CHAPTER 4 - SPECIAL SECTION

224 17 2
                                    

Nasa tapat na ako ng special section. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok pero walang bumukas. Kumatok ulit ako pero wala talaga. Linapit ko yung tenga ko sa pintuan, may naririnig akong---sobrang ingay.

Binuksan ko nalang yung pinto kaya nakita ko ang mga hinayupak--- mga lalaking ang iingay. May naglalaro, may natutulog, may nag susuntukan, nag liliparan ng papel, naka headphone at naninigarilyo?

May lumilipad, may nag twe-twerk, may nag momoon-walk, may mga drugs.

Charot. At wala pang teacher? Tiningnan ko silang lahat. ALL BOYS?! shit. Iba ata tong liniparan kong room. Baka bodega to? O kaya Bar?

Tatalikod na sana ako nang may nakatayo na pala sa harap kong lalaki. May dalang lebro at naka salamin.

Teacher atire ang puta

Ito ata teacher namin.

"So ikaw pala yung new student?"

Hindi. Old student

"Buti naman at nadagdagan ng babae tung room." Ani nyaat umupo at buninagsak ang bag at dala nyang lebro sa mesa.

"Attention everyone! Class? Class? CLASS?!" Sabay sabay namang nagsi tigil ang mga hunghang nang sumigaw ang si sir. Napa lingon silang lahat kay sir.

"Makinig muna kayo" wew akala ko papagalitan niya ang mga to. Yun lang pala.

Nice. Nagmana sakin ang mga to.

"May bago kayong classmate" ngumiti sakin si sir kaya tiningnan ko naman sila. Kahit sulyap lang ay hindi manlang binigay sakin?

Nagka palit ata kami ni sir ng mukha kaya akala nila ay si sir ay ako.

"You can sit beside---" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng biglang may nagsitulakan ng bongga, pati pintuan na nakasara na muntik pang lumipad. Buti walang pakpak ang pintuan. Ayun tuloy sabay-sabay silang nadapa sa tiles.

Aww. That hurts ya know

"Aray bat niyo kasi ako tinulak ng malaks! Shit. Ang sakit ng likod ko" inis na sabi ng babaeng nahihirapang tumayo.

"Aba. Ikaw lang ba? Putek. Para akong sinipa ni hulk eh" naka ngusong sabi nung kakatayo lang babae

"Hoy, tulongan niyo nga ako dito" inis na sabi nung bakla na nakahawak sa tuhod ng babaeng naka poker face lang. Na parang wala lang sakanya yung sakit. Hindi naman ata siya nakaramdam ng sakit eh.

Lima. Lima sila. Apat na babae at isang bakla. Yung dalawang babae lang talaga sakanila ang hindi rumereact.

"Magsi-upo na kayo. Hiba, ituro mo nga sakanya yung bakanteng upuan" Tumango lang yung silent na babae at tiningnan lang ako. Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko nalang siya. hanggang sa naka punta kami sa pinaka last na upuan ay tinuro niya sakin yung nasa kilid ng pader na may bintana. Nice may aircon na ako.

Pumunta na ako doon sa upuan at bagsak akong umupo. Phew. Kakapagod. Nakita ko namang kakaupo lang ng mga babae at yung bakla pero sunusulyapan nila ako.

Nasa likod ako kaya di ako napapansin ng iba. Pwde akong matulog o kong ano man ang gawin ko.

Nag simula ng mag sulat si sir namin pero boring. Nakaka stress.

Marami pa akong Schedule

Joke ha-ha, maki tawa kayo.

"Uhm... Hi" bati sakin nung katabi ko. Sinulyapan ko lang sya pagkatapos ay tumingin sa front.

Kunwari nakikinig

"Hey" napalingon naman ako sa katabi ko, ang kulit. Pero iba na ang katabi ko. Yung naka ngusong babae.

Tiningnan ko lang siya. Haharap na sana ako sa front ng bigla niyang hinawakan yung baba ko at pinaharap sakanya.

"Bat ang cold mo po?" Tanong niya. Nagkibit balikat lang ako sakanya at tinaggal ang pagkahawak nya sa baba ko.

Hindi naman ako cold ah. Sadyang malamig lang ang panahon ngayun.

Tumayo na si sir kaya umupo na ako ng maayos.

"Okay class lets start our lesson. Blah blah blah blah" Tumingin nalang ako sa bintana at naramdaman ko ang simoy ng hangin. Dito ko nalang sinayang yung oras ko.

Bigla akong nalimputangan ng biglang nag bell. Tiningnan ko naman yung mga classmates ko. Pero wala na sila. Tanging yung sir lang namin na nasa front na nag cecellphone. Hindi na ako lumabas at natulog nalang.

Buhay talaga no? Parang life.

Bigla nalang ako napa aray ng may kumalabit sa tagiliran ko.

Kong saan may sugat.

Binangon ko nalang yung ulo ko at hinawakan yung tagiliran ko. Tiningnan ko namn kong sinong putanginang kumalabit sakin.

"Huy? Nag kaklase tayo gising" Ani nito at ngumiti. Tiningnan ko lang siya at umusog ng konti papalayo sakanya. Pinatong naman niya yung siko niya sa desk ko.

"Alam mo---" hindi ko na siya pinatapos magsalita at inunahan ko na.

"Hindi ko alam" pag puputol ko sakanya. Pinaningkitan ko lang siya ng mata at tumingin nalang sa labas ng bintana.

"Girl ang cold nito" dining kong bulong ng katabi ko sa harap nya.

Hindi ko na pinansin at tumayo na ako at kinuha ang mga gamit para lumayas na dito sa pamanahay na to. Chee! Niloko nila ako, pinaasa nila ako, pinagkaisahan nila ako. Kaya diko na kaya. Aalis na ako, AYOKO NA! Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko.

Charr.

Kinuha ko lang yung gamit ko kasi nag ring yung bell, sign na uwian na.

Inaantok pa ako kaya uuwi nalang ako ng maaga. Hindi ko kasi natuloy yung tulog ko kasi kinalabit pa ako ng putang yun. Ayun tuloy na istorbo ako.

Masama pa naman pag iniistorbo ako.... lalong lalo ng stress ako ngayun. Eh?

Nagpara na ako ng taxi at ayun na.

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon