CHAPTER 24 - FX INTERTAINMENT

88 4 0
                                    

"Hoy. Gising. May pasok kapa!" Napamulat naman ako ng may tumapik tapik sakin.
Umupo ako sa kama at iniling iling yung ulo ko.

"Dali. Late kana!" Sigaw sakin ni arfel. Tangina ba't ngayun lang niya ako ginising? Haysht.

Tiningnan ko naman yung oras at potangina niya ulit. Pumunta na ako sa banyo at naligo. May klase kasi kami sa 3:15 PM ng afternoon. At 3:17 na. Kaya pa. Konting tambling lang.

Ng matapos ako maligo ay sinuot ko na yung uniform namin. Hindi na ako nag abala mag suklay.... ulit.

Pero syempre yung contac lense sinuot ko. Yun lang at kinuha ko yung bag ko at umalis na sa dorm.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng room namin at sobra akong late man. Late na ako kaya di na ako magpapaligoy-ligoy pa.

Binuksan ko na agad yung pinto at sinarado rin agad ito ng makapasok ako. Nasa front na ako't napatigil naman sa pagsusulat si sir. Napatingin naman ako sa mga classmates ko at hindi parin bumalik sa dati yung room. Yung maingay.

So sila naba ang official classmates ko? Yung tatlong grupo at yung 12 na taong hindi ko kilala.

Nagbow head ako kay sir at pupunta na sana sa upuan ko nang magsalita siya.

"You're 30 mins late Ms. Santiago" Ani ni sir sa likod ko. Gumilid naman ako para makita siya ng classmates ko. Tsaka ayokong may nasa likod ko. Hindi nalang ako nagsalita.

"Sit down" sabi sakin ni sir kaya diretso naman akong umupo sa pwesto ko.

"Dahil tapos naman akong magsulat at wala ng time para magdiscuss. May konting minutos pa namang natitira" Sabi ni sir.

"I have an announcement everyone. Malapit na yung mga competition natin. Gusto ko sanang may magpeperform satin dito" Naghiyawan naman ang iba sa ni announce ni sir.

"Sir sir. Ano pong mga competition?" Tanong nong babaeng hindi ko kilala basta classmate namin.

"Dance competition, Singing competition and kahit na anong talent mo. Pero about sa music lang. May rap rin, mga kakayahan mo sa instruments, any freestyles etc." Sabi ni sir at napatingin ito sa relo niya. Umalis kana please.

Naghiyawan pa lalo ang iba. Yung iba lang. Basta ako. Wala akong sasalihan. Balakayojan.

"Pero class listen. Hindi kayo ng mga classmates niyo ngayun ang team okay? Buong school. Kasi may iba't ibang school kayong kalaban. So goodluck. Next month na" ani ni sir na nagpa tili sa ibang girls. Excited much? Next month pa eh. Psh.

"Mag register lang kayo. Alam naman niyo kong saan diba? Pag naisulat na niyo yung sasalihan niyo ay sasabihin lang nila kong asan yung practice room niyo. May dance practice room, may second music room dito, and etc. That's all for today. Dismiss" Sabi ni sir at lumabas na.

May mga babaeng kunware nag ha-high note, nagpapacute. Yung sa boys naman may kunwareng nag fre-freestyle. Yung iba mag da-dub. Nako parang mga ulol. Kasi ako di ako sasali jan.

Bigla naman sila nagsiupuan ng may teacher na pumasok. Okay science teacher. Nakitingin lang din ako sa teacher na kunware nakikinig.

Nang matapos siya mag discuss ay akala ko aalis na siya pero ito nanaman yung topic na tungkol sa pesteng competition.

"Paalala lang everyone. Lahat ng teachers/Sir ay dapat ito e announce sainyo ngayun. Dapat na kayong mag register kasi next week ay hindi na pwedeng mag register. Close na. Kong ano man yung naka register, yun lang. Kahit dadalawa lang. Yun lang. Bye class" sabi ni ma'am at umalis na. Pero ang ingay parin nila pramis.

Kinuha ko nalang yung phone ko sa bag. Dahil 50percent ito ay wag nalang. hihi 7 pa uwi namin eh. Di pa naman ako sanay na hindi naka headset pag naglalakad pauwi.

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon