapanuod ko pero hanggang churos lang ganun. Nakamatamad eh.

Pero don sa dalawang lalaki na nagperform. Pota ang anggagaling. Pero nakasandal lang yung ulo ko habang pinapanuod ko sila.

Yung parang jabbawokeez magsayaw ay na ang smooth. Para lang siyang walang buto. Ang lambot ng katawan. Si Elium, yun ang codename.

Yung feelgo naman na codename yung parang kakaiba ang moves. Parang robot na jabbawokeez rin pero hiphop ang moves na. Smooth siya na parang hindi. Basta ganun.

Ako lang ata yung hindi nakasigaw dito. Ako lang ata yung tamad dito. Yung inaantok dito. Yung walang kainterest sa ginagawa nila at hindi gumalaw sa inuupuan. Tahimik lang na nakasandal. Kailan kaya to matatapos?

Pipikit nalang muna ako. Inaantok na talaga ako ng sobra sobra. 5:30 pm pa naman. Oo pinauwi na kami. Dapat 7 sa gabi ang uwian kaso dahil sa putanginang competition, ayun. Pina register sila.

Pinikit ko na ang mga mata ko at--

to be continue

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon