CHAPTER 40 - SINGING QUEEN & KING

77 6 0
                                    


CASTELL POV



"Sinong mauuna? Punta lang stage. The stage is yours"


This is it.



***


Hanggang sa kaunti nalang sila ang hindi pa nakahirit. Ang nakaupo ngayun sa trono ng singing queen ay si Ironice. 6 consecutive lose nalang ay panalo na siya. Naka 83 ito ng vote.


Pero biglang umakyat sa stage si Yena. Ang pangalawa na magaling kumanta sa Mint Academy. Sikat din ito dahil sa boses niya at kagandahan niya. Kinuha niya yung mic tapos ay humarap samin. Nasa likod naman niya si Ironice na nakaupo sa singing queen throne.


Nagsimula na siyang kumanta. Pero konti lang dapat ang ikakanta mo na lyrics. Mga 45 seconds maximum. Tsaka dapat ay a capella, walang background minus 1 music, para mas marinig ng maigi ang boses. Tumingin ako kay Ironice. Sana hindi siya mawala sa kinauupuan niya.


Nang matapos itong kumanta ay nagsipalakpakan ang mga tao. Lahat kami ay naghihintay sa vote. Makikita ito sa napakalaking screen sa taas. At ganun nalang ang gulat namin ng naka 85 ito. Tinalo niya lang ng 2 votes si Ironice. Kaya ngayun ay pabalik na sa pwesto namin si ironice samantalang si yena nanaman ang nakaupo.


Nakangisi pa ito kay Ironice bago umupo ng maayos sa throne na may ngiting tagumpay. Psh. Kala niya tatagal niya jan. Nalamangan niya lang si ironice kasi pumiyok si ironice nong last part ng lyrics. Dahil narin sa pag practice niya kaya hindi nakapagpahinga yung boses niya.


Hanggang sa 8 consecutive lose nalang ay panalo na siya. Gusto ko mawala yung mga mapang asar niyang ngiti at gusto kong mawala siya sa kanauupuan niya. Kahit wag na ako ang umupo, kahit iba nalang. Wag lang siya.



Wag lang ang mandadayang babaeng yan.


Alam kong nagpalagay siya ng effect sa mic niya. Pero syempre walang makakaalam. Mabilis kasi gumalaw ang babaeng to. Tsaka di halata na nagpalagay siya ng effect sa mic kasi nilalakasan niya yung boses niya kaya akala nila, yung boses lang niya ang dala niya.


Nang wala ng tumayo para tanulin siya ay tumayo ako at taas noong pumunta sa stage. Lahat kami may kanya-kanyang mic. Pero hindi ako nagpalagay nh effect ha?



Nagpalakpakan naman sila. Kita ko namang may pinagkakabahalaan ang kagrupo ko sa likod nila kaya hindi nila alam na nasa stage ako. Itinapat ko na yung mic sa bibig ko at nagsimulang kumanta.



It's you, It's always you
If I'm ever gonna fall inlove
I know It's gon be you~



Nakita ko namang dahan dahan humarap yung mga ka grupo ko at yung ibang hindi nakapansin na umakyat ako. Kita ko naman ang mga gulat sa mata nila. Maliban kay hiba at pinishian.



So, please don't break my heart
Don't tear me apart
I know how it start
Trust me i've been broken before~

Don't break me again
I am dedicate
Please don't break my heart
Trust me i've been broken before~



Tapos ay nag bow ako. Nagsipalakpakan naman at kumakaway naman si faber at trex. tsk supportive friends uha!


Biglang umilaw yung screen kaya napatingin kami dito. Then napangisi nalang ako ng makita ko ang score. 87 ito.


Nakangisi naman akong humarap kay yena na nagpipigil ng inis. Ngumiti naman ako ng matamis sakanya kaya mas lalo pa siyang nainis. Umalis siya sa trono na may pilit na ngiting bumalik sa mga kagrupo niya. Ako naman ang umupo.


Hanggang sa 7 consecutive lose nalang ay panalo na ako. Biglang umakyat sa stage si Beth. Ang pangatlong magaling kumanta sa Mint Academy. Napangisi nalang ako. Isa pa to eh. May nilagay rin sa mic.


Nang matapos ito kumanta ay di na ako magtataka kong bakit ako tinalo nito. Naka 88 siya. Kaya umalis ako sa throne then bumalik sa pwesto namin.


"Uy girl ikaw ha. Di namin inexpect na tatayo ka" nakangising sabi ni faber at sinidot ako sa tagiliran.


"Oo nga. Napalingon nalang kami ng marinig namin yung boses mong matinis na malinis" puri ni trex. inirapan ko lang to tapos ngumiti.


Biglang umakyat sa stage si Hime Montenegno. Siya na ang pinaka last na mag peperform sa'min. Siya lang kasi ang hindi pa nakahirit sa Yukz. Academy. Ang main vocalist sa G-owl.


Bigla itong kumanta ng 'Hello by: Adele' at ang ganda ng boses niya. Tuloy tuloy lang ito na para bang hangin lang.

Nang matapos siya ay tiningan namin yung vote niya sa screen. Naka 90 ito. Hindi naman kataka-taka. Ang linis ng boses eh.


Hanggang sa 8 consecutive lose lang ay panalo na siya. Sana magtuloy tuloy na.


Biglang namang napalakpakan ang mga tao ng umakyat sa stage si Nara. Kong si yena ang pangalawang magaling kumanta sa Mint Academy ay si Nara naman ang rank 1. Ang pinaka magaling na singer na babae sa Mint Academy. At okay, magaling na siya. Magaling naman talaga siya.


Nang matapos na siyang kumanta ay naka 94 votes ito. Hanggang sa sunod sunod na ang umakyat pero wala paring nakakatalo sakanya. 5 consecutive lose ay panalo na siya.


Wala na kaming performer--- teka. Napatingin kami sa umakyat sa stage. Si Leysha. Lead vocalist ito sa Bigflo. Grabe naghiyawan ang mga lakaki. Ang ganda niya kasi. Siya kasi ang face of the group ng Bigflo.


Pero hindi niya parin natalo si Nara. 90 lang ang votes niya. 4 consecutive lose nalang panalo na siya. Hindi maaari. Napatingin kami sa umakyat sa stage. Si Aquina, ang main vocalist ng Bigflo.


Nakaka mangha yung boses siya. Lalo na kapag gumagawa siya ng sarili niyang version. Pero pumiyok din ito sa last part. Kaya naka 89 ito. 3 consecutive nalang ay panalo na si Nara.


Walang sino man ang umakyat sa stage. Mahabang katahimikan. Hanggang sa naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan. Napatingin naman ako sa umakyat sa stage.


Si Luna.



Well you only need the light
When it's burning low
Only know you love her
When you let her go


Napaka tahimik ng kapaligiran. Walang sino man ang gusto sumigaw, humiyaw o magpalakpakan. Parang nilalamig na rin kami.



Only know you've been high
When you're feeling low
Only hats the road
When you missing home
Only know you love her
When you let her go



Napaka lalim ng boses niya. Parang may kong ano sa throat niya kapag kumakanta kasi kumukulot ito na parang smooth. Napakalamig ng boses niya at ang lalim. Parang gusto mo nalang siya pakantahin habang buhay.



And you let her go~



Napaka ganda. Napaka lalim. Napaka smooth. Halos mabingi na ako sa palakpakan at hiyawan ng mga tao. Halos lahat sila ay napatayo. Pati ang mga judges ay napatayo. Pati nga ako diko alam basta hanggang ngayun shock parin ako. Nagsiupuan narin kami.


Pati si Nara ay shock narin na kinakabahan. Sino ba namang hindi? Hinintay namin yung vote niya at hanggang sa umilaw ang screen. Sa singing at rapping queen/king ay kahit lumagpas sa 100. Yung dancing queen/king lang talaga yung hanggang 100 lang.


Napatingin kami sa screen ng tumunog ito at nakalagay nga sa malaking screen ang votes niya.

256

SABOG!

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon