CHAPTER 45 - Keep it Up Self

66 6 0
                                    

Lumapit naman ako don sa bodega at sinuri-suri pa ang kabuoan nito. Wala namang mga laman kundi mga malalaki barel na puno ng tubig, mga kahit anong metals etc.



Bigla naman ako napatago sa isang barel ng may mga taong lumabas mula sa isang pintuan. Gago.


Nagtatawanan sila habang may kanya-kanya silang hawak na mga sandata. Pagkatapos ay umupo sila sa isang kahoy na upuan habang nag-uusap.


"Tingnan natin kong anong tapang ng isang yun" nakangising sabi ng leader ata nila. Nagtawanan naman yung mga kasama niya. Sino ba ang 'isang yun?'


Bigla namang may lumabas muli sa gilid nila which is may pintuan. Isang lalaki ito.



"Boss. Tapos na po" sabi ng lalaki at napangisi naman ang boss nila.



"Wala naba? HAHAHA" halakhak ng boss nila. So it means, may tao silang pinahirapan sa loob ng kwartong yun. Okay okay gets ko na hihi.


Tumayo naman yung boss nila at nagsitayuan narin yung mga kasamahan niya.



"Iwan niyo muna yan" seryosong sabi ng boss nila at umalis sa kinakatayuan niya. May isang daan siyang nilikuan at ang kanyang mga kasamahan. Nang wala ng tao ay lakad takbo akong pumunta sa pintuang yun. Pero syempre nang iingat ako. Buti naka rubber shoes ako at ito yung hindi naririnig kapag tumatakbo o nilalakad.



Inayos ko yung mask ko at yung damit ko. Naka full black pa naman ako baka sabihin ng iba, kasali ako sakanila. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan. Napakadilim pero may isang ilaw na nakatutok sa isang upuan kong saan may duguang taong nakaupo ron kabang naka kadena ang paa at kamay nito



Sinarado ko na yung pintuan kaya napatingin siya sakin. Ngumisi ito pagkatapos ay dumura ng dugo. Lumapit ako sakanya habang siya ay nakangisi lang na sinusundan ng tingin.


"Mga duwag! Kong gusto niyo ng laban ba't niyo ako kinadenahan? Aminin niyo na kasi, na hindi niyo ko kaya HAHAHA" halakhak nito sakin pero seryoso parin yung tingin ko. Tsk akala talaga nito kasama ako sakanila.


Naramdaman ko naman yung mga tawanan sa labas kaya agad-agad kong kinalas yung mga kadena niya. Napaka higpit pa nito kaya medjo natagalan ako. Ngayun doon naman ako sa paa niya. Lumuhod ako at kinalas rin yun. Tumayo ako at nilagay yung kamay niya sa likod ko at tinulungan siyang tumayo.


"Ano ba!? Saan niyo naman ako papahirapan ha!?" sigaw ngunit bulong nito.


"Sssshh" ani ko sakanya. May butas kasi dito sa pinto at nakita kong wala ng tao doon kaya dahan-dahan kong binuksan yung pinto at lumabas habang akay-akay siya. Naglalakad lang kami at kong saan ako kanina nagtatago ay don ko muna siya itinago tsaka syempre pinaupo ko don. Wala namang makakiya sakanya rito kasi may malalaking barel ang nakapalibot samin at sirang pintuan kaya hindi siya makikita rito.


Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung mga dugo niya sa katawan. Pagkatapos ay pinunit ko yung sando na panloob ko at yung ang binenda ko sa tuhod niya. Mukhang natamaan ito ng shurikien pero hindi naman gaano ka lalim. Kinuha ko sa bulsa ko yung sandwich at binigay ito sakanya. Nagtataka naman niyang kinuha ito.


"Stay right here and don't be so noisy" seryoso kong bulong sakanya. Napatingin naman ako sa mga taong lumabas mula sa gilid at nakita ko ang boss nila at yung mga kasamahan niya na may mga hawak na iba't ibang alahas. Magnanakaw. May isang lalaki rin silang tinutulak tulak. Mukhang may katandaan na ito, mga 40's na at kong titingnan mo ay mukha talaga siyang mayaman. Sakanya ata ang mga alahas na hawak ng masasamang taong yan.


Walang awa nilang tinulak yung inosenteng lalaki tapos ay nagtawanan sila. Tumingin naman ako sa paligid at may nakita akong mga tali na nakasabit, napansin ko lang.


May tali rin dito sa tabi ko na nakabitin kaya hinawakan ko yun at hindi na nagdalawang isip na akyatin yun. Nang nasa taas na ako ay lumipat naman ako sa isang tali hanggang sa katapat ko na yung mga lalaki pero hindi nila ako makikita kasi madalim dito at bukod pa don, nasa itaas lang nila ako.


Susuntokin sana ng boss nila yung inosenteng lalaki at tumalon don sa boss nila tapos ay sinapa ng malakas yung likod niya. Tumakbo ako papunta sa boss nila at sinipa rin yung mukha at paa niya. Gago siya.


Kaya sinugod naman ako ng mga kasamahan niya. Nakipaglaban naman ako sakanila pero nong makita kong may mga hawak na silang sandata ay nag isip ako ng paraan.



Tumakbo ako sa gilid kong saan madilim. Kinuha ko yung nakalambitin na talibat inaykat yun. Ngayun ay nagsiraramdaman na sila. Agad ako tumalon at sina pa yung dalawang lalaki na may hawak na baril kaya tumalipon sa malayo yung mga baril nila. Napangisi naman ako. Sinapa ko yung mga baba nila pataas kaya napahiga sila. Dudugo yung bibig nila panigurado.


Ngayun apat nalang yung kailangan kong patumbahan. Kinorner nila ako. Napangisi naman ako. Tapos ay sabay-sabay ng sumugod. Pero dahil may tali sa tabi ko na nakalambitin ay hinawakan ko yun at umakyat kaya ang resulta ay nagkabanggang na silang apat.



Tumalon muli ako at sinipa yung ulo ng dalawa kaya nawalan sila ng malay. Napa antras naman yung dalawa na tila nagdadalawang isip kong susugodin ba ako o hindi. Napangisi naman ako.



Agad akong pumunta sa inosenteng lalaki at pinatayo ito.



"Takbo" seryoso kong sabi sakanya. Nagdadalawang isip pa siya pero sa huli ay tumakbo nga ito palabas kaya humarap naman ako sa dalawa.



"Takbo" sabi ko rin sakanila kaya tumakbo sila. Pero hindi pa sila nakalabas ay natumba na sila. Pinagbato ko kaya ng shurikiens yung mga tuhod nila. Yan ang napapala niyo.



Nagpagpag na ako ng damit at inayos yung mask ko. Lumapit ako don sa lalaking tinago ko dati sa pinagtataguan ko. Nakita ko siyang nakaupo habang nagtatakang nakatitig sakin.


Isa pala siyang member ng G-owl. Hindi ko alam ang pangalan basta isa siyang member ng G-owl. Nilahad ko naman yung kamay ko kaya tinggap naman niya ito at tumayo. Hindi ko na siya inalaylayan kasi mukhang kaya na naman niya eh.



Pagkalabas namin ay humiwalay na ako sakanya at liliko na sana sa isang daan ng mapatigil ako ng magsalita siya.



"Who the hell are you?" takang tanong niya. Pero hindi ko siya hinarap.



"You're welcome" tanging sabi ko at lumiko na sa isang daan. Napa sulyap ako sa likod ko at nakita ko siyang lumiko narin sa isang daan. Mukhang doon ata yung dorm nila.



Pagkaharap ko sa pintuan ng dorm namin ay hinubad ko yung mask at jacket ko. Pinunasan ko yung kamay, mukha at leeg ko gamit ang jacket tinali ko narin yung buhok ko tapos ay pumasok na. Kita ko namang kumakain yung tatlo. Si kamata-mata, arfel at niana.


Hindi ko na sila pinansin at pumasok sa kwarto ko. Naligo ako at nagpambahay ulit. Humiga ako sa kama at nagheadset para makinig ng musika.


Habang nakatitig ako sa itaas ay ang dami ng pumapasok sa utak ko. Andami na ng nangyayari sakin, na hindi ko alam kong pano ko nalagpasan ang mga yun na tapos. Walang halong 'iniwan' kahit kunti.


Ganun ba talaga ako kalakas?



Napangiti naman ako. Keep going. Keep it up self. Dapat mas maging matatag ka kasi, ikaw lang mag isa. Tandaan mo yan self ha. Pinunasan ko naman yung luhang pumatak sa dalawang gilid ng mata ko.



Napapikit naman ako. Hindi dapat ako umiiyak. Kaya dumilat ako at napahinga ng malalim. Phew. Kaya ni charge ko na yung cellphone ko at nilagay sa tabi nito ang headset ko at humiga sa kama. Kinumutan ko ang sarili ko at pumikit ng mariin.

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon