CHAPTER 56 - HER PAST - 4

83 5 0
                                    


Flashback


Nagdaan ng dalawang taon bago gumising si raki. Paggising niya ay napapikit ulit siya dahil sa sinag ng araw. Nang masanay na ang mata niya ay binuksan niya ulit ang mata niya at inikot ang mata nita upang libutin ang kabuan ng kwarto.


Agad naman siyang napatingin sa biglang bumukas na pinto at may nakita siyang nag-uusap na mga nurse at doctor sa tapat ng pintuan. Agad na umalis ang mga doctor at nurse at pumasok sa loob ang lalaki.


Nakamgiti na sakanya ang lalaki na hindi niya kilala. Tsaka naka mask ito.


"Kamusta? Okay ka na ba?" tanong ng lalaki pero hindi niya ito sinagot. Napatitig nalang siya sa lalaki.


"Who am i?" tanong nito sa lalaki na nagpaiwas ng tingin sakanya ng lalaki.


"Raki. You are Raki Santiago"



***


3 days bago nilabas ng hospital si Raki. Ngayun ay 11 years old na siya. Wala pa rin siyang natatandaan. Ni hindi niya alam kong pano siya nakapunta sa hospital.


Don siya nakatira sa bahay ng mga grandparents nila. Hindi niya rin kilala ang mga ito kong hindi lang nila sinabi na mga lolo't lola niya ang mga ito.


Hanggang sa nagdaang taon ay nasanay na rin siya. Naging close narin sila ng mga grandparents niya. Tinanong niya rin kong saan ang mga magulang niya pero ang sinasabi ng mga grandparents niya ay nasa trabaho. Yun kasi ang sabi ni ruxx. Hindi pwedeng sabihin na wala na sila kasi baka sasakit lang ang ulo nito at masama yun dahil kagagaling lang niya sa coma. Wag dapat padalos-dalos.


Naging normal narin ang buhay niya at kontento na siya ron. Wala rin siyang natatandaan sa mga nakaraan niya. Na explain na sakanya ng mga grandparents niya na nagka amnesia ito. Nabangga daw ang sinasakyan nila ng bus nong papuntang school ito. Nahulog raw ang bus sa ilog kaya malakas ang impact yun sakanilang mga bata. Buti nalang daw nabuhay siya ng doctor.


Na intindihan naman yun ni raki. Pero hindi parin mawawala sa ugali niya ang pagiging tahimik at seryoso. Lalong lalo na ang malamig nitong boses kapag nagsasalita.


Natanong narin ni raki sa mga grandparents niya kong pano daw siya nagka tattoo sa bandang gilid ng tyan niya. Hindi ito sinagot ng kanyang mga lolo't lola at sinabihan na lamang nila ito na wag yun ipakita sa iba. Kahit kanino. Tanging sarili lamang niya. Hindi na nagtanong pa si raki tungkol sa tattoo niya.



***


Hanggang sa 17 years old na si raki ay hindi na niya kilala ang kanyang mga magulang. Wala na rin ang kanyang mga grandparents at inaamin niya, mahirap mawalan ng grandparents. Para na kasi niya itong mga magulang.


Pero ang hindi niya alam. Namatay ang mga grandparents nila dahil niligtas lang nila ang kanilang apo na si raki.


Nalaman kasi nila na may nakaka alam na na buhay na si raki kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan mawala sa landas nila ang taong yun. Nagkaroon ng malaking gulo, madugong labanan ng mga oras na yun. Sa ibang lugar naganap yun at nasa skwelahan si raki habang payapang nagsusulat.


Napatay nga nila ang mga taong nakaka alam na buhay ang kanilang apo pero hindi rin nila kinaya kaya namatay na rin sila. Nandon rin si ruxx sa mga oras na yun. Pati na rin siya ay nauubusan ng dugo. Masyadong marami ang kalaban nila.


Pero nadala naman ni ruxx ang sarili niya sa hospital at ang mga grandparents nito ay sinakay sa ambulansya.


Isang araw lang ang tinagal ni ruxx sa hospital at ang mga grandparents naman nito ay wala na. Hindi nila kinaya. Dahil narin sa katandaan nila. Lahat sila nabaril sa puso


***


Si ruxx ang mga nagpapadala ng pera kay raki na hindi kilala ni raki. Hindi rin nagpakilala si ruxx sakanya. Para maging safe siya. Pag dumating na ang tamang panahon, tsaka na niya ito sasabihin sakanya ang lahat. Sa ngayun, hindi muna.


Binigay na rin ni ruxx ang sarili niyang bahay kay raki. Marami naman siyang bahay sa dito sa pinas at sa ibang bansa. Marami siyang pera. Dahil may sarili itong kompanya.


Nang makita niyang marunong nang buhayin ni raki ang sarili niya ay tsaka na siya lumuwas ng pinas. Nag stay siya sa Thailand kasama ang kagrupo niya. Marami siyang inaasikaso.


"Kamusta naman ang kapatid mo don?" tanong ng katabi niya. Si Wrath Lauhawk. Napangisi nalang ito sakanya.


"Wag ang kapatid ko" nakangising sabi ni ruxx sa kanya. Napaseryoso naman si Wrath sa sinabi ng katabi niya.


"Tsk. Just asking" ani ni wrath at umiwas ng tingin. Napangisi naman lalo si ruxx.


"Don't you dare wrath or else, you're dead" seryosong sabi sakanya ni ruxx. Alam niya kasing may pagtingin si wrath sa kapatid niya. Bata palang ito.


18 Years old ngayun si wrath at si raki parin ang nakikita niyang babae. Pero hindi naman niya yun binibigyan ng pansin. Pinipigilan niya rin ang sarili niya. Dahil alam niyang wala rin naman siyang pag-asa kay raki.


"Wala naman akong gagawin" seryosong sabi ni wrath sa katabi niya. Napatango lang si ruxx sakanya.


"Dapat lang" ani ni ruxx.


"By the way. Ikaw. Umuwi ka ng pinas at bantayan mo ang kapatid ko. Don ka sa Yukixzukuran Academy mag-aral dahil don siya nag-aaral. Susunod lang ako" pag uutos ni ruxx kay wrath na ikina inis nalang ni wrath.



"Kong maka utos kala mo kong sino" bulong ni wrath at tumayo. Kinuha niya lang ang pitaka nito at passport. Pero narinig ni ruxx ang bulong ni wrath kaya napangisi lang ito.


***


Matagal ng binabantayan ni wrath si raki sa loob ng school. Nalaman niya ring magtratrabaho ito sa isang intertainment. Kaya sinunod niya ito. Nag audition rin ito.


Nakita niya rin ang kaisa-isanh tropa nito kaya napangisi siya dahil alam niyang magkakagrupo sila.


Hinintay niya talagang matawag ang number ni raki. Nang matawag ang number nito ay tumayo sa stage si raki. Luna ang ginamit nitong codename.


Pero hindi niya inaasahan na magaling pala itong sumayaw, kumanta at magrap na mas lalong nagpahulog sa kanya. Umiwas nalang ito ng tingin sakanya at hinintay na matapos ito sumayaw.


Napangisi nalang siya ng lahat may letter 'L' sa mga codename nila. Luna ang codename ng babaeng na aastigan siya dito.


Ang ginamit rin niyang codename ay Elium.

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon