CHAPTER 43 - DANCING KING & QUEEN COLLAB

71 5 0
                                    


"Uy. Tawag ka ni Feelgo oh" ani ni aquina at kinalabit si leenara. Napatingin narin ako. Lumingon naman si leenara kay feelgo. Tapos ay nag usap sila gamit ang bibig at kamay. Hindi rin marinig kasij parang naka mute lang yung bibig nila habang nag uusap.


Binalik ko nalang ako tingin ko sa stage. Tiningnan ko naman ang oras sa cellphone ko. 9:38PM ng gabi. Inaantok na ako.



"Okay sa isa nalang" nabalik ang tingin namin sa stage. 14 na ang hindi sakanila naka talo. Isa nalang ang kulang, pag wala ng makatalo sakanila ay panalo na ang Mint Academy sa dancing queen at king.


"Okay unahan muna natin ang dancing king. Anybody?" tanong ng mc. Umakyat naman ng stage si Elium. Nagsitilian naman yung mga babae at nagpalakpakan.


Pomosisyon na si Elium. At ayun nanaman yung mga galaw niya. Nakakainis. Palagi nalang niya nakukuha atensyon ko. Hindi naman sa hindi ko kaya yung mga galaw niya pero iba eh, parang cartoon lang kasi siya na edited. Na-a amaze ako.


Mga smooth kasi ng galaw niya. Nagja jabbawokeez dance siya. Tapos pag umiikot siya ang smooth ng pag step by turn ng paa niya. Pag nag ba-body wave naman siya, ang lambot ng katawan.


Tangina niya.


Wag niyong lagyan ng malisya mga pinagsasabi ko ha. Naiinggit lang kasi ako mga ganyan. Nagagaya ko rin naman yung mga ganyan pero hindi ko alam kong smooth ba tignan o sharp o detailed o baka force.


Nang matapos na siya sumayaw ay talagang siya ang mananalo. Naka 100 votes siya 100/100. Hanggang 100 lang kasi yung votes. Hindi siya unlimited.


Kinalabit naman ako ni leenara. Napatingin naman ako sakanya. Lahat pala sila nakatingin sakin.


"Go" utos sakin ni leenara. Kaya tumayo ako at naglakad papuntang stage. Nang maka apak ako sa stage ay pomosisyon ako. Wala naka tayo lang ako habang yung isa kong kamay ay nasa bulsa.


(Now playing: "Yeah" by: Usher)


Nang marinig ko yung dalawang beat at pina vibarate ko yung katawan ko ng makadalawa. Hanggang sa nagtuloy tuloy yung music.



Yeah yeah yeah yeah yeah
Yeah yeah yeah yeah yeah


Nag hiphop freestyle lang ako. Nang naging pre-chorus na ay nag umikot tapos ni wave yung kamay ko pababa sa paa then nag moonwalk ako.


Titigil sana ako kasi time na pero nagtaka ako ng hindi parin tumitigil yung music. Kumaway lang yung coaches na ipagpatuloy ko lang daw.


Nang marinig ko ang chorus ay nag hiphop freestyle ulit ako then marinig ko yung maraminy beat at umikot ako na parang ikot ni michael jackson. Pagkaharap ko nag jabbawokeez move nalang ako tapos nag wave ng katawan din umikot ulit then nagpose. Ewan pero ang napose ko ay yung posisyon ko. Nakatayo habang yung isang kamay ay nasa bulsa.


Nagsipalakpakan naman sila at naghiyawa. Tiningnan ko naman ang votes ko.


100


Lumapit ako don sa trono at kinuha ang gold na circle na may nakasulat na 'Dancing Queen' nilagay kolang ito sa bulsa. Nilalagay dapat ito sa gilid ng damit, doon sinasabit pero binulsa ko lang yung akin. Umupo na ako throne. Habang katabi ko naman si Elium.


Nasa harap lang yung tingin ko. Nakikita ko naman sa gilid ng mata ko na nakatitig siya sakin.


"Staring is rude bruh" casual kong sabi habang nakatingin parin sa harap. Seryosong nakatingin sa harapan. Inaantok na ako.


FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon