CHAPTER 54 - 9 YEARS AGO - 2

67 3 0
                                    


9 years ago


"Raki please. Let's be friends" pangungulit ng japayoki na'to kay raki. Kanina pa niya kinukulit ito. Kasalukuyang nagbabasa kasi si raki. Sinulyapan lang ito ni raki tapos ay nagbasa muli.


"Promise hindi ako magiging sagabal sayo, hindi na kita kululitin pag tinanggap mo na ako" naka taas pa ang kamay na sabi nito kay raki. Napabuntong hininga nalang si raki at binaba yung libro na hawak niya at tumingin sa kanina pa kinukulit siya.


Hindi niya matandaan kong anong pangalan ng taong nangungulit sakanya. Basta babae daw ito.


Tumayo na lang si raki at iniwan ang babaeng nangungulit sakanya.


'sarap sipain' sa isip-isip na raki.


"Eeehh. Pansinin mo naman ako oh" pangungulit ulit ng babae kay raki. Hinarap naman ito ni raki "Who are you?" malamig na tanong ni raki sa babae. Nanlaki naman ang mata ng babae at tumayo ng tuwid na abot tenga ang ngiti. Nag bow ito kay raki.


"Kon'nichiwa. I'm Hirari Nao Kawashii. Let's be friends." nakangiting sabi ni hirari. Marunong ito mag tagalog kasi 2 years na siya dito sa pilipinas. Fast learner kasi siya.


Muling naglakad paalis si raki pero sinundan ito ni hirari.


"Stop following me" mariin na sabi ni raki kay hirari pero hindi parin ito nagpatinag at sinusundan parin si raki.


"I.said.stop.following.me" ani ni raki sa malamig na tono at humarap sa babaeng kanina pa siya kinukulit. Parang natakot naman si hirari pero hindi ito umalis.


"Let's b-be fr-friends pl-please" nauutal na sabi ni hirari kay raki pero nakatitig lang sakanya si raki.


"Please--"


"No" dugtong ni raki. Bumagsak nalang ang dalawang balikat ni hirari pero hindi parin ito mawawalan ng pag-asa. Hindi parin ito titigil.


Gustong gusto na niya talagang maging kaibgan si raki dahil sa ang astig daw nito. Tsaka palagi daw nito tinutulungan si hirari pag may nangyayaring masama sakanya. Kaya sobra na niyang hinahangaan si raki. Sabihin man nila na masama ang asal nito, para sakanya mabait siya. Ba't naman niya tutulongan nito kong masama ugali niya? Hindi siya naniniwalang hindi mabait ito, sa loob nga lang.


Pag angat niya ng tingin ay wala na pala ang kanina niya pa kinukulit na raki. Napabuntong hininga nalang ito at tumalikod. Baka mamaya ko na naman ito kukulitin.


Naka labas na siya ng gate nang biglang may humila sakanya. Sisigaw na sana siya ng may panyo silang tinakpan sa bibig at ilong nito kaya nawalan na lang siya ng malay.


***


Nagising nalang siya ng binuhusan nila siya ng malamig na tubig galing sa balde. Tatayo na sana ito pero napakagat nalang ito ng labi ng kumirot ang katawan nito. Naka tali pala ang buong katawan niya sa kinauupuan niya. Ang higpit ng tali kaya parang hindi na siya makahinga rito. Nilalamig narin siya.



"Kamusta bata?" nakangising tanong ng matangkad na lalaking nakaitim. Hindi niya ito kilala. Nakaramdam nalang ito ng takot.



"Pak-kaw-walan n-niyo k-ko" nanginginig na pagmamaka-awa ni hirari na nagpahalaklak nalang sa lalaking nasa harap niya.



"Ano kami tanga? Pagkatapos ka namin huliin, papakawalan ka lang namin ng ganun ganun lang? Hindi pwede yun bata hahaha. Asan ang cellphone mo!?" sigaw sakanya ng lalaking nasa harap niya kaya nanginig ang buong katawan nito. Tinuro naman niya ang bulsa niya kaya agad ito kinuha ng lalaki.



"Anong password!?" sigaw ng lalaki kay hirari.


"3028" agad na sabi ni hirari na nagpangisi sa lalaki. Nabuksan nga nito ang cellphone ni hirari at pumunta sa contacts. May tinawagan siya nito. Nanlaki naman ang mga mata ni hirari ng tinawagan nito ay si raki.


Sa ikatlong pagtawag ng lalaki kay raki ay yun palang na sumagot si raki. Nakalagay na ngalan sa contacts nito ay rookie. Rookie talaga ang tawag nito kay raki kaso ayaw yun ni raki pero yun talaga tawag niya don.


"Hoy kong sino ka man. Hawak namin itong babae niyo!" inis na sigaw ng lalaki kay raki at hinawakan ang i.d na nakasabit kay hirari at binasa ang ngalan nito.


"Si Hirari Kawashii. Kong gusto niyo pang makitang buhay siya. Punta kayo dito sa itetext kong lugar. Siguraduhin niyong may dala kayong pera! At walang pulis o ano. Kundi tutuluyan ko na ang babaeng to! Walang biro!" galit na sigaw ng lalaki at ni end ang call


"NO!" pero huli na dahil naitago na nito ang cellphone. Ngumisi ang lalaki sakanya ng ikinagalit ni hirari pero nandon parin ang takot sakanya.


Nag antay sila ng ilang minuto pero wala paring dumadating. Naiinip na ang lalaki. Si hirari naman ay expected na niyang hindi darating si raki. Ayaw nga niya itong tingnan, sasaklulohin pa kaya siya dito? Imposible. Yun ang nasa isip ni hirari.


"Alam mo, maganda ka ring bata ka eh. Dahil naiinip na ako. Bakit hindi ka nalang kaya namin pagtripan? Habang hinihintay ang pera?" nakangising sabi ng lalaki at hinawakan ang balikat ni hirari at pinisil ito.


Doble doble naman ang takot na nararamdan ni hirari. Nanginginig na rin ito ng sobra. Sunod-sunod ang mga luha na lumabas sa mga mata nito at napa hagulgol na.


"Sssshh. Mag eenjoy ka naman eh" nakangising sabi ng lalaki at tumawa naman ang mga kasama niya. Hinaplos muli ng lalaki ang balikat ni hirari pababa sa mga braso nito then sa binti kaya napakas na ang iyak ni hirari.



"No! Stop! Please stop! Kahit ano ibibigay ko sainyo. J-just s-stop. P-please" nanginginig na pagmamaka-awa ni hirari pero hindi ito pinansin ng lalaki. Binuksan ng lalaki ang mga butones sa uniform ni hirari pero nakapanloob ito ng sando.


Huhubarin na sana ng lalaki ang uniform ni hirari ng mga sumipa sa ulo niya. Napahiga ang lalaki sa sakit. Parang may kuryenteng naramdaman ang lalaki sa pagsipa ng ulo niya. Napakalakas na sipa.


Nang mahimas masana ang lalaki ay tumayo at galit na hinarap ang sumipa sakanya at ganun nalang ang pagtataka niya ng isa itong batang babae. Pero hindi nito nakikita ang mukha niya dahil naka mask ito.


"May isa rin pala tayong bisita na bata. Oh ano? Kaibigan mo ba to? Nandito ka ba iligtas siya? HAHAHA pwes magsama kayo!" sigaw ng lalaki at hahawakan na sana niya ang bata nang bigla nalang itong nawala sa harapan niya. Pagtingin niya sa likod at agad na sumalubong sakanya ang napakalakas na suntok sa mukha niya.


May lumabas na dugo sa labi at ilong nito. Galit na humarap siya sa bata at susuntokin sana ang bata nang nawala nanaman ang bata. Lilingon sana siya sa gilid ng bigla nalang siyang napaluhod ng biglang may matigas na bagay siyang naramdaman na humampas sa ulo niya. Nagdugo narin ang ulo nito.


Sumugod isa-isa ang mga tauhan ng lalaki pero ni isa walang naka tama sakanya. Nang lahat na sila tumba ay kinalagan na niya ang babaeng nakatali sa upuan.


Ginamit nito ang nakatagong dagger sa binti niya upang mas mapabilis ang pagkalag sa mga tali. Nang nakalaya na siya ay tatayo na sana sila ng biglang may naramdaman ang babaeng tumulong kay hirari na malamig na matulis na bagay na naka tutok sa leeg niya. Binitawan ng babae si hirari at pinatayo sa gilid.


Agad pinatumba ng babae ang lalaking tumutok ng dagger sakanya. Nang mapatumba niya ito ay napatingin siya sa lalaking hinampas niya ng baseball bat sa ulo na gumagalaw na ito.


Kaya agad niyang hinila ang babaeng pinatayo niya sa gilid at tumakbo sila.


Napunta sila sa madilim na gubat. Gabi na kasi kaya dumulim. Nagpahinga sila sa malaking puno. Napatingin sila sa mga lalaking papunta sakanila.

Nagkatinginan silang dalawa

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon