CHAPTER 23 - THE TEMPURA GROUP

89 5 0
                                    


Napakunot noo naman ako ng biglang may kong anong liwanag na pumaso sa mukha ko. Liwanag? Nasa langit naba ako? Dito ba ako pinunta ng tulog ko?

Napadilat naman ako ng biglang kumirot yung kabilang tenga ko. Awts.

"MASARAP BA TULOG MO!?" Biglang sigaw ng nasa gilid ko. Tiningnan ko naman kong sinong putanginang ito at.... Si Ma'am. Kaya pala biglang napaso yung mukha ko kasi inalis pala ni ma'am yung panyong naka takip sa mukha ko. Tsaka don sa pagkirot ng tenga ko? Ayun nilakasan ata yung paghawi ni ma'am sa suot kong headset kaya ganun.

"Kamusta paniginip ha?" Nakapamewang na sabi sakin ni ma'am. Sinarado ko naman yung bintana tsaka tinago yung headset ko. Pasin kong nasa akin ang tingin ng ng lahat. Nandito narin yung ibang classmates namin. Kaya ayun, full na ang room. Yung iba nagpipigil ng tawa. Yung iba seryoso lang na nakatingin, yung iba wala lang. Nakatingin lang.

"Sagot!" Sigaw pa ng tabachoy nato. Bro, naiistress ako sakanya. Pramis.

Nagbow head lang ako sakanya, sign na nagsosorry. Hindi ko naman kasi alam na may klase. Hayst. Tulog pamore.

"Nako mga batang to talaga. Osya. Papalagpasin ko to pero wag na wag mo na uulitin ha?" ani niya tapos pumunta sa front then humarap sakin.

"Yes ma'am" walang lakas kong tugon sakanya. Di ako marunong maging hyper eh bakit ba!? At pano rin ba ngumiti? paturo.

"NAGKAKAINTINDIHAN BA TAYO!?" Sigaw nitong tabachoy sakin na para bang nainis sa pag tugon ko sakanya na walang lakas. Baka isipin niya boring siya. Eh totoo naman.

"Yes ma'am" Seryoso kong sabi sakanya pero nasakin parin ang tingin ng lahat. Binaling ko ang tingin ko sa bintana.

"Promise?" Sabi sakin ni ma'am kaya napalingon ako sakanya. Nakangisi ito sakin. Ma'am pramis. Tumango lang ako sakanya.

"PROMISE!?" Sigaw nito sakin. Halos lahat dito ay pabaling baling ang tingin sakin at kay ma'am pero yung mga cold at seryoso ay nasa akin lang ang tingin. Nakatitig sakin kumbaga. Oo nga pala wala pala akong ayos. Pakealam ko naman? Tapos wala pa akong suklay eh mas pakealam ko. Once in a blue moon lang ako magsuklay no.

"RAKI SANTIAGO! PROMISE!?" Nalipat naman yung tingin ko kay ma'am at nanlilisik na ang mata nito sakin. At mas ultra mega pakealam ko?

Tumango lang ulit ako sakanya. "Walang halong kemikal" seryoso kong sabi. Kita ko naman ang pagpigil tawa ng iba yung mga seryoso at cold naman ay umiwas lang ng tingin sakin. Then nagpatuloy na nga mag discuss si ma'am. Hanggang sa break time na. 2 hours yung break time namin kaya gora.

Nagsitayuan namin sila at isa isang umalis ng silid. Hanggang sa ako nalang ang natira at si checkmate. Sumulyap muna ito sakin tapos ay nilisan narin ang silid.

Pero sa saktong pagka labas niya ay nahulog naman ang notebook niya. Tatawagin ko sana siya ng bigla na itong nawala. Pero papalabas narin naman ako kaya pinulot ko ito at tinago sa bag. Mamaya ko na siguro ito ibibigay sakanya.

Pumunta ako sa cafeteria at umorder. Naghanap ako ng mauupuan ko at buti may bakante pa. Uupo na sana ako ng naunahan ako ng dalawang babae. Isang matangkad at isang bata. Hmm familiar.

"Hihi upo na" Sabi ni arfel. Umupo naman ako nilapag ang tray ko. Naka order narin pala sila. Nagsimula na silang kumain pero tahimik ata? I mean itong mga kasama ko. Syempre yung mga tao dito puro bulong, nag titilian. Andito kasi yung tatlong grupo.

"Paka busog ka ha" Nakangiting sabi ni arfel sa bata pero palihim lang nito nginusohan ng bata. Mukhang alam ko na kong ba't to tumahimik.

"You can do whatever you wan't. I don't mind" seryosong sabi ko kay mata bago tinuloy ang pag kain. Napa angat naman yung tingin niya sakin tapos biglang ngumiti ng malapad.

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon