Nagising nalang ako dahil nakaramdam ako ng ihip ng hangin. napamulat naman ako dahil naka sarado naman yung bintana sa kwarto ko at hindi naman ata yung aircon di ba?Tumayo ako at hindi na nag abala pang silipin yung bintana. lumabas ako dahil nakaramdam ako ng uhaw.
Paglalabas ko ay dumiretso ako sa kusina at uminom. Hindi rin nagtagal ay bumalik na ako sa kwarto. Pinihit ko yung doorknob ng kwarto at pumasok. Isasarado ko sana ito ng may narinig akong mahinang kaluskos sa labas. dahan dahan ko sinarado yung pinto pero nagbigay parin ako ng space upang sumilip mula roon.
Sa kwarto ni, arfel?
Hindi ko na sana papansinin pa pero may narinig ulit ako ng kaluskos. Pero this time, parang boses na yun. May nangyayari nanaman bang masama? Yung mga anino nanamam ba? Psh. Kabaliwan. Umiling iling lang ako at muling sumlip don. Sa kwarto ng ka dorm ko.
Hindi kasi gaanong nakarasado yung pintuan ng kwarto niya. Gaya ng akin, may konting space rin kaso walang masilipan yung kanya. Kumbaga, konting tulak lang, masasarado niya. Malapit na kasi yung doorknob niya don sa panlock. Basta yun na yun.
"habsgayabw" hindi ko maintindihan yung pinagsasabi nila. Basta ang alam ko, bulong ang mga yun. Pero parang nag sisigawan na bulong? Kasi ramdam kong galit ito eh.
Lalabas na sana ako upang puntahan siya sa kwarto pero mukang napasandal ito sa pintuan kaya nasarado na ito. Kakatok ba ako?
Kaya kumatok nga ako. Ilang sigundo pang tumahimik yung kwarto bago ito nabuksan. Nakangiti naman itong humarap sakin. Okay happy siya.
"Hmm?" nakangiting tanong sakin na para bang tinatanong kong may kailangan ba ako. Ano nga bang kailangan ko?
"uhm. kamusta?" POTANGENA! Anong klaseng tanong yun? Sandali pa itong natigilan bago ito sumagot.
"O...okay lang?" Nangtatanong niya sabi. Siguro iniisip niya na abnormal ako. "Pumunta kalang ba dito para itanong yan?" Natataka niyang tanong at pinaningkitan ako ng mata. Kaunlanan ay ngumiti rin.
"Uhm sa totoo lang--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang nag ring yung cellphone niya. Hudyat na may tumawag. Phew thanks sa tumawag.
"Una na ako" Sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod. Nang nakapasok na ako sa kwarto ay isasarado ko sana yung pintuan ng makita kong hinirang ni arfel yung kamay niya. Buti at hindi ko naituloy agad. Maiipit tong kamay niya.
Tiningnan ko lamang siya. Parang nagets naman nito ang tingin ko kaya napakamot naman ito sa ulo.
"Sorry kong na istorbo kita ha? Kasi--" hindi niya natuloy yung sinasabi niya ng may batang sumulpot bigla. Bata? Anong ginagawa ng isang batang babae dito?
"Yah! Diba sabi ko wag kang lalabas ng kwarto?" Mahina ngunit parang sigaw narimg bulong nito. So sila pala yung naririnig ko kanina. Akala ko kong ano na.
"Duh. It's so boring in your room. All i can see is books, books, books, and books. I want to play" Pag tataray nito kay arfel. Lumuhod naman ito at hinimas ang buhok, aww ang sweet rin pala ng babaeng to.
"Baby. Walang laruan si ate eh. Di bale, bibili tayo ha?" panglalambing ni arfel sa bata.
"How?" Nakataas kilay na sabi ng bata ay nag cross arms pa. Ang taray ng bata grabe. Ngumiti lang si arfel na ikina irap ng bata. Graba naman ito.
"Wait here okay? Stay here." Sabi ni arfel tapos tumayo at bumalik sa kwarto. Mukhang may kukunin ata to.
"Tsk" irap ng bata tapos napatingin ito sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos tinaas niya kilay sakin.
BINABASA MO ANG
FOURTEEN UTARUZ: She is Raki Santiago
AksiShe's badass. She have no mercy. Wala siyang kinakatakutan. Hindi siya takot sa madugong labanan, ang madugong labanan ang takot sakanya. She is the Legendary Dusa or Medusa. Ang parang bala ng baril kong gumalaw, napakabilis. Ang napaka itim nitong...