CHAPTER 27 - NEW CLASSMATE

87 3 0
                                    


Nagising nalang ako ng marinig ko nanaman ang pagtapik sakin ni arfel. Oo arfel. Alam ko namang siya yun kasi siya lang naman ang kasama ko dito, tsaka hindi ako dinidistorbo ni kamata-mata kaya confirm, si arfel talaga.

Umupo ako mula sa pagka higa ko at tiningnan siya.

"Gusto mo ulit ma late?" tanong sakin ni arfel. Oo nga pala. Napagod ako kahapon kaya kasi sa dami ng ginawa namin sa room. Tinapos na kasi namin yung dapat tapusin na activities, project etc. Kasi last na namin kahapon papasok. Pero ngayun, medjo okay okay na ako. Tumango lang ako kay arfel.

It's been 2 weeks ng makapag audition ako sa Fx int at napasok ako sa bigflo. Hindi muna ako pinapasok ni mngr. rich kasi may inaayos daw sila tungkol sa pagpasok ko. At hanggang ngayun, walang may alam na ako ang nakapasok sa Bigflo. Ako lang at si manager. Hindi kasi pinagsabi ni manager.

Tsaka pinaghati-hati na nila yung part na binigay nila sakin nong unang pasok ko lang sa room nila. Kasi nakapag perform na sila cebu last week.

"Ginising lang kita para makapag prepare kana. Wala tayong pasok ngayun pero papasok parin tayo. I mean, walang discussion etc. Maybe paghahandaan yung about sa competition" sabi ni arfel at tinapik ako sa balikat.

Sabay na kaming lumabas ni arfel at pumunta sa lamesa. And as expected, nakahain na lahat sa mesa.

Umupo na ako at kumain. Matagal pa naman kami papasok. 10:20am ng umaga kami papasok at 8:40am pa.

"Excited na ako competition. Sa dancing competition ako sumali. Andaming naclose ko don sa dance room. Andami namin eh. Tsaka ang gagaling nila lahat. Yung iba, tinuturuan pa" sabi ni arfel at sumubo ng ulam. Ako naman kumain narin.

"Ikaw ba? Anong sinalihan mo?" tanong niya pero umiling lang ako.

"Huh!? Hindi kapa nakasali? Eh hindi na pwedeng mag register? Close na. Ba't hindi ka nag register nong last last week?" nanlalaking mata na sabi ni arfel.

Tiningna ko lang siya at pinagpatuloy ang pag kain.

"O...kay so wala kang sinalihan? Sayang. Malaki pa namang grade yun. Tsaka sabi nga nila, pag dancer ka nakakaramdam karin na dancer yung isang tao kahit hindi mo kilala kasi na papansin mo lang. Pero hindi sa pagmamayabang ha? Pero kasi ako nararamdaman ko yun sayo." sabi niya at uminom ng tubig pero nakatingin lang sakin.

"I'm not" sambit ko. Totoo naman, sadyang alam ko lang yung gagawin. Tsaka wala akong ka interes jan. Pagsasayaw, pagkanta, pagrap o kahit na ano. Basta makatulog lang ako't makakain oks na.

"Sayang. Pero alam ko namang wala kang sasalihan. Expected ko na yun. Minsan ka nga lang magsalita, tapos ang ikli ka. Hindi ka rin ngumingiti. Para sayo ang boring tapos sasali ka sa mga ganun?" natatawang sabi niya. At totoo siya.

Pagkatapos namin ay naghanda na kami. Ako naman tapos na maligo. Pwede na magcivilian ngayun kasi hindi naman kami mag aaral.

Nang tapos na ako magbihis ay humarap ako aa salamin at tinakpan na yung tatoo ko. Tsaka nagcontac lense. Wala namang kakaiba sa mata ko, normal lang ito gaya ng ibang tao. Pero ang naiiba lang ay sobrang itim ito. Yung black circle sa mata ko i mean, kaya naisipan ko magcontac lense.

Nang mailagay ko yung contac lense ko ay inayos ko na yung suot ko. Naka plain black hoodie jacket ako na over sized tsaka black jogging pants then white rubber shoes.

At dahil malaki pa time sinuklay ko yung buhok ko. May nilagay rin ako sa leeg at mukha ko na cream na para umitim yung skin ko. Pati yung kamay ko nilagyan ko rin ng ganung lotion. Kong sino makakita sakin, mapapangetan sakin. Hindi ko alam kong matatawag ko itong morina pero ampanget eh.

Pagtapos ko ay inayos ko na yung hoodie jacket na suot ko at nag spray ng perfume sa loob ng hoodie ko. May panloob rin kasi akong plain white t-shirt na over sized kaya ni insert ko nalang sa suot kong black jogging pants yung t-shit ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako. Nagbabangayan nanaman yung dalawa. May 35 minutes pa naman kaya umupo nalang muna ako sa sofa dito sa sala.

Napatingin kami sa pintuan ng biglang may pumasok na babae. May katangkaran rin ito. Sinundan ko siya ng tingin ng umupo siya sa gilid ni kamata-mata. Seryoso lang ang mukha nito.

Napatingin naman sakin si arfel kaya binalik ko nalang yung tingin ko sa cellphone ko.

"Ayh hihi. Ito nga pala Reniana. Kababata ko. Tsaka close rin sila ni yoona kasi magpinsan sila. Uhm reniana, si raki nga pala. Kasama ko dito sa dorm" pagpapakilala samin ni arfel.

Tumango lang ako at ibabalik sana yung tingin ko sa hawak kong cellphone ng bigla niyang inilahad yung kamay niya. Hindi naman ako bastos kaya.

Tinanggap ko naman yung kamay niya. Ngumiti ito sakin na ikanagulat ni arfel at kamata-mata.

"Ren. You can call me ren." nakangiting sabi nito. Tumango ako at binawa ko na yung kamay ko.

"Uhm raki bago nating ka dormate nga pala si ren. Nagtransfer na siya dito. Tsaka mukhang classmates kayo kasi special section ito. Yun binigay ng principal sakanya na folder eh" ani ni arfel. Napasulyap lang ako kay reniana tapos ay tumayo.

Kita ko naman ang pagsunod sakin ni reniana tsaka si arfel. Si kamata-mata pumunta narin sa building ng school nila. Grade 8 si kamata-mata. 14 years old. And yes, dito siya pinatransfer ng magulang niya.

Hindi naman talaga pwede dito yung mga elementary students tsaka grade7 and grade 8 pero dahil close ng parents ni mata yung principal ay nabigyan ng way. Dito narin nakatira si kamata mata.

Tsaka pina lagyan narin ng tatlong kwarto ito. Sa tingin ko, hindi ata to dorm eh. Bahay na siguro to. Oo bahay. Hehe

Tsaka alam na ni kamata-mata yung pupuntahan niya kaya bahala na. Minsan rin naman hinahatid siya ni arfel pero minsan hindi.

"Oh sige hanggang dito nalanang. Ingat kayo" paalam ni arfel at lumiko sa ibang way. Iba kasi yung building ng room niya.

Kami naman ni reniana hayst. Niana nalang. Dumiretso lang kami sa building kong saan naruon ang special section.

"Old student na ako dito. Since grade 7 dito na ako nag aaral. Galing akong New York, may inaasikaso. Ako kasi ang humahawak sa kompanya ng mommy ko kaya nalate ako pumasok" casual na sabi ni niana. Tumango lang ako pagkatapos ay lumiko kami at andito na nga kami sa tapat ng special section.

"Okay so ito yung mga nag register sainyo-" napatigil sa pagsasalita si ma'am-- wait what!?

Judge fey? Ba't nandito siya? Hays. Di bale, di naman niya ako kilala.

"Sit down" sabi sakin ni ma'am fey. Kaya umupo na ako sa pwesto ko. May nilagay narin silang apat na bakanteng upuan sa gilid ko.

Napatingin naman sila sa nakatayong babae sa front. Nagbow ito seryosong humarap samin.

"I'm Reniana Xian Yukixzukuran, 17 years old"

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon