Inopen ko nga yung bag ko at kinuhua yung burger don at yung vita choco. Habang sila ay nakaupo na pinapanuod ako. Si Ruxx naman ay nakatayo lang na pinapanuod ako.Kumagat ako sa burger tapos ay nginuya nguya yun. Pagka lunok ko ay inopen yung vita choco ko gamit ang ngipin. Natapon naman sa kong saan yung takip nito. Ininom ko ito at kumagat ulit ng burger. Habang ang tingin ko ay diretso lang at seryoso ang mukha ko. Pati ang tingin ko ay napaka lamig.
Napatingin nalang ako sa nakatayong lalaking pinapanuod ako, si Ruxx. Kong kanina ay malalamig ang tingin niya ay ngayun ay hindi na. Hindi na seryoso ang mukha nito at parang nag-aalala ang mga mata nito. Naawa siguro to dahil ito lang ang kaya kong bilhin.
"Hindi kasi ako mayaman." seryoso kong sabi sakanya at binaling ang tingin sa mga kasamahan niya. "Kaya ito lang kaya kong bilhin" pagpatuloy ko sa sinabi ko.
"Ikaw. Ba't mo ba ako hinila dito?" seryoso kong tanong habang nakatingin lang na diretso at ngumunguya.
Naramdaman ko naman ang pag upo niya sa tabi ko at may inilapag na tray sa glass table na katapat ko. Napatingin naman ako don. Pero hindi ko yun ginalaw o ano. Seryoso lang akong nakatitig don.
"To feed you" malumay na sabi niya. Kinuha niya yung sandwich at tinapat yun sa bibig ko. Nakatitig lang ako don hanggang sa kinuha niya yung baba ko at pinisil yun kaya nabuksan ko yung bibig ko. Hanggang sa nginunguya ko na pala yung sandwich na sinubo niya.
"I'm sorry" sincere niyang sabi kaya napatingin nalang ako sakanya.
"For what?" seryoso kong tanong kaya napaiwas naman siya ng tingin.
"Because--- beacause i'm too late--no. Am i too late?" may halong pag-aalala sa boses niya at may puno ng hiya ang mga mata niya. Nagtataka naman ako sa pinagsasabi niya. Ano bang pinagsasabi nito?
"What the fuck?" casual kong tanong. Napaiwas naman siya ng tingin. Napapikit siya ng mariin tapos ay tumingin ulit sakin.
"Sorry" halos pabulong na sabi niya na ikinataka ko nanaman..
"I said. For what?" seryosong tanong ko at binaba ang hawak kong burger at ininom yung vita choco. Napatingin naman siya na iniinom ko tapos ay may hiya sa mga mata niyang napatingin sakin ulit. Natataka na ako sa mga actions niya mga bro.
"For leaving you" ani niya kaya napakunot naman ang nuo ko. Pinagsasabi niya? Ano daw? He's sorry for leaving me? When? And i don't know him.
"Since when?" takang tanong ko sakanya. Pati narin yung mga kasamahan niya ay may pag-alala sa mga mukha't mata nila. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Ano ba!
"Since nong mga bata pa tayo" ani niya at napaiwas ng tingin. Parang iniiwasan niyang tumingin sa mga mata ko.
"Ngayun, nagtataka ka dahil sa mga pinagsasabi ko. Pero kailangan ko ng sabihin sayo ang lahat bago pa mahuli" ani niya at napatingin sakin. Tumayo siya at tumayo narin ako. Ngayun magkaharap na kami.
"What do you mean? I don't get you! I can't-- i can't get you!?" naiinis kong tanong sakanya. Huminga siya ng malalim at humakbang patalikod. Tapos ay humarap sakin habang hawak ang isang maliit na kahon. Kita ko naman na senensyahan niya ang mga kasama nito na lumbas.
"Kamusta ang second house mo?" nakangiting tanong niya na nagpakunot ng nuo ko. Pano niya nalaman ang pangalawang bahay na binigay sakin nila lolo't lola? Tanging sila lang ang may alam at ako. Tsaka yung may-ari ng bahay na yun, na kuya ko daw sabi ng mga grandparents ko.
"By any chance, do you know Mrs. Ford and Mr. Ford?" tanong ko. Apelyedo yun ng grandparents ko na middle ko rin.
"Yes. Ofcourse. Panong hindi ko kilala ang mga grandparents ko?" ani niya ng ikinagulat ko. Is he.... What the fuck.
"I'm your older brother. Wala kang natatandaan. 9 years ago, you were just 8 years old that day. You are the so-called legendary Dusa. Maraming gustong kunin o patayin tayong dalawa. Para panlaban sa mga magulang na'tin. Uxxar Lacuna Otokawa. Our father. The mafia boss. Iakireass Camn Ford, our mother. The legendary assassin"
"One day. Sinugod tayo ng mga kalaban nila dad and mom. Lahat ng kalaban na gangsters, mafia, assassin, reapers ay nagtulong-tulongan upang patayin tayo. May mga traydor rin satin non. Nasa van tayong lahat, maraming humahabol sa'tin. Ikaw target ng humahabol sa'tin nun. Mawawalan narin tayo ng gas at hindi gumana yung break. Pinlano rin nila yun"
"Kaya nabangga tayo sa malaking puno at tumalipon yung van na sinasakyan natin. Nawawalan na tayo ng lakas. Biglang may bumukas ng pintuan ng van natin at tinutukan ng baril si dad, pero agad hinarang ni mom yung sarili niya kay dad kaya dalawa silang nabaril. Bigla namang may naring na wangwang ng mga pulis. Wala na akong matandaan. Ako kasi may helmet akong suot. Naka motor kasi ako bago pa may sumugod satin. Kaya hanggang sa sumakay tayo sa van ay hindi ko nahuhubaran yun"
"Medjo may lakas pa ako nun kaya niligtas kita. Yun yung sabi ni dad bago binawian ng buhay. Wala na sila mom and dad. Naka 2 weeks naman ako sa hospital. Pero ikaw, naka 2 years ka ng coma. Paggising mo ay naka 3 days bago ka nilabas. Ako ang umalaga sayo at sina lolo't lola. May kinailangan akong asikasuhin na napaka importante kaya binilin kita sakanila. Hanggang sa lumaki kang inosente. Nilihim namin ang lahat sayo para maging safe ka." mahabang kwento niya tapos ay uminom then tumingin sakin.
"Dahil sa oras na malaman nilang buhay ka pa, manganganib ang buhay mo. Lalong lalo na't kaka galing mo lang sa coma. I'm Ruxxiaries Ford Otokawa. And you are Rakiaries Ford Otokawa, the long lost Medusa from UTARUZ, the legendary Dusa"
Pagkasabing pagkasabi niyang yun ay bigla akong nabingi. Napapikit nalang ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Nagka nose bleed narin ako. Bigla akong napaluhod sa sobrang sakit ng ulo ko. May naririnig rin akong putok na baril sa isipan ko, mga iyak, sigaw.
"Raki, stay right there. Babalik lang si dad okay?"
"Raki, my baby. Are you hungry? Nagluto si mommy ng favourite mong ulam"
"My princess. C'mon. Let's play. Kuya is not busy anymore hehe"
Bigla akong napahawak sa ulo ko ng sumakit ito ng sobra sobra. Mga iba't ibang boses na naririnig ko sa utak ko. Napadilat nalang ako ng maramdaman kong may humawak sakin. Si Ruxx. Ang sinasabi ng mga grandparents ko na kuya ko. Akala ko tumatanda lang sila kaya nasasabi nila ang mga bagay na yun pero totoo pala.
Nandidilim na ang paningin ko. Umikot na ang tingin ko hanggang sa napahiga nalang ako at huli kong nakita ang nag-aalalang mukha ni ruxx. Ang kuya ko.
After that, nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
FOURTEEN UTARUZ: She is Raki Santiago
AcciónShe's badass. She have no mercy. Wala siyang kinakatakutan. Hindi siya takot sa madugong labanan, ang madugong labanan ang takot sakanya. She is the Legendary Dusa or Medusa. Ang parang bala ng baril kong gumalaw, napakabilis. Ang napaka itim nitong...