CHAPTER 34 - BIGFLO'S COOL ENTRANCE

83 4 0
                                    


RAKI POV


"YAH! HEY! 8 7 6 5 4 3 2 1 WOAH!" halos sabay-sabay na sigaw nila. Nandito kami sa practice room dahil nagprapractice kami malamang. Tanga lang?


"TURN! HEY! 1 2 YAH! SLIDE! WAVE! 1 2 4 4 TAK! TAK!  1 2 TAK! TAK! WALK! 2 3 4! POSE!" sigaw ko sa tag iisang step. Lahat kami focus sa harap namin na salamin at halos ibigay nila yung energy nila while ako pachill chill lang. As expected. Maganda ang kinalabasan.

Nang matapos na yung music ay ni pause namin yung speaker. Lahat naman kami kumuha ng towel at sariling mineral water at nagsiupo sa lapag. Lahat kami hiningal pero mas grabe sila.


Lahat kami napatingin sa bumukas na pinto at iniluwa roon si manager na nakangisi.


"Hindi ko pa napapanuod yung iper-perform niyo pero alam kong maganda naman ang kalalabasan. So guys kailangan niyo na maghanda. By 1PM ng afternoon ay start na" pagpapaalala samin ni manager at umalis na siya.


By the way. Ngayun na pala yung gaganaping competition. Tiningnan ko yung relo ko at 12:40 na pala potangina. Akala kasi namin 2PM. Iniba na pala nila. Agad kami nagsitayuan then naghanda.


***


"OMG! Late na tayo guys" tarantang sabi ni Leysha. Oo nga 2:20 na. Hays antagal kasi nila.


"Oo nga! Pero don't worry guys. Hindi naman tayo ang una. Tsaka diba sabi ni manager, ang huling mag peperform ay ang mga grupo sa intertainment. Paniguradong maiinip lang tayo don pagdating natin" ani ni Shakira. Oo nga naman.


"Tayo lang late sa lahat hays" sabi naman ni trisha tapos ay nagperfume. Tsk e siya nga yung hinintay namin eh. Antagal niya.


"Edi astig ang entrance natin" sambit ko tapos ay sumuot ng mask. Nabaling naman sakin yung mga tingin nila na may mga ngisi sa mga labi nila.


"Oo nga naman pala" nakangising sabi ni leenara. Kumindat naman beatrace samantalang si aquina ay napatango tango. Tsk minsan ang slow nila.


"So tapos na tayo guys. Makakarating tayo don ng saktong 2:50PM or 3PM. Hali na. Tama na ang kaartehan!" sigaw ni Shakira kaya kami naman ay patakbong lumabas ng building.


Agad kaming sumakay sa black na van.


"Pwede paki balisan? As in yung pinaka mabilis talaga?" tanong ni leysha sa driver kaya tumango naman yung driver. Tapos lahat na sila may kanya-kanyang ginagawa. Parang kanina lang natataranta sila tapos ngayun pachill chill. Sa totoo niyan, hindi sila matakot ma late. Kahit ma late man sila tapos walang practice, nangunguna pa naman sila.


Napailing nalang at tumingin sa bintana.


"Pahiram nga ng mirror trisha" sabi ni shakira kay trisha habang naka lahad ng kamay. Binigay naman ito ni trisha. Halos lahat sila inaayos yung mukha. Ako lang ata ang walang make up sa mukha. Naka mask naman ako at naka cap bakit pa mag aarte?


Napatingin ako sa mga porma namin at napangisi. Ngayun lang kami nagkapare parehas. I mean, yung mga color. Black, gray, red, white.


Hindi naman ito pinlano kasi male-late lang kami lalo pag nagplano pa kami. Pero kitams? Parang planado. Di inaasahang lahat kami full white na rubber shoes.


Si shakira ay naka naka croptop na fit tas color red then may line na black sa leeg, then naka jogger pants na color black na may manipis na belt na color red.


Si Trisha naman ay croptop na fit tas color black then may line na red sa leeg, then naka jogger pants na red. May manipis rin itong itong belt pero black. Opposite lang sa porma ni shakira.


Beatrace naman naka longsleve na croptop pero maluwag, color gray. Naka high waist siya na pantalon, color black ito then may manipis itong belt na color red. Si leysha naman ay opposite ng kay beatrace.


Si leenara at aquina naman ay parehong longsleve na croptop na sobrang ikli, color black. pero may suot silang sport bra. Yung color ng sport bra ni leenara ay red yung kay aquina naman ay white. Lahat sila naka high waist na pantalon na color black. Belt ni leenara ay white, kay aquina naman ay red.


Ako naman. Wala naka white t-shit na maluwag na may sulat na 'BIGLO' na color black ang font. Tas malaki yung punit sa gilid kaya sumuot ako ng sobrang fit na black sando. Then jogger pants na color white rin na may nakasabit na parang color silver na ewan parang tali ito pero puthaw siya. Lahat ko tinaas sa magkabilang paa para maging astig ang dating. Naka cap rin ako ng white. Full white ang lola niyo. Pati mask white.


Halos lahat ng damit ay may naka sulat na 'BIGFLO' iba't ibang font nga lang. Tsaka lahat naka cap.


"Andito na tayo" sabi ni leenara kaya agad agad kaming bumaba. Nagstart na sila. Dahil rinig na rinig dito yung nakakanging music. Nagsitinginan muna kami bago ngumisi. Magka awat awat kami sa isa't isa na sabay-sabay na humakbang at lahat naka fierce ang mukha.


Lahat kami seryosong naka tingin lang sa harap. Halos sabay-sabay kami kami humakbang. Left and right ang mga hakbang nang biglang bumukas yung malaking gate at sinalubong kami ng usok na walang amoy. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nalagpasan namin ang usok at sabay na huminto habang may usok sa likod namin..


Sabi sainyo eh. Magiging astig ang entrance namin.

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon